CHAPTER 2

521 32 1
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪


Niligpit ko na ang aking mga gamit pagkarinig sa bell. Lunch time na at may 1 hour vacant pa ako.



As usual, bibili lang ako sa cafeteria at tatambay sa garden o sa gymnasium para manood ng practice ng mga varsity player.



Well, part din ako ng volleyball team pero minsan nalang ang laro namin ngayon dahil sa busy na schedule. Malapit na ding mag Christmas.



Naupo kaagad ako sa bench na nahanap. Sa garden nalang ako nagdecide na pumunta dahil mas payapa dito at presko. May bench at table sa ilalim ng malaking puno.



Nilapag ko ang biniling kanin at ulam. Chicken, rice and sausage. May drinks din na coke at sandwich na may ham, cheese and lettuce sa loob.



Sinimulan ko ng kumain ng tahimik at mag isa. Wala naman akong tunay na kaibigang matatawag dahil natatakot ako sa baka sa huli iwan lang nila ako kaya mas pinili ko nalang na hindi makisocialize.



Napatigil lang ako sa pagkain ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko. Pinunasan ko muna ng tissue ang kamay at bibig bago ito kinuha.


𝘍𝘳𝘰𝘮 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘪𝘯;


𝖭𝖺𝗀𝗅𝗎𝗅𝗎𝗇𝖼𝗁 𝗄𝖺𝗇𝖺?


Kaagad naman akong nagreply.



𝘛𝘰 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘪𝘯;



𝖸𝖾𝗉, 𝗐𝗁𝗒?



Kaagad din akong nakatanggap ng message galing sa kan 'ya.




𝘍𝘳𝘰𝘮 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘪𝘯;



𝖭𝗈𝗍𝗁𝗂𝗇𝗀. 𝖠𝖺𝗒𝖺𝗂𝗇 𝗌𝖺𝗇𝖺 𝗄𝗂𝗍𝖺. 𝖲𝖺𝖻𝖺𝗒 𝗇𝖺𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗍𝖺𝗒𝗈𝗇𝗀 𝗎𝗆𝗎𝗐𝗂 𝗆𝖺𝗆𝖺𝗒𝖺.





𝘛𝘰 𝘔𝘢𝘳𝘵𝘪𝘯;


𝖲𝗂𝗀𝖾.



Pinatay ko nalang muli ang cellphone at tumingin sa harapan ngunit gan'on nalang ang gulat ko ng makitang may lalaking palapit sa pwesto ko.



Hindi siya nakasuot ng uniform na kagaya ng sa'kin. Simpleng grey Vneck shirt at pants lang ang suot niya. Umaapaw din ang hitsura kahit nakasuot pa siya ng shades.



“Excuse me." Napahinto ako sa pagtitig sa kan'ya ng huminto siya sa harapan ko. Napalunok naman ako.



“Y–Yes po?"



“Can I ask?" Kaagad naman akong tumango. “Where is the Dean's office?" Napakunot ang noo ko. Bisita ba siya ng Dean? Mage–enroll? Pero late na.



“A–Ah, deretso lang po kayo d'yan then liko sa left." Sinundan niya ang kamay kong tinuturo ang direksyon.



Hindi siya tumango o ano pero kaagad na bumaling ang atensyon niya sa'kin. “May i know your name Mr?" Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa tanong niya.



“P–Po?"




“May i know your name?" Ulit niya habang seryoso pa ring nakatingin sa'kin. Walang ibang emosyon don at mukhang seryoso siya sa gustong malaman.




“A–Ah... Ryuu po."



Tinitigan niya pa ako saglit bago tumango. “Thank you." Maikling sabi niya at naglakad paalis sa pwesto ko.



Napabuga nalang ako ng hangin ng hindi ko na naramdaman ang presensya niya. Feeling ko nauubusan ako ng hangin habang nakikipag usap ako sa kan'ya.



Pamilyar din ang mukha niya. Well, para siyang model kaya siguro nakita ko na siya sa tv or social media.



Tinapos ko nalang ang pagkain at nagpahinga sa pwesto ko. Tinatamad akong lumipat pa dahil tirik na tirik ang araw.


...



“Okay class, dismissed."




Natapos na ang pang hapon na subject kaya kaagad ko ng niligpit ang gamit para humanda sa pag uwi.



Nag text na din si Martin na magkita nalang kami sa gate, doon nalang namin hihintayin si manong.



Since in-enroll din siya nila mommy sa school na pinapasukan ko ay napagdesisyunan na din nilang isabay si Martin sa pagpasok at pag uwi ko.



Noong una ay tumatanggi pa siya dahil masyado ng nakakahiya pero pinilit siya nila mom. Sagot din nila ang lahat ng gastusin sa pag aaral niya kaya gan'on nalang kabuti ang tatay at nanay ni Martin na naninilbihan din sa'min.



“Martin!" Nakangiting bati ko sa kan 'ya. Kasalukuyan siyang nakasandal sa gate at nakapamulsa.



Napangiti din siya ng makita ako at umayos ng tayo. “Ryuu!" Kumaway din siya. To be honest here, may histura ding maipagmamalaki si Martin pero sabi niya ay pass muna siya sa pagpasok sa isang relasyon.



“How's your day?" Nakangiting tanong niya at lumapit sa'kin.



“Ayos naman. Ikaw?" Kinuha niya ang hawak kong bag na nakasanayan ko na din. Isusukbit niya iyon sa kan'yang balikat at siya ang magdadala hanggang pag uwi namin.



“Ayos lang din." BS Architecture naman ang kinuha niyang course. Same hour lang din kami kaya nagkakasabay kami palagi. Nauna lang siya kaninang umaga dahil may kailangan siyang ipasa.



Akmang lalakad kami papuntang waiting shed upang doon maghintay ng biglang tumunog ang cellphone niya. Kaagad niya itong kinuha at binasa ang caller.



“Sasagutin ko lang 'to." Tumango naman ako sa kan 'ya at hinayaan siyang huminto muna. Nauna nalang ako maglakad dahil malapit lang din iyon.




Hindi ko na siya gaanong tanaw ngunit isinawalang bahala ko nalang iyon. Tumingin nalang ako sa tahimik na paligid. Iba ang way ng mga lumalabas na studyante, iba din ang oras ng uwi namin kaya medyo konti lang ang nandito.



Ako lang din mag isa ang nag aabang sa waiting shed dahil diretso parking lot sila. Sinusundo pa kasi ni Manong si Rosh sa school.


Napahinto lang ako sa pag iisip ng bagay bagay ng may humintong puting van sa harapan ko.


Biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng makaramdam ako ng kaba. Hindi na ako bata para maniwala na may nangunguha ng bata at ibebenta ang laman pero hindi ko pa rin maiwasang matakot.


Inisip ko nalang na baka may hinihintay ito o may itatanong.

Ngunit, gan'on nalang ang gulat ko ng may lumabas na mahigit tatlong lalaki at kaagad na hinatak ang kamay ko.


Sh*tttt!


What is this?!


Akmang sisigaw na ako ng may tumakip ng panyo sa aking ilong. “Hmppppp!" Pinilit kong magpumiglas ngunit sadyang mas malaki ang katawan nila kumpara sa akin.


F*ck!



Anong nangyayari?!



Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Naramdaman ko nalang ang pagbigat ng aking pakiramdam at ang unti unting pagpikit ng aking mga mata.


Gusto kong sumigaw, gusto kong tumakas ngunit nawawalan na ako ng lakas para magpumiglas sa kanila.


Naramdaman ko nalang ang pag salo sa'kin ng isang matigas na braso bago tuluyang nagdilim ang aking paningin.




Help me...






END OF CHAPTER 2

Unexpected Desire (On Going)Where stories live. Discover now