Lesson 10: Be the Bitch

19.4K 369 19
                                    

Lesson 10: Be the Bitch

FAYE’s POV

Isang linggo rin bago ko ulit sila nakita.

Nung sumama ako kay Benj papunta sa Warehouse na pinagkukunan ni Tita ng alak, nakita ko sila Ximon at Charmaine na magkasama. Nagde-date sila sa Starbucks. Mukhang ok na sila ah. Nalusutan niya yun, buti naman. Mawawalan ng saysay ang plano ko kung umpisa palang matatalo ka na Charmaine. Hindi ako nagkamali, marunong kang lumaban. Paano nga namang hindi? Ikaw ang master player.

“Faye?”

“O-oh?”

“Lutang ka. Kanina pa kita tinatawag.”

“Ha? Bakit?”

“Babalik na tayo, kumpleto na yung supply.”

“Ah okay.”

“Kanina ka pa nakatingin dun, gusto mo ba ng kape?”

Umiling ako.

“Okay lang ako, may nakita lang akong mag-jowa.”

“Naiinggit ka?”

Sumakay na kami sa kotse at nagmaneho na siya.

“Hindi naman. Iniisip ko lang kung gaano kaswerte yung babae sa boyfriend niya.”

“Gusto mo tayo na lang.”

“Tantanan mo ko Benj.”

Nagtawanan kami at bumalik na sa Bar.

***

Nung sumunod na gabi, pumunta si Ximon sa Bar namin.

“Good evening Sir! Ano pong order?”

”Whiskey.”

Niready ko na yung Order niya. Masyadong malakas ang music at nakakasilaw ang party lights. Ayos na yung ganito, na hindi ko siya makita ng maayos, basta alam kong kaharap ko siya ngayon.

“Here’s your order Sir.”

“Thanks. Magaling ka palang mag-flaring Faye.”

Kumawala ang isang totoong ngiti mula sa labi ko.

“Magaling ako sa maraming bagay Ximon.”

“Hmm, I agree.”

“Pinapanood mo pala ako.”

“Agaw atensyon ka kasi.”

“Ganun talaga pag maganda.”

“Lasing ka ata haha!”

Napatigil ako pasumandali. Sa pagkakataong iyon, tila ba naging mas malinaw pa yung pagtawa niya kesa sa malakas na musikang lumalamon sa buong lugar. Pero pagkatapos ng tawang iyon, hindi ko na ulit nakitang ngumiti siya.

Uminom na siya. Ako naman ay nag-serve sa iba pang customers. Alam kong malungkot siya ngayon. Gusto ko siyang tanungin at maging kaibigan sa kanya. Kaso pinipigil ako nung sakit na bumabalik sa tuwing naiisip ko na pinaasa niya ako.

“Bakit hindi mo ata kasama Girlfriend mo ngayon?”

Tanong ko para naman magkaron kami ng kahit na maliit na usapan.

“Tulog na siya.”

“Ohh, tumakas ka?”

“Hindi. Ugh, nevermind.”

“Let’s talk about it Sir.”

Kumuha ako ng inumin ko at inalis ang vest ko. Lumabas ako sa Counter tapos nagpapalit ako sa ibang flare tender.

The Art Of PanlolokoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon