Kabanata 19- ANG SIMULA NG PAGKAKAMABUTIHAN

807 97 23
                                    

Marian


Kasal? Iyon lang ba talaga ang paraan?

Kay Amanikable pa talaga.

Wala namang araw na hindi kami nagtalo nito.

"Paraa saan ang pagtitig na iyan?" walang ngiting tanong sa akin nito nang matitigan ko siya habang gumagawa ng sibat.

Kahapon nang sabihin niya sa akin ang kapalit ng pagtulong niya ay hindi naman siya namilit. Kung tutuusin ay iniiwan niya ako sa isla. Bumabalik lamang siya kapag may dala na siyang pagkain.

"Nag-iisip ako."

"Huwag mong masyadong pakiisipin. Hindi naman kita pinipilit."

"Pero iyon nga lang kasi ang nais mo."

Tumango si Amanikable.

"Kailan?"

Natawa siya ng bahagya. "Nagmamadali ka?"

Napabuntong hininga ako. "Alam mo ba ang pakiramdam na kahit hindi mo gustong gawin pero kailangan?"

"Obligasyon yata ang tawag doon," sabi nito habang naghahasa. "Hindi mo naman kailangang gawin."

"Ama ko pa rin siya."

Umiling si Amanikable. "Nanaisin mo rin siyang ikulong pagkaraan ng ilang araw."

"Bakit?"

Napatingin si Amanikable sa akin at nagkibit ng balikat.

"Ano ang ibig sabihin no'n?" naiinis na tanong ko.

"Hindi sa akin manggagaling ang una mong kaisipin tungkol sa iyong Ama."

Grrrr... Nakakainis naming kausap ito.

"Alam mo, kung magpapakasal tayo, dapat matuto kang sumagot sa mga tanong ko."

Napabuntong hininga si Amanikable. "Hindi pa tayo kasal."

Bwisit kausap!

"Dapat pagkatiwalaan moa ko."

"Uh-huh."

Tatango-tango siyang bumalik sa paghahasa.

"Ano ang tunay mong ngalan?" Natahimik ako sa tanong ni Amanikable.

"Kita mo na, hindi mo nga nais sabihin ang tunay mong ngalan sa akin tapos ikaw ang dami mong tanong. Upang maikasal tayo, kailangan kong sambitin ang ngalan mo... ang tunay na ngalan mo."

Ang pangit ng una kong pangalan. Ayaw kong ginagamit.

"Humahaba 'yang nguso mo," natatawang puna ni Amanikable. "O siya, maiwan na kita."

"Iiwan mo na naman ako!" Singhal ko dito.

Natawa ito. "Eh 'di sumama ka. Madali naman akong kausap. Bakit kailangang magalit ka?"

Huminga ako ng malalim at saka nagsalita muli. "Saan ka ba pupunta?"

"Mangangaso."

"Sa kabilang isla?" Nalukot ang mukha ko.

"Naubos ko na ang mga hayop dito. Ang lakas mo kasing kumain," natatawang sagot niya.

Naningkit ang mga mata ko. Sinasabihan baa ko nitong matakaw? Hindi pa nga ako malakas kumain no'n.

"Sasama ka?" naiinip na tanong ni Amanikable.

"Hindi nga ako marunong lumangoy sa malalim, 'di ba?" paalala ko dito.

"Hindi naman malalim ang dagat na ito. Walang pating kaya makakalangoy ka."

"Hindi ko kaya. Hanggang leeg lang ang kaya ko."

Isang malalim na butong hininga ang pinakawalan ni Amanikable at saka lumapit sa akin. Tumalikod siya at umupo.

"Pumasan ka."

"Ano ako, unggoy?" mabilis na wika ko.

"Pumasan ka, o bubuhatin kita?"

"Kapag ako nalunod—"

"Pinabayaan na ba kita?" naiiritang tanong ni Amanikable at lumingon sa akin.

Hindi pa.

Nakasimangot akong pumasan sa kanya. Walang hirap siyang tumayo, bitbit ako sa likod na parang unggoy na nakasabit.

"Kumapit ka lang!"

"Bathala, ikaw na ang bahala."

"Amanikable ang pangalan ko, babae." May banta ang tinig ni Amnikable nang lumingon sa akin.

Hindi na nga ako magsasalita. Lumusong sa dagat si Amanikable. Napapikit ako nang dumantay ang tubig sa paa ko.

"Hingang malalim," bilin niya.

Huminga ako at parang sibat na lumusong si Amanikable sa tubig. Mabilis siyang lumangoy na hindi ko nakuhang magulat man lang. Naramdaman ko ang kamay niya na nakahawak ng mahigpit sa dalawang kamay kong halos masakal na ang leeg niya sa pagkakahawak ko. At dahil mahapdi ang tubig dagat sa mata, nakapikit lang ako habang nakasubsob sa likod niya ang mukha ko.

Nang malapit na akong kapusin ng hininga ay umahon na kami sa dagat. Nasa kabilang isla na kami nang gano'ng kabilis.

Hindi ko alam sa palabas sa telebisyon ha, pero kapag umahon ka sa dagat, parang lumot sa mukha ang lahat ng buhok at hindi ka kailanman makakadilat agad sa dami ng tubig alat sa iyong mata. Ay ewan ko ba, sino ba ang nakangiting aahon sa dagat at kakanta?

"Ayos ka lang?" natatawang tanong ni Amanikable.

"Hihinga muna ako."

"Hindi naman malayo—"

"Hindi ako syokoy," naiinis agad na sagot ko sa nakangising si Amanikable. "Hindi ako nakakahinga sa dagat."

"Masasanay ka rin. Mas madalas ako sa dagat kaysa sa lupa. Tara."

Agad-agad? Hindi ba pwedeng magpatuyo muna?

Sumunod ako kay Amanikable. Sa laki at taas niya ay wala siyang ingay na maglakad. Samantalang ako na maliit ay halos madurog ang mga tuyong dahon sa tuwing tatapakan ko.

"Ang ingay mo naman," angal niya.

Napatingin ako sa langit at huminga ng malalim upang hindi mabwisit.

'Di kalayuan sa amin ay may natanaw kaming baboy-ramo. Natingin ako kay Amanikable nang pigilan niya akong maglakad.

"Huwag kang maingay," bulong nito.

Hindi naman ako nag-iingay.

Yumuko si Amanikable at itinapat ang sibat na hawak niya sa baboy. Hindi ko alam kung bakit ang tagal niyang nakamasid sa baboy. Sa inip ko ay kumuha ako ng baton a kasing laki ng bola ng basketball at inihagis sa baboy.

Tinamaan sa ulo ang baboy. Napahiga ito kaagad.

Tumayo ng deretso si Amananikable at tumingin sa akin.

"Hinahamon mo ba ako?" tanong niya.

"Nagugutom ako. Ang tagal mong nakayuko."

Para itong napikon na ako ang naka-patay sa baboy at hindi siya. Iniwan ako at pinuntahan ang baboy na nagkakalat na ng dugo sa lupa. 

The Book of the Lost LoveWhere stories live. Discover now