Kabanata 9

70 6 0
                                    

Kabanata 9

"Zep ako na ang titira!"

Tumango ako habang ang aking mga mata ay nasa shuttlecock na pabagsak sa puwesto namin. Hinanda ko ang sarili ko kung sa kaling man na hindi matira ni Sam ang bola ay ako agad ang sasalo. Nakabantay ako sa kaniyang likuran.

"Go Bebe Zep, Sam!" dinig ko ang cheer ni Francine pero hindi ko magawang lingonin iyon dahil nakatutok ang aking buong atensyon sa bola.

At tama nga aking aking hinala, dahil dumaplis sa gilid ng raketa ni Sam yung bola na naging sanhin ng pag upo ko sa samento upang habulin yung bola. Hindi naman ako nabigo dahil nasalo ko iyon at buti na lang ini-smash ni Sam yung bola.

"Omg! Panalo tayo sis!" irit ni Sam bago lumapit sa akin upang yapusin ako. Ngumiti ako at niyakap ko siya kahit na amoy pawis kaming pareho.

Medyo nailang ako sa kaniyang ginawa dahil pareho kaming pawisan. Nahihiya rin ako dahil baka kung ano yung amoy ko na!

"Kaya nga...Congrats sa atin." Aniya ko. Bago humiwalay sa kaniyang yakap.

"Baby!"

Halos mabilaukan ako ng may biglang yumakap basta sa akin matapos ng yakap mula kay Sam!

"A-Ano ba, nakakahiya oh. Ang daming tao." Sabi ko at mabilis umalpas ng yakap sa kaniya.

Nahihiya kasi ako dahil dumami ang mga ng uusisa sa amin na mga estudyante. Lalo na yung mga kaklase ko pero mukhang wala lang sa kaniya yung ginawa niya kanina. At saka nahihiya rin ako sa amoy ko, basang basa ako ng pawis tapos siya fresh na fresh pa. Sinong hindi mahihiya sa kaniya.

"Ang galing mo kanina baby, ngayon ko lang nalaman na nag lalaro ka pala ng badminton?"

Umismid ako sa kaniya bago siya tinalikuran para pumunta sa aking upuan na kung saan nakalagay ang aking mga gamit. Naramdaman ko ang kaniyang pag sunod.

"Uy Mateo!" bati ni Sam sa kasunod ko.

"Hi... Susunduin ko sana ang kaibigan niyo."

"Sure na sure!"

Kumuha ako ng towel sa aking bag at pinang punas iyon sa pawis ko bago humarap sa kanila.

"Ang init." Bulong na singhal ko, at nung hindi ako nakuntento sa pag pupunas. Ang ginawa ko ay nilagay ko ang towel sa aking balikat at inalis ko ang panali sa aking puslo upang ipang tali sa aking medyo magulong buhok.

Inangat ko ang buhok ko at saktong tumingin sa akin si Harvey habang nag tatali ako ng buhok. Nakita ko ang pag lakbay ng kaniyang mga mata sa aking buhok pababa sa leeg. Napansin ko na medyo napatitig siya roon at napalunok bago nag iwas ng tingin na para bang napaso siya sa kakatitig doon.

"Okay ka lang?" tanong ko at hinigpitan ang pag kakatali sa aking buhok. Bago lumapit sa kaniya.

Tumango siya pero nakaiwas parin ang kaniyang tining. 

"I'm fine." Lumulunok lunok pa na sabi niya.

Namumula ang kaniyang pisngi at tenga. Nag alala naman ako sa kaniyang itsura kaya inilagay ko ang aking kamay sa leeg niya para masigurado kung may sakit ba ito.

"Namumula ka? Wala ba talagang masakit sa'yo?"

Napatalon siya sa ginawa ko at dahang-dahan inalis ang aking kamay sa kaniya leeg ng hindi man lang ako sinusulyapan.

"Uhm...Zep, hinitayin na lang kita sa batibot. Doon na lang tayo mag kita." Sabi niya. Hindi niya man lang ako hinintay makapagsalita at tumalikod na agad ito sa akin.

Anong nangyari doon? At bakit Zep na ang tawag nun sa akin? I mean laging baby ang tawag niya. Hmmm...Nakakanibago

"Oh nasaan si Mateo?" narinig ko ang tanong ni Sam sa akin.

Stolen SweetHeartWhere stories live. Discover now