4

2 1 0
                                    

Akie's pov

Nagdaan ang mga araw at naging linggo mas naging mailap ako kay Aze.Nahihirapan akong kumilos ng walang disgrasya pag nagkikita kami sa iisang lugar.

Hanggang umabot sa araw kung kailan na kami pupunta sa lungsod.
Hanggang sa pagbyahe iniiwasan ko talagang tumingin sa direksyon nya kahit napapansin kong palagi nya akong tinitingnan sa salamin at pairap kung iaalis ang tingin nya sakin.

Gabi na ng nakarating kami.Naunang bumaba si Daya at kinuha ang susi ng bahay kay nay Fe.Iksaktong pagbaba ko ay syang pagbukas ng pinto ng driver's seat.

"Tulungan mo ko."masungit na aniya.

"Ha?"napipiping sagot ko.

"Ha?"panggagaya nya."Sabing tulungan mo ko eh."

"Ay,wow naman."sabat ni Lou."Hoy aso di ka naman nakatali kaya bumaba ka mag isa mo,kita mong may dalang bag eh.Mabigat kaya yan."di naman masyadong nabigat dala ko.

Di na ako nakapagsalita ng hatakin na ako ni Lou papasok ng bahay.Liningon ko ulit si Aze.Hirap syang bumaba,inis na sinira ang pinto ng pick up nya at paika ikang lumakad papasok ng bahay.

May masama na naman sigurong binubulong yon.

"Anog gusto nyong kainin?Maghahanda nako."

"Ako nay gusto ko chapsoy..."

"Wala namang bago Lou,"bumaling ang tingin bya sakin."Yun din ang sayo no?"tumango ako.

"Bumaba kayo maya maya ni Daya,Aze."

"Kayo na lang ho,magpapahinga na ho ako."tiningnan nya ako.Pati tingin nya kinakabahan nako."Masakit paa ko."

"Asus,di naman paa mo ang nagmaneho.Makaarte lang."

"Pwede ba!Eh sa masakit eh ano magagawa ko."

"Oh sya sya,umakyat ka na."pagtataboy ni Lou."Iba talaga pag walang tulog ang aso."

"At wag mo kong tatawaging aso!"

"Tumigil na kayo,"nilabas ni nay Fe mga lulutuin nya."Ipa check up mo paa mo bukas na bukas din Aze."

"Wag na ho,puputulin lang din naman to siguro."dahan dahan syang naglakad pataas.Saglit nya pa akong nilingon ulit."Tsk,wala talagang konsenya."mahinang asik nya.

Tumaas ang isang kilay ko.
Ako ba pinariringgan nya?

Binaba ko ang tingin sa paa nya.
Tsk,wala man lang akong makita dahil natatakpan ng sout nyang malawlaw na pajama.

Dumating na ang araw ng unang pasok sa eskwela.Nakita kong pababa na si Aze.Wala sa itsura nya ang pagmamadali dahil hindi parin sya nakabihis.

Di ka naman siguro ulyanin?

"Aba,himalang nagising ka pa ngayon kuya ano?Wag ka ng mahiya samin tulog ka pa ulit."gigil na bungad ni Daya sa kambal.

Pano ba naman,kanina pa kami dito naghihintay sa kanya ngayon pa nagising,sa kabila ng katotohanang ngayon unang pasok ng eskwela.Halos mag na-nine a.m na.At heto sya kalmadong nag a-almusal na parang walang narinig.

"Kuya ambagal mo na mang kumilos.Gusto mo tulungan ka na naming sumubo o kaya naman kami na ang ngunguya para sayo."naging hysterical na talaga si Daya.Kahit naman kami ni Lou ay kinakabahan na rin pero wala naman kaming magagawa.

"Ngayon mo pa talagang napiling kumilos pagong kung kaylan unang pasok,"walang buhay na sabi ni Lou."Nakakatuwa talaga,mukhang magkakatitulo pa tayo sa unang pasok natin dahil sayo."

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 24, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

A Badboy's LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora