Chapter 5

105 12 20
                                    




Chapter 5: Pagsimula ng unang laban

"Sa bawat Warrios Battle, ito ang isa sa mga pinaka-inaabangan ko. Dito masusubukan kung hanggang saan ang tapang nila." Wika ni Sinaunang Shadow Andres, ang katabi naman niyang si Protector Nayde ay nanatiling seryoso habang pinagmamasdan ang mga batang Warriors.

Ilang sigundo nalang ang natitira, mukhang lahat sila nanatiling determinado na magpatuloy sa laban. Ngunit hindi pala, dahil ang isa sa kasama nila na si Haliya ay mas nangingibabaw sa kaniya ang takot, ang mga kamay niya'y nakahawak sa kumakabang dibdib niya.

Patawarin niyo ako, hindi ako kasing tapang tulad niyo, sa isip ni Haliya at dahan-dahan na niya inaangat ang kaniyang kamay.

Nagulat ang lahat ng mga nandito sa Atlanian's Park mula sa mga audience, dalawang mahalagang tagahukom at maging ang mga guro at iba pang Warriors nang malapit na maiangat ni Haliya ang kaniyang kamay, ngunig natigil siya nang hawakan ng katabi niyang si Izalem ang kamay niya at kasabay nito ang pagtapos ng isang minuto.

Dahan-dahan napalingon si Haliya kay Izalem, nang makita niyang kalmado ito nakatitig sa kaniya at hawak-hawak pa nito ng mahigpit ang kamay niya ay tila unti-unting nawala ang takot niya.

"Huwag ka magpatalo sa takot..." pasimpleng ngumiti si Izalem kay Haliya, kaya namumula ngayon si Haliya at sinusubukan niyang iwasan ang tingin nito.

Kapansin-pansin ang malalim na titig ni Atom sa magkahawak na kamay nila Izalem at Haliya, ilang sandali pa'y napayuko siya at napabuntong hininga, napansin 'yon ni Liwayway kaya hinawakan nito ang braso niya.

"Mukhang pariho tayo ng naalala." Mababang tuno ng boses niya.

Napalingon si Atom. "Oo Liway, naging malaking bahagi siya ng buhay natin..." natagalan din bago siya napangiti sa labi, pero pilitin man niyang takpan ng ngiti ang kaniyang mukha ay hindi niya maitago ang lungkot na nadarama.





Napangiti si Ian habang muli na magsasalita. "Binabati ko kayo dahil walang umatras sa inyo, tunay kayong mga matatapang." Sambit niya habang tinitignan isa-isa ang mga batang Warriors.

"Dahil walang umatras, ituloy na natin ang Warriors Battle! Ngunit ipaalala ko lang sa inyo na dito sa Warriors Battle, walang kaibigan-kaibigan, dahil kahit mga kasama niyo sa koponan ay maaari niyo makalaban.

"Alam namin na naging maganda na ang samahan niyo sa isa't isa, pero dito sa Warriors Battle kailangan niyong magbanggaan at matira lang ang matibay." Paalala ni Ian na mas nagpagulat at nagpakaba sa mga Warriors dahil inakala nilang mula lang sa ibang koponan ang kanilang makakalaban.

"Sa mga matatalo huwag kayong mag-alala, dahil nakasalalay sa ating Protector Nayde at Sinaunang Shadow Andres ang desisyon kung meron ba silang pipiliin na mapabilang sa mga mananalo." Dagdag pa ni Ian at ang ilan sa mga Warriors ay napangiti do'n sa sinabi niya.

Ngumiti muna si Ian bago magpatuloy sa sabihin. "Okay huwag na natin itong patagalin pa. Paalala lang na tanging randomizer ang pumipili sa maglaban-laban. Kaya mag handa na, simulan na natin, ang Warriors Battle!" Sigaw na anonsyo niya.

Agad na nga bumukas ang screen ng malaking randomizer na nasa itaas ng Battlefield. Lahat ng nandito ay nag-aabang kung kaninong pangalan ng mga Warriors ang mailalagay sa screen ng randomizer.

Ang dalawang daliri sa kamay ni Atlas ay naka kros. "Ako, ako sana...sabik na sabik na ako..." walang tigil siya sa paghiling.

Mayamaya ay tumigil na ang randomizer.


Hamaro Rizal vs Haliya Salamanca


"Ano?!" Nanlaki ang mga mata ng mga Warriors dahil labis na gumulat sa kanila ang resulta mula sa randomizer.

"Bakit si Haliya?! Hindi 'ata patas 'to!" Pagreklamo ni Mara, mismong kasama ni Haliya sa Team Determine.

"Oo nga..." pagsang-ayon naman ni Juan na bahagi din ng Team Determine.

Seryosong nilingon sila ni Hamaro. "Bakit, wala ba kayong tiwala sa kasama niyo? Kawawa ka naman Haliya, mahina na nga, minamaliit pa. Hindi na ako magugulat kung ilang segundo ko lang matatapos ang labang ito. Sana kanina pa lang, umatras ka na." Pang-iinsulto ni Hamaro.

Ang mga sinabi ni Hamaro ay labis na sumugat sa puso ni Haliya, sa mga mata niya'y may mga nagbabadyang luha at ang mga kamay niya'y nakadapo sa kaniyang dibdib habang hindi niya kayang tignan ang mga kasamahan nanatili lang siyang nakayuko.

Lalapitan sana ni Izalem si Hamaro upang ito'y suntokin pero pinigilan siya nila Atlas at Sahara, habang hinawakan naman ni Sinag si Hamaro upang hindi ito makalapit dahil mukhang papatulan din nito si Izalem.

"Ang yabang mo talaga! Kung tayo kaya maglaban!" Pagtuturo ni Atlas kay Hamaro na nasa harapan niya.

Agad silang nilapitan ng kanilang mga guro. "Tama na 'yan!" Pagpatigil sa kanila ni Atom.

Maingat na hinawakan ni Liwayway ang kamay ni Haliya at tinitigan niya ito. "Haliya, na sa 'yo ang desisyon, itutuloy mo ba ang laban, o ibibigay mo 'to sa iba?" Tanong ni Liwayway.

Naluha na si Haliya, ngunit ilang sandali pa'y ipinahid niya ang sariling kamay sa kaniyang mga mata upang maalis ang mga luhang pumatak at dahan-dahan siya nagsalita na nanginginig ang labi.

"O-Opo, itutuloy ko ang laban..." nahihirapang tuno ng boses niya.





Ngumiti si Liwayway kay Haliya bago niya hinarap ang mga kasamahan. "Itutuloy niya ang laban!" Sambit niya.

"Simulan na ang unang laban! Hamaro Rizal laban kay Haliya Salamanca!" Sigaw ni Ian at nagpalakpakan na ang mga manunuod.

Naglabas na ng mga hangin si Atom sa kaniyang kamay at inilahad niya ito kina Hamaro at Haliya para maglaho na sila dito sa pwesto at dadalhin sila ng mga hangin sa kung saan sila dapat mapunta.

Hindi nagtagal ay sabay ng sumulpot sina Hamaro at Haliya sa gitna ng napakalawak na espasyo ng Battlefield. Muling naghiyawan ang mga tao habang nakatuon na ang atensyon nila sa dalawang nagkaharap ngunit may kalayoan din sa isa't isa.

"Simulan niyo na!" Ang hudyat ni Ian.

Agad na napalibutan ng mga apoy ang buong katawan ni Hamaro at maging ang mga mata niya ay maihahantulad sa umaalab na apoy. "Humanda ka, tatalonin na kita!" Mabilis na tumakbo si Hamaro papunta kay Haliya.

"Haliya umiwas ka..." sigaw nila Atlas at Juan.

Hanggang ngayon binabalot pa rin ng takot si Haliya, nahihirapan siyang kumilos, ang katawan niya'y nanginginig habang nakikita niyang papalapit ang umaapoy na si Hamaro, hindi niya alam kung ano ang gagawin gustohin man niyang kumilos para makaiwas ngunit napangunahan siya ng kaba, kaya nanatili lang siya nakatayo at nakahawak sa dibdib.

Nang makita ni Haliya na ilang hakbang nalang makalapit na sa kaniya si Hamaro ay pinipilit niyang magsalita kahit nanginginig ang kaniyang labi.

"Ha-Hamaro...huwaggg!" Napasigaw siya.

Nakahanda na ang kamao ni Hamaro na napapalibutan ng apoy. "Tapos ka ngayon!" Nang makalapit na siya kay Haliya ay malakas niyang sinuntok ang bandang tiyan nito kaya tumilapon ito sa malayo.

Nanlaki ang mga mata ng mga Warriors sa subrang gulat. "Haliyaaa..." napasigaw sila dahil sa labis na pag-aalala kay Haliya.








Atlas Volume 2 [Warriors Battle] Where stories live. Discover now