Chapter Eight

12.5K 343 14
                                    

HINDI ininda ni Cordial ang suntok na natamo mula sa nanggagalaiting lolo niya. Kamao nito ang bumungad sa kanya pagpasok niya ng bahay. Kagagaling lamang niya sa bar at inaasahan na niya na iyon ang madadatnan niya.

Naroroon ang Mama at Papa niya sa sala. Naroroon din ang lola niya. Wala namang magawa ang mga ito para pigilan ang lolo niya. Malakas ang suntok ng matanda at napadugo niyon ang bibig niya.

"I was disappointed in you, Hanzen. Ako wala tiwala sa 'yo. Bakit ikaw palayas si Akiko?!" nanggagalaiting bulyaw nito sa kanya.

"Hindi ko po siya pinalayas, kusa siyang umalis!" depensa niya.

"Kasi sinaktan mo siya!"

"Hindi ko siya sinaktan!" buwelta niya. Hindi niya napigil ang pagtaas ng tinig.

Pinaglakhan ng mga mata ang lolo niya at bigla na naman siyang sinuntok. Bumalya ang likod niya siya sa dingding. Sa pagkakataong iyon ay umapila na ang Papa niya.

"Enough, Pa!" awat ni Hesaki sa matanda.

"Layas ka, Hanzen! Ayaw ko makita mukha mo!" asik ng Lolo niya.

Hindi na umimik si Hanzen. Pumanhik siya sa kuwarto niya at nag-empake. Inaasahan na niyang susundan siya ng mama niya.

"Anak saan ka pupunta?" tanong nito nang pasukin siya nito sa kuwarto niya.

"Hindi n'yo ba narinig, pinapalayas ako ni Lolo? Sa lugar na malayo sa kanya," aniya habang patuloy sa pagsisilid ng mga damit sa maleta.

"Mag-sorry ka sa lolo mo. Huwag kang umalis, Anak."

"Pagbibigyan ko si Lolo."

Narinig niya ang paghikbi ng Mama niya. Humahagod ang mga kamay nito sa likod niya. "Sorry, anak. Alam kong nahihirapan ka. Malaki ang utang na loob namin sa lolo mo," anito.

Mariing nagtagis ang mga bagang niya. Marahas na humarap siya sa mama niya. "Utang? Utang na loob? Lintik na utang na loob na iyan!" asik niya. Nahagip ng kamay niya ang lampshade na nakapatong sa ibabaw ng bed side table.

Napaatras si Emelia. Nagkulay suka ang mukha nito. Umabot na sa lalamunan ang poot niya.

"Maraming naghihirap dahil sa utang na loob na iyan, 'Ma. Kung tutuusin, materyal na bagay lang ang ibinigay niya sa atin— mababayaran iyon. Pero ang sakripisyo ninyo ni Papa ay walang katumbas na halaga. Alam kong labag sa loob ninyo ni Papa na ipamigay ako kay lolo. Nag-iisang anak n'yo lang ako at alam kong hindi n'yo gustong mawala ako!" may hinanakit na pahayag niya.

"Hindi ka naman inilayo sa amin ng lolo mo, Anak. Binibigyan naman niya kami ng pagkakataon na makasama ka."

"Kahit na, hindi pa rin tama 'yon! Mahal ko si Lolo pero kung pati puso ko ay kukontrolin niya, hindi na po ako papayag, 'Ma. Aalis ako para malaman niya na hindi lahat ng pagkakataon ay mapapasunod niya ako sa gusto niya," aniya. Pinagpatuloy na niya ang ginagawa.

"Saan ka naman pupunta? Kung gusto mo sa bahay ka muna."

"Makikita rin ako ni lolo roon. May project kami sa Batangas next week na sisimulan. Doon na muna ako," aniya.

"Puwede mo pa namang kausapin ang lolo mo, Anak."

"Saka na po kapag humupa na ang galit niya."

"Paano kung ipagpipilitan pa rin niya na makasal ka kay Akiko?"

"Hindi pa rin po ako papayag."

Inilabas na niya ang maleta. Nakabuntot pa rin sa kanya ang mama niya hanggang sa makarating sila sa garahe. Hindi na niya nakita ang lolo niya maging ang lola niya. Nadatnan niya ang Papa niya na nakaabang sa labas ng kotse niya.

Bartenders Series 7: Cordials (Complete) UneditedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant