Chapter 1: Basketball game

31 0 0
                                    

"What are we doing in here?" tanong ko dito sa kasama kong basta basta nalang nanghihila.

Nakarating kami sa loob ng gym kung saan maglalaro ang basketball players ng Business management department at engineering department. Marami na agad ang ukupadong upuan dahil sa dami ng tao. Nilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang dalawa kong kapatid na nag wa-warm up sa gilid ng court.

"Manunuod ka ng laro namin" sabi nito habang deretso ang tingin sa daan at hawak hawak parin ang kamay ko na kanina niya pang hila-hila.

"What the-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng huminto ito sa pag lalakad dahilan ng pagka bunggo ko sa malapad niyang likod. Humarap ito sa akin at dinuro ako...

" I told you not to cursed" Singkit mata niyang sabi. I just roll my eyes on him " at saka manunuod ka sa ayaw at sa gusto mo" dagdag pa nito.

"Do I even have a choice?" sabi ko habang naka tingin sa gilid at naka krus ang dalawang braso.

"Wala, kaya puntahan na natin sina Phynus" ngiting sabi nito na ngayo'y parang batang binilhan ng lollipop.

Abnormal talaga.

"At talagang sinundo mo pa ako sa library eh no?" sabi ko dito habang nag lalakad kami papunta sa kung nasaan man ang dalawa kong abnormal na kapatid.

"Syempre lucky charm ka namin, kaya hindi pwedeng hindi ka manuod" Taas noo niyang sabi sakin.

" Lucky charm your a--- aww!" daing ko ng may bumundol sa braso ko. Tiningnan ko ang pigura ng lalake na deretso lang na naglalakad at pawang hindi naka bunggo ng tao.

"Aba'y! gago talagang Enriquez na yun" akmang susugurin sana siya ni Kuya Three ng biglang may tumawag sa kanya.

"Bro! dito! " Aya sa kanya ni kuya Atom na naka upo sa bleachers kung saan medyo malapit sa court at malapit sa upuan ng mga players.

Kunot nuo na lamang itong lumakad pa lapit doon.

"Bakit naka simangot ka? Binara ka ba nitong kapatid nating abnoy?" salubong na tanong sa kanya ni Kuya Atom habang sa gilid nito ay ang tahimik na si kuya Phynus na naka tingin lamang sa amin.

I just rolled my eyes on him.

"Gago kasing Enriquez na yun! kita ng may tao kung maka lakad kala mo sa kanya yung daan" pag sumbong nito.

"Enriquez? Yung captain ball ng Engineering department? " tanong sa kanya ni kuya Atom.

Tinanguan niya naman ito bilang sagot.

Kaya pala naka jersey rin yun.

"You know what? Pumunta kana dun sa court at kanina pa sila nag uusap ikaw nalang wala" pag iiba ko ng usapan.

Bigla namang umaliwalas ang mukah nito.

" cheer mo ako ah! magtatampo ako sayo sige ka" parang batang sabi nito na kani kanina lang eh parang leon na mang hahamon ng away.

"Wow? Are you the only player? I'm going to cheer kuya Bio and kuya Geo, not you." Pagmamaldita ko sa kanya. Pa ekstraheradang hinawakan naman nito ang dibdib niya na para bang binaril.

"Aray ko naman sister Scige! nakaka hurt yun ah!"

"You look idiot. Umalis ka na nga!" sabi naman sa kanya ni kuya Atom na halatang nandidiri sa ka dramahan nito.

Naka busangot naman itong umalis sa harapan namin.

Immature

Habang nag aantay na mag simula ang laro ay napadako ang tingin ko sa kaliwang bahagi ng court kung saan naroroon ang mga players ng Engineering department. May mga pamilyar na mukah akong nakita pero karamihan sa kanila ay hindi ko kilala. Napako ang tingin ko sa matangkad na lalaking nagsasalita sa mga players. Kayumanggi ang kulay nito, malinis ang gupit ng buhok at mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang walang ekspresyon niyang mukah. Hindi ko mapigilang ma irita ng maalala ko ang pag bangga niya sa akin kanina. Ni wala man lang itong paki alam sa paligid niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In the middle of dawn | CS#1 Scige |Where stories live. Discover now