Lesson 7: Try to Smile

23.6K 368 20
                                    

Lesson 7: Try to Smile

FAYE’s POV                              

“Ok ka lang Faye?”

Hindi ko magawang tignan si Stacey. Pirmi pa rin ang tingin ko sa kawalan habang namamaga ang mata ko.

“Kanina ka pa tulala. Para kang sinapak ni Mira jan. Bakit ba namamaga yang mata mo? Ano bang pinag-usapan niyo kahapon at naiyak ka ng ganyan? Yung eyebags mo may sarili ng bags.”

Hindi ko pa rin siya sinagot at tinignan. Parang nawalan ako ng gana ngayon.

“Hay nako. Humingi ka na kay Tito ng pera para sa Friday.”

“Para saan?”

Tinignan ko na siya, pero malabo pa rin kasi medyo naiiyak pa ko.

“Para sa Retreat. Nako, hindi ka nakikinig.”

“Retreat? Kelan, saan at bakit daw?”

“Sa Baguio, sa Friday na. Patapos na daw kasi ang School year.”

“Ang dami naman nilang alam.”

Napabuntong hininga nalang ako at napapikit.

***

Buong araw, sinusundan ko lang ng tingin si Mira. Marami siyang kaibigan at masayahin siya.

Nakadungaw lang ako mula sa Bintana ng Library, pinapanuod ko siyang makipagtawanan sa mga kaibigan niya. Nakikipagkwentuhan at kumakain sila, nagpi-picture at nag-aaral. Yung mga ngiti niyang, magsasabi sayong, hindi niya kailanman kinailangan ng mga katulad nilang manloloko para maging masaya.  Bakit hindi na lang maging ganun ang takbo ng utak ko? Bakit nahihirapan ako ng ganito?

Minahal mo ba siya Mira? Kaka-break niyo lang kahapon. Paano mo nagagawang tumawa ng ganyan? Hindi ba masakit? Hindi mo ba nararamdaman yung sakit na nararamdaman ko ngayon? Ako kasi minahal ko si Clark, kahit na hindi kami nagkita at kahit na hindi ko narinig ang boses niya, kahit na niloko lang ako ni Charmaine, naging totoo ako sa kanya. Mahal na mahal ko siya, kahit na hindi naman pala siya nag-eexist dito sa mundo. Minahal ko siya, kaya sobrang sakit nung nalaman kong naloko lang ako.

Tapos kung kelan naman nakaka-usad na ako dahil sa tulong ni Ximon, kung kelan naman sinabi ko na sa sarili ko na, handa na ako ulit para sa pag-ibig na yan, tsaka ko naman malalaman na wala lang pala sa kanya lahat yun. Alam mo yun Mira? Yung pinaparamdam niya sa akin na espesyal ako, pinapangiti at pinapatawa niya ko, pinapakita niya sa akin na gusto niya ako laging kasama at kausap, sinasabi niya sakin yung “I love you,” tapos in the end, wala lang pala sa kanya yun, dahil ilang linggo palang may Girlfriend na siya, ang masakit non, si Charmaine pa. Yung nanloko sakin, yung nanakit sakin na walang masabing dahilan kung bakit niya ginawa yun. Ang lakas ng topak nila no? Tulungan mo ko Mira. Tulungan mo ko please.

***

“Umiiyak ka nanaman.”

Napadilat ako dahil may narinig akong nagsalita. Nakatulog pala ako.

Napatingin ako sa bintana. Malapit ng mag-gabi. Wala ng tao sa library, nakakatakot. Uuwi na nga ako.

Pinahidan ko yung pisngi kong basa ng luha at kinuha na yung bag ko para umuwi. Kaso bago pa man ako makalakad paalis may narinig akong umiiyak mula sa katabing Shelf, yung sa kabilang side lang sa kung nasaan ako.

“Let them flow. Ilabas mo lahat ng sakit. Linawin mo ang isip mo sa kung ano ang gusto mong mangyari. Alalahanin mo Mira, don’t lose track.”

Halata sa kanya ang pagpigil sa malakas na paghikbi. Pamilyar ang boses niya sa akin. Sinilip ko sa may maliit na espasyo sa pagitan ng mga nakahilerang libro kung siya nga ba yun, at kung may kausap siya.

The Art Of PanlolokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon