CHAPTER 8

361 28 0
                                    

𝙍𝙮𝙪𝙪


Napatingin ulit ako sa listahan na hawak ko. Chine-check kung mayroon pang kulang na nakalagay dito.



It's already 5:00 pm, pagkauwi palang ay bumungad na kaagad si mommy. Kailangan daw bumili ng mga gagamitin sa mga lulutuin nila para bukas dahil may mangyayaring family dinner.



Since wala sila manang dahil may iba silang inaasikaso ay walang mautusan kaya ako nalang ang kumuha ng listahan.



Napatingin nalang ako sa suot ko. Simpleng white t–shirt at jogging pants lang ang suot ko, may malapit namang grocery store kaya hindi ko na kailangang mag bihis ng pormal.



“Mom, wala na po bang idadagdag?" Nadaanan ko ito sa sofa, kasalukuyan siyang nanonood ng isang palabas na hindi ko alam ang title.



“Yes, wala na anak." Tumango naman ako at humalik sa kan'yang pisngi. “Umuwi ka kaagad pagkatapos mong mamili."



“Opo."



Lumabas na ako at hinanap ang magd–drive para sa'kin. “Tara na po manong." Salubong ko dito. Tumango naman siya at pinagbuksan ako ng pinto, driver naman siya ni mommy.



“Saan tayo iho?" Tanong nito habang papalabas na kami.



“Sa malapit na grocery store po." Nasa backseat din ang dalawang bodyguard na pinasama sa'kin ni mommy.



In–open ko muna saglit ang cellphone para tignan kung may nag message ba. Puro gc lang naman ang laman ng messenger ko, wala din akong ibang kausap kun'di si Zayd, pinsan at bestfriend ko.



Kasalukuyan siyang nasa Florida, doon na siya lumaki at umuuwi nalang dito sa Pilipinas kapag may malaking okasyon kami o bakasyon.



Kaagad akong napatingin sa Friend requests ng may nag notification sa'kin.



𝘊𝘭𝘦𝘢𝘯𝘯𝘢 𝘔𝘰𝘯𝘵𝘦𝘤𝘪𝘭𝘭𝘰 𝘴𝘦𝘯𝘵 𝘺𝘰𝘶 𝘢 𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 𝘳𝘦𝘲𝘶𝘦𝘴𝘵.




Kaagad ko naman itong in-accept ng makilala. Makalipas lang ang ilang segundo ay nakatanggap naman ako ng mesahe.



2 𝗻𝗲𝘄 𝗺𝗲𝘀𝘀𝗮𝗴𝗲𝘀.


𝘍𝘳𝘰𝘮: 𝘊𝘭𝘦𝘢

𝘏𝘪!



𝘍𝘳𝘰𝘮 𝘊𝘭𝘦𝘢:

𝘐'𝘮 𝘊𝘭𝘦𝘢 𝘢𝘨𝘢𝘪𝘯, 𝘥𝘢𝘯𝘤𝘦 𝘤𝘭𝘶𝘣 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵.



                                                     𝘛𝘰 𝘊𝘭𝘦𝘢:
                                                      𝘏𝘦𝘭𝘭𝘰! シ︎



𝘍𝘳𝘰𝘮 𝘊𝘭𝘦𝘢:

𝘖𝘮𝘨! 𝘋𝘦 𝘝𝘪𝘴𝘵𝘦 𝘬𝘢?!


𝘍𝘳𝘰𝘮 𝘊𝘭𝘦𝘢:

𝘐 𝘳𝘦𝘢𝘭𝘭𝘺 𝘭𝘪𝘬𝘦 𝘋𝘢𝘯𝘪𝘦𝘭𝘭! 𝘠𝘰𝘶𝘳 𝘣𝘳𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳, 𝘰𝘮𝘨!




Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na ipagtatapat niya kaagad iyon sa akin pero hindi na din ako sobrang nagulat, marami na akong nakausap na nagkakagusto kay kuya kaya lumalapit sa'kin.



Unexpected Desire (On Going)Where stories live. Discover now