Kabanata 1

27.4K 1.3K 1K
                                    

Kabanata 1

"Sino sa iyong dalawa iyong tumakas kanina sa classroom? Mag-babanyo pero pagbalik may dala ng turon?!"

Varsha and I stopped walking when we heard that strict voice.

Unti-unti'y nilusot ko sa bulsa ng palda ang turon at palamig na gulaman kahit malamig. Varsha eyed me seriously, I gave her an innocent look.

"Romana twins!" the teacher called us again and we both stopped.

"Storm—"

"Shh..." I gave her a wink then glanced at the teacher walking closer to us. sinulyapan ko si Varsha, she's now sporting a kind smile and nervous. Ngumuso ako at mabilis na ginaya ang ekspresyon niya habang pinagmamasdan ang teacher.

"Ma'am..." Varsha called. Tahimik kong nginuya ang chewing gum ko at pasimpleng tinatago ang bulsa kong lumubo na sa pagkain ko.

"I am guessing it would be Storm," judgmental niyang sabi.

Grabe! Kung pasaway, ako kaagad?!

Nagpabalik-balik ang tingin sa amin ng teacher. Ang confident niyang mukha ay unti-unting napanis at napalitan ng pagkalito nang makita niyang kaming dalawa.

"Sino sa inyo si Storm?" she asked seriously, "I know Varsha stayed in the room and took the quiz, nag-check ako at wala ang kay Storm. Magsalita kayong dalawa, sino ang sino?"

Hindi kami umimik na dalawa. Varsha could give me away if she wanted to but she didn't. Sumulyap ang teacher sa kanya, pabalik sa akin at saktong paghuli niya sa mata ko ay ang pagputok ng bubble gum na pinalobo ko sa bibig ko.

"Storm Romana! To the guidance office now!" sabay turo niya sa akin at martsa paalis.

"Luh?!" nasapo ko ang bibig sabay sulyap kay Varsha na nakasimangot na sa akin, "paano niya nalamang ako 'to, eh, magkamukha tayo?!" histerikal kong sita.

"May chewing gum ka kasi!" sita niya kaya natigil ako sa pag-nguya.

"Uy, hindi, ah!" ngumuso ako. "Pangit mo lang talagang gumanap, Varsha! For sure mukha kang natatae kanina no'ng namimili siya sa atin!"

"Ako pa?" kumunot ang noo niya, "eh...tignan mo nga 'yang bulsa mo at may basa na!"

My eyes landed to my skirt's pocket and saw the moist from my juice being evident on the cloth. Ngumiwi ako. Kinuha ko ang turon at ang palamig na binuhol ko sabay abot sa kakambal ng binili ko.

"Oh, sa 'yo na." Inilahad ko sa kanya ang pagkain.

"Huh?" nabakas ko ang pagkalito sa kanyang mukha.

"Sabi mo kasi gutom ka kaya ayan, lumabas ako kanina," paliwanag ko pa, "sayang, malaki pa 'tong bulsa ng skirt kasya pa sana 'yong chichirya."

"You...you bought this for me?!" a loud groan escaped my lips when I felt a smack on my nape.

"Varsha! Aba't, bakit ka namamatok?!"

"Bakit mo pa binili?" sumimangot siya sabay kuha sa akin ng pagkain, "ayan tuloy napagalitan ka! P'wede namang sa break na lang—"

"Puro ka kasi aral," bumusangot na ako, "review-review pa, babagsak din naman..."

"Storm..." she warned.

"Ikaw kasi," humalukipkip ako sa harapan niya, "masarap ang agahan kaninang umaga tapos hindi ka kumain. Edi sana natikman mo 'yong ulam natin kanina. Sermon ni Nanay na may kaunting adobo."

Bigla siyang natawa. Seryoso sana ako pero nang naisip ko kung paano ako nabusog sa sermon ni Nanay ay natawa na rin.

"Salamat," she pouted. "Pero sana 'di ka na nag-abala, magbe-break din naman na. Ayan tuloy, napagalitan ka. Bakit ba kasi late ka dumating? Dapat binilisan mo rin para may input ka sa surprise quiz ni Ma'am."

The Storm's ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon