Chapter Nine: Love Versus Danger

9.1K 153 11
                                    

CHAPTER NINE

HINARAP ni Justice ang kanyang MacBook. Ilang araw na siyang natengga sa article na sinusulat niya. It was the article about her one-way love story with Pierre.

Wala nga naman siyang dapat i-expect sa lalaking ito dahil hindi naman ito umamin sa kanya na mahal siya nito. Ano nga naman ang maisusulat niya? Wala naman siyang pinanghahawakan.

Kung bakit ba naman kasi na-open ko pa ito sa Sofisticada. reklamo ng utak niya.

She already wrote more than two thousand words. Sa totoo lang ay marami-rami na rin siyang naisulat. As she read the article everyday, she was fascinated on how she developed her love in him. Iyon nga lang. Siya lang ang na-develop.

Muli niyang isinara ang laptop. Kaysa ma-stress pa siya, iniwan niya na lang ang laptop sa kama.

Bumaba siya at tumungo sa kusina. She drank a glass of cold water and closed her eyes for a few moments. Nang muli niyang ibuka ang mga talukap ng mata, bumulaga sa kanyang paningin ang mesa.

Oh, how she remembered that night she offered her virginity to Pierre. That night was full of magic. And she never knew why Pierre left her alone on that table. Baka nga hindi naman talaga siya nito mahal.

She took advantage of his vulnerability. He took advantage of her virginity. At ang sanhi niyon ay kalungkutan. Whatever it was, isa lang ang masasabi niya. It's a tie.

Naupo siya sa isa sa mga upuang naroroon sa mesa. Ilang beses na nagpabalik-balik sa isip niya na wala naman siyang ginawang mali. Sigurado siya doon. Ibinigay lang naman niya ang kanyang sarili kay Pierre.

Habang nagninilay siya ay nakarinig siya ng kalabog. Parang may pumasok sa pintuan ng kanyang bahay. Agad siyang tumungo sa sala at tiningnan kung may tao doon.

"Hello."

Kumunot ang noo niya. Isang di-pamilyar na dalaga ang nasa harap niya. Lumakad ito patungo sa sofa at naupo.

"Sino ka?"

"You know me very well, Justice."

Napaamang siya. Kahit anong pag-apuhap niya sa isip niya kung sino ang babaing nasa harap niya ay wala talaga siyang maalala. "Miss, hindi kita kilala."

The woman was wearing a one-piece dress that highlighted her voluptuous body. May maikling buhok ito at may mga alahas na mukhang mamahalin. May dala itong isang makintab na pouch. And God knows why she was here.

"Ito. Baka kilala mo ito?"

Sa ilang saglit ay inilabas nito ang isang baril mula sa pouch nito. Justice's heart thumped quickly. Papatayin ba siya ng babaing ito?

"M-miss?" garalgal na wika niya.

"Ako si Vera. Kaibigan ako ni Malvar at ako ang ex-girlfriend ni Pierre." pagpapakilala nito.

Nang marinig niya ang pangalan ni Vera ay nagpanting ang mga tainga niya. Gusto niyang sugurin ito. Gusto niyang pagsasampalin ang mukha nito. Gusto niyang sabunutan at hatakin ang buhok nito. If it only weren't for the gun she was holding.

Bitch. untag ng isip niya. "Bakit ka naririto?"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa ng isang estrangherong may dalang kuwarenta'y singko na nasa loob ng bahay ng isang babaeng walang kalaban-laban? Definitely, may gagawin akong masama. Idiota!" Napatayo si Vera at tinutok ang baril sa kanya. "Don't you think so, Justice?"

Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon