Chapter 07

73 3 0
                                    

AVERY LUNA'S POV

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising sa oras na 4:18AM. Mas maaga pa akong nagising kaysa sa kanila kaya tinulungan ko na si Manang magluto ng agahan namin.

At sa pagpatak ng 5:10AM, tsaka lang kami tuluyang natapos sa paghahanda. Kaya nagpunta na muna ako sa sala para hintayin ang pagbaba nila Dad.

Halos ilang minuto na akong naghihintay dito sa sala habang nagbabasa ng ilang librong narito sa sala table nang makarinig na ako ng mga yapak pababa dito.

Kaagad ko ng sinarado ang libro at maayos na inilagay sa ilalim ng sala table. Napatayo na rin ako ng matuwid habang sumusulyap kanila Dad na nakasuot na ng kanilang damit pangtrabaho at nagmamadaling bumababa ng hagdanan.

"Dad, Mom! Good morning po!", masiglang bati ko sa kanila nang tuluyan na silang makababa, pero hindi man lang nila ako pinansin.

"Let's eat na po! Ako po ang naghanda ng breakfast natin ngayon!", pilit ngiting sabi ko pa.

Lumapit sa akin si Daddy na may lungkot sa kanyang mukha. Napabuntong hininga pa siya.

"I'm really sorry, Princess. Hindi kana namin masasabayan na kumain ngayon."

"Your mom has an emergency on her patient so, sabay na lang kami para isahan na lang ang biyahe.", pilit ngiting paliwanang sa akin ni Daddy. Ginulo-gulo niya pa ang buhok ko.

"But dad, how's-" Kaaagad na lang pinutol ni Mom ang sasabihin ko.

"Lets go honey! We really have to go!", nagmamadaling sabi ni Mom kaya natahimik ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Nagmamadali lang akong niyakap ni Dad saka hinalikan sa noo. "I'm really so sorry, Princess. Next time na lang, ha? Nagmamadali na kasi ang Mom mo.", malumanay na sabi ni Daddy sa akin kaya tumango-tango na lang ako sa kanya.

Kaagad na siyang umalis mula sa pagkakayakap sa akin at nagmamadaling lumabas.

"Oh, before I forgot, Princess, pakisabi na lang kay Manang na maaga kaming nakaalis.", pahabol pa niyang sabi hanggang sa hindi ko na nakita ang kanilang presensya.

Dahil hindi ko na sila makaksamang kumain, malungkot akong nagtungo sa kusina. Pagkakita ko pa lang kay Manang, kaagad kong sinabi sa kanya na hindi na makakasabay sila Dad sa agahan namin. Hindi na nagtanong pa sa akin si Manang ng kung ano-ano dahil mukhang napansin rin niya sigurong wala ako sa mood.

Katulad ng nangyari kagabi, si Manang lamang ang kasama kong kumain sa hapag ngayon. Hindi ko na inabala ang sarili kong gisingin pa sila Kuya kambal dahil hindi nila gustong may gumigising sa kanila, isa pa, hindi rin naman ako gustong makasabay ni Kuya Steffen kumain.

Sa oras na 06:14AM ng umaga, nakahanda na ako sa pag-alis patungong University. Pagkatapos kong kumain kanina, kaagad na akong nagtungo sa taas para maligo at magbihis dahil may naisip akong plano ngayong umaga.

Pagkababa ko, hindi ko nahanap si Manang dito sa loob ng mansion kaya naisipan kong magtungo sa likod. Baka nasa may laundry area siya ngayon dahil kung minsan ay tuwing Tuesday-Thursday-Saturday ang araw ng kanyang paglalaba.

Hindi nga ako nagkakamali sa aking naisip. Hindi pa ako tuluyang nakararating sa likod, naririnig ko na kaagad ang pag-ingay ng washing machine at ang paglagaslas ng umaapaw na tubig sa planggana.

"Oh, bakit nandito ka, iha? Lumayo ka dahil baka mabasa ka ng tubig.", puna kaagad ni Manang sa akin nang tuluyan na akong makapunta dito sa likod.

"Uh, Manang, magpapaalam na po sana ako sayo'ng aalis na ako. Hindi na po kasi ako makapagpaalam kanila Kuya dahil baka naliligo pa lang po sila.", pagpaalam ko.

Still Into You (Season One)Where stories live. Discover now