Prologue

56.7K 1.3K 432
                                    

Napatingin ako sa labas nang marinig ang pagdating ng sasakyan, hindi ko maiwasang mapangiti dahil alam kong siya ang dumating.

Kahit ilang oras pa akong naghintay sa kanya ay sulit pa rin dahil umuwi siya, siguro ay busy lang siya sa trabaho niya sa kanyang kompanya.

Gusto kong salubongin siya pero mas pinili kong i-handa ang pagkain na nasa lamesa. Sigurado akong nagugutom siya, alas onse na ng gabi kaya malamang ay pagod na rin ang isang 'yon.

Akmang kakaway ako nang marinig ang pag-bukas ng pintuan pero napahinto ako sa kinatatayuan, nadatnan ko ang sarili kong nagtatago at pasimple siyang sinisilip.

Naulit nanaman, may babae siyang kasama.

Mukhang lasing silang dalawa, gusto kong sugorin ang babae dahil bigla niyang hinalikan si Morgan pero nanatiling nakakuyom ang dalawang kamao ko, at isa pa wala akong karapatan.

Naghihintay ako sa gagawin ni Morgan, pero sa halip na awatin niya ang babae ay mas lalo niya lang dinikit ang katawan nilang dalawa.

Agad kong naramdaman ang pag-init ng mata ko, at makalipas lang ang ilang segundo ay tuloyan na nga akong napaiyak. Nasasaktan ako dahil sa nakikita ko, nasasaktan ako dahil sa ginagawa nila. Pilit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ayaw niya sa 'kin?

Dahil ba hindi ako kagandahan? Dahil ba hindi ako gaanong sexy? Dahil hindi malaki ang hinaharap ko? Dahil hindi malaki ang pwetan ko? Hindi ako attractive? Bakit pag-dating sa akin umaayaw siya? Kung gusto niya akong halikan papayag naman ako! Pero bakit kailangang ganito?

Tunog desperada 'no? Ganoon ata talaga pag nasubrahan ang tama. Iwan ko rin, sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, sa kanya pa talaga ako nagka-ganito.

Alam kong nakakatanga dahil kinokwestiyon ko ang sarili ko, ngunit hindi ko rin maiwasan.

Bakit tinatrato niya ako nang ganito? Pero pag-dating sa ibang babae ay wala siyang reklamo?

Masakita man ay pinili kong bumalik na lang sa maid's quarter, malas nga lang dahil bigla kong nabitawan ang cellphone ko na siyang naglikha nang ingay.

Mariin akong napapikit at parang gusto kong sapukin ang sarili ko ngayon, dali-dali kong pinunasan ang luha sa pisnge ko at kinuha ang cellphone na nasa sahig.

"Stop right there." Malamig na boses mula sa likuran ko ang narinig, dumausdos nanaman ang kaba sa buong sistema ko. Dahan-dahan akong lumingon at yumuko.

"Sir, pasensya na po. Nahulog kasi CP ko, tanga 'yung kamay ko eh, binitawan ba naman." Pinilit kong ngumisi ngunit nabigla ako nang hilain ako nito papunta sa harap ng babaeng kasama niya.

Gusto ko siyang tanongin kung anong ginagawa niya pero hindi ko masabi, dagdag pa ang masyadong mahigpit niyang pagkakahawak sa akin na halos mamula na ang braso ko.

Pero baliwala ang sakit do'n, mas ramdam ko kasi 'yong sakit sa puso ko. Pain.

"Look, Mabelle." Napalunok ako ng hawiin niya ang iilang hibla buhok na nakaharang sa mukha ko at marahang hinawakan ang bagang ko. "This woman," turo niya sa babaeng kasama niya bago magsalita ulit, "is my girlfriend, so stop chasing me. Do you understand?" Para akong tangang nakatulala sa kanya.

Pa ulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga salitang binitawan niya, hinarap niya ako sa babaeng 'yon para lang ipamukha sa 'kin na may girlfriend na siya? Mabilis kong hinawakan ang pulsohan niya ng akmang tatalikod siya sa akin.

"Morgan... b-bakit ba ayaw mo sa akin?" Para akong bata dahil sa inasal ko. Pero hindi na 'yon importante, gusto ko ng sagot mula sa kanya, sagot kong bakit kahit kailan ay hindi niya ako nagustuhan.

Baka pag narinig ko, tuloyan akong magising sa kabaliwan ko at tigilan na ang paghahabol sa kanya.

"Do you really need to ask that?" Buong tapang akong tumango, kung masasaktan man ako at iiyak ngayong gabi, gusto kong lubusin na.

"Oo, Morgan. Gusto kong malaman, please sabihin mo sa 'kin. Dahil ba hindi ako maganda? Pwes simula ngayong mag-aayos na ako! Hindi pa ako sexy? 'Wag kang mag-alala magsisimula na akong mag-exercise! Dahil ba hindi ako matalino gaya mo? Pwes magpapa-enroll na ako tapos mag-aaral ako hanggang sa matutunan ko lahat! Sabihin mo lang please..." hindi ko na namalayang tumulo na pala ang luha ko.

Umaasa akong may magbabago sa reaksyon ni Morgan, pero nanatiling walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Subra na ba talaga akong tanga dahil sa ginagawa ko? Pero anong magagawa ko? Mahal ko siya e. Mahal na mahal.

"Are you that desperate? Listen carefully Mabelle, kahit meron ka ng mga bagay na binaggit mo, hinding-hindi kita magugustuhan. Do you understand? I hope it's clear now? Hindi kita gusto, at hindi ko na kailangan ng dahilan kung bakit. So back off. D-Don't change your self just to impress me."

Binitawan ko na ng tuloyan ang kamay niya, tinignan ko silang dalawa ng kasama niyang umaakyat papunta sa taas. Tila may kamaong sumuntok sa akin dahil sa mga salitang binitawan niya.

Ano nga bang karapatan ko sa kanya? Umamin ako na gusto ko siya. Pero hindi niya sinabing gusto niya rin ako. Walang responsibilidad si Morgan sa akin, ako lang ang may gusto sa kanya.

Minsan, hindi talaga mapigilang maging tanga ang isang tao. Katulad ko, natatanga ako dahil sa pagmamahal. Gayong ang dahilan lang naman nang pagpunta ko rito sa Maynila ay para mag-trabaho.

Muli kong tiningala ang hagdan kung saan dumaan sila Morgan kasama ang kanyang girlfriend. Mapait akong ngumiti.

Ang sinabi niyang 'yon ay tumatak sa akin. Kahit kailan ay hindi ako magugustuhan ng isang Morgan Cyler Hodsson, bakit nga ba ako umasa? Masyadong mataas ang pangarap ko.

Maid lang ako ni Morgan, isa lang akong katulong.

Kumpara sa antas na meron siya, sa dami-daming babaeng naghahabol sa kanya malabong ako ang magustuhan niya. Ang tanga, Mabelle subrang tanga mo.

Kinurot-kurot ko ang aking tagiliran at hinampas ang aking ulo.

"Tanga ka, 'Te? Mag trabaho ka na lang!" Bulong ko na may kasamang diin.

Huminga ako nang malalim at kinagat ang aking pang-ibabang labi. Mukhang iiyak nanaman ako nito ng isang balde.

"Pagod na rin ako Morgan. Pagod na pagod na ako, subrang pagod na akong mag habol sa 'yo Morgan."

____________________________________________________________________

(:

Chasing Mr. Billionaire (EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن