Chapter Five

13.3K 343 16
                                    

ALAS-ONSE na ng umaga nang magising si Cordial. May nakahain nang mga tanghalian nang makapasok siya sa kusina. Naroroon pa din si Akiko pero ang Lolo nito ay umuwi na. Si Akiko ang nagluto ng tanghalian.

"Good morning, Hanz! Umaga ka na raw nakauwi. Saan ka ba nanggaling?" tanong nito habang naglalagay ito ng plato sa mesa.

"Wala ka nang pakialam," supladong tugon niya. Umupo na siya sa harap ng hapag.

"Ang sungit mo naman. Worried lang naman ako sa iyo. Nasa Subic pala ang Lolo mo at ang Lola mo naman ay nasa Davao kasama si Manang Rose. So meaning, tayong dalawa lang ngayon ang nadito," batid nito.

Pumanting ang tenga niya. Nakakaramdam na siya. Gusto talaga ng lolo niya na magkaroon sila ng solong oras ni Akiko. Napansin nga niya ang tahimik ng bahay at sila nga lang dalawa ni Akiko ang naroroon.

"Bakit ang dami mong niluto kung dalawa lang tayo dito?" seryosong tanong niya. Nagsasalubong ang makakapal niyang kilay.

"Para kapag hindi maubos ay mamayang gabi. Para hindi na ako magluluto ulit," nakangiting tugon ng dalaga. Umupo na rin ito sa katapat niyang silya.

"Nagsasayang ka lang ng pagkain. Hindi ako kumakain ng re-heat foods. Gusto ko sariwa na ihahain. Don't say na ang iba rito ay kagabi pa at in-init mo lang!" paasik na saad niya.

Nababakas sa mukha ni Akiko ang takot. "Kaluluto ko lang lahat iyan. 'Yang beef sukiyaki ay kanina ko lang din niluto. Paborito mo 'yan 'di ba?" mahinahon pa ring wika nito.

Mariing nagtagis ang bagang niya. Ewan niya bakit kumukulo ang dugo niya kapag nakikita niya si Akiko, samantalang wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Nawalan na siya ng ganang kumain.

"Ayo'kong kumain," aniya saka tumayo.

"Bakit?" tumayo rin si Akiko.

"Huwag mo na akong tanungin. Bakit ba umaasta ka na parang asawa kita? Huwag kang assuming. Por que pinagkakasundo tayo ng mga lolo natin ay puwede mo nang isipin na pakakasalan kita!" asik niya.

Bahagyang napaatras si Akiko. "Wala namang kinalaman dito ang kasunduan ng mga Lolo natin. Gusto kita kaya ko ito ginagawa. Mahal kita, Hanzen!" Naglalandas na ang mga luha ng dalaga sa pisngi nito.

Binato niya ito ng mahayap na titig. Manhid na nga siguro ang puso niya. "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, Akiko. Ilang ulit ko bang sinabi sa' 'yo? Hindi kita gusto! Hindi ako natatakot itakwil ng grandparents ko. Naiintindihan mo ba ako?!" may riing sabi niya.

"Ginagawa ko naman ang lahat para magustuhan mo ako. Bakit ba ang tigas ng puso mo?!" may hinanakit na saad nito.

Bumuntong-hininga siya. "Alam mo, ikaw itong manhid, e. Hindi mo ba naramdaman na halos ipagtabuyan na kita? Tanga ka ba?!" walang pasubaling sabi niya.

Nagulat na lamang siya nang biglang lumipad ang palad ni Akiko sa pisngi niya. "Ikaw ang manhid, Hanzen! Ang sama mo! Kakarmahin ka rin sa ginagawa mo!" asik nito.

"I don't care about karma! Magsumbong ka, wala akong pakialam!" aniya.

Humagulgol ng iyak si Akiko. "Darating ang araw, wala ring babaeng tatanggap sa iyo dahil sa sama ng ugali mo!" anito at basta na lamang siyang iniwan.

Pinabayaan niya itong mag-empake. Naligo na lamang siya. Pagkatapos niyang mag-asikaso ay niligpit na niya ang mga pagkain. Nakaalis na si Akiko. Mayamaya'y umalis na rin siya.

Magre-report pa siya sa Martial Arts studio para magturo sa mga estudiyante niya. Sirang-sira ang araw niya kaya tatlong oras lamang ang inilaan niya sa pagtuturo. Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay dumiretso na siya sa bar.

Bartenders Series 7: Cordials (Complete) UneditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon