Chapter Six: The Woman Who Tore Pierre's Heart

10.5K 184 12
                                    

CHAPTER SIX

"PARENG Malvar, si Jastis nga pala." pagpapakilala sa kanya ni Pierre sa kaibigan nitong maglulugaw, si Malvar. "Jastis, si Pareng Malvar nga pala."

"Magandang umaga." Naupo silang dalawa sa mga monobloc chair na nasa harap ng mahabang mesa. Medyo napagod siya sa ginawa nila ni Pierre, pero nag-enjoy naman siya.

Natapos ang pagde-deliver nila ng mga produkto sa loob ng isang oras. Ilang puwesto sa palengke rin ang inikutan nila. Natutuwa siya dahil ito ang unang beses na na-expose siya sa isang wet market. Ganoon pala ang environment doon. Kahit pala hindi pa sumisikat ang araw ay buhay na buhay na ang lugar.

"Magandang umaga, Jastis." bati ni Malvar. "Pare, ang ganda naman ng misis mo."

"Hindi—" Nahinto siya nang si Pierre ang sumagot dito.

"Wala ka bang tiwala sa mukhang ito?" Tinuro ni Pierre ang mukha. "Itong guwapong ito, kukuha ng pangit? 'Di naman yata puwede iyon, Pare. Hindi iyong mga katulad ni Dang ang papantay sa mukhang ito."

"Hinayupak ka! Huwag mong ginagano'n si Dang My Labs!" Dinabog ni Malvar ang mesa sa harap nito. "Sasamain ka sa aking hayup ka! Ang aga-aga, nilalait mo si Dang? Eh, kung gilitan kita ng leeg ngayon?"

Napapitlag naman siya. So, may ka-love team naman pala si Dang, ang tindera ng mga cellphone accessories sa palengke. Si Malvar.

Si Pierre naman ay nangingiti lang. Siguro ay pamilyar na ito sa mga ikinikilos ni Malvar. They must have been good friends since then.

Nakahanap lang siya ng tiyempo na itama si Malvar nang matapos ito sa paglitanya. "Hindi ko ho siya mister."

"Hindi mo ito Misis?" gulat na sigaw ni Malvar. Tumalikod ito at kumuha ng isang kaserola at inabot kay Pierre. "'Tangina mo, Pare! Suotan mo na ng helmet ang babaing ito. Baka mamaya, mabagok ito at palitan ka. Hindi pinakakawalan ang ganyang kagandang bebot!"

Thank you ho sa compliments pero, excuse me ho, Kuya. Hindi pa nga ho nanliligaw ang kaibigan niyo. atungal ng isip niya.

Itinulak ni Pierre pabalik kay Malvar ang kaserola. "Hindi na kailangan niyan. Malaki ang tiwala ko dito. Hindi ako pagpapalit nito sa ibang lalaki kasi alam niya na 'di na siya makakakita ng katulad ko kapag pinakawalan pa niya ako."

Kay lakas talaga ng confidence level ng isang ito. reklamong muli ng isip niya. But she pondered on his words. Hindi nga naman ito pangkaraniwang lalaki. He was truly a one of a kind.

"Pabili na nga lang ho ng lugaw." nagmamaasim na wika niya kay Malvar.

"Hindi lugaw ang ibibigay ko para sa isang magandang binibining katulad mo. Iaalay ko sa iyo ang aking ispeyshal goto. Unang higop mo pa lang, limot mo na ang pangalan mo." pagyayabang ni Malvar.

Napabungisngis na lang siya. She was really not used to this kind of environment. Nasanay lang siguro siya sa middle-class, well, close to high-end lifestyle. Iyong mga ginagawa ng mga taga-'upper upper'.

Sa ilang sandali ay binigyan sila nito ng ispeyshal goto ni Malvar. Hindi naman siya binigo ni Pierre dahil ito ang unang beses na nakatikim siya ng ganito kasarap na lugaw. Mabuti na lang at na-phase out na ang Congee sa Chowking dahil mapapahiya lang ito kung itatapat ito sa lugaw ni Malvar.

"Ang sarap, 'no?" bulong ni Pierre sa kanya.

"Uh-huh." She nonchalantly uttered.

Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon