Simula

46 4 0
                                    

PROLOGUE

"See you again on board! Have a nice day!" Malaki ang ngiti ng flight attendant sa akin. Simpleng ngiti lang ang binigay ko sa kanya.

Inayos ko ang sunglasses at inangat ito sa ulo bago hinatak ang aking luggage sa madulas na tiles ng NAIA. Paglabas ay luminga ako para hanapin si Maliya. Tumama ang mata ko sa glass wall at dito ko napasadahan ng tingin ang sarili at ang suot kong white top na pinatungan ng cream color trench coat, at black fitted jeans partner with chanel belt. 

I smiled bago ko narinig ang pamilyar na tunog ng SUV ni Dad. 

Bumaba ang itim na bintana nito at sumalubong ang ngiti ng ate ko. "Sa wakas! After seven years nakatapak ka rin sa Pilipinas!" Tumawa pa siya bago ako sinalubong para tulungan sa bitbit ko.

I feel excited. Ang dami kong balak gawin at sa sobrang dami noon ay hindi ko malaman kung ano ang uunahin. Kung magbabakasyon ba muna ako, road trip, kumain sa labas with my friends o mag ayos ng kwarto.

Or.. should I find him? 

Napabuntong hininga nalang ako. Will everything be the same? 

Would my friends be like the old times kahit ang tagal kong walang paramdam. Would they stay the same?

Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi matapos ang malalalim kong paghinga. Patuloy sa paghe-head bang ng marahan si Maliya habang sinasabayan ang music sa sasakyan. 

"This place changed a lot," usal ko nang mula Manila ay binaybay na namin ang Rizal. 

Ngumisi si Maliya. "More than a lot, Mela," 

Nag-iwas ako ng tingin para pagmasdan ang bagong mga gusali maging ang daan ay itim na itim sa espalto. 

Nakagat ko ang labi ng nasa boundary na kami ng Coastal Sierra. This place brings a lot of memories. Mga alaala noong nag-umpisa hanggang sa umalis ako at tinapos ko. 

Gusto kong magtanong kay Maliya tungkol sa kanya pero nahihiya ako dahil alam ko na agad ang sasabihin ng kapatid ko. 

Nang umuwi kami sa bahay ay sa kwarto agad ako dumiretso. Pumili ako sa mga kumpol ng susi sa aking kamay. Nang buksan ko ito ay walang pinagbago ang aking kwarto. Kulay light gray pa rin ang walls nito. Ang set up ng kama, ang wardrobe, at kurtina ay ganung ganon pa rin ang style simula noong umalis ako. 

Ayaw ko kasing pinapalinis kay Mana Nessie ang kwarto ko. Mas mabuti at komportable kung ako nalang.

I spent my time cleaning my room. Pagpag dito pagpag doon. Punas dito, punas doon. Pinalitan ko rin ang kurtina at bedsheets. 

I was rubbing my hair nang pumasok si Maliya. Katatapos ko lang maligo. 

"Nice! Ang sipag!" Aniya at nilibot ang mata. 

"Well," nagkibit balikat ako.

Naningkit ang kaniyang mata habang unti-unting lumapit sa picture frame na nasa ibabaw ng wooden cabinet. 

"For real, Mela? Hindi ka ba nausuhan ng pag mo-move on? It's been so many years! Move forward!" Kantyaw niya sa akin. 

Tumayo ako para agawin sa kaniya ang litrato. "Mind your own business, Maliya!" Asik ko bago ito nilagay ng maayos sa dating pwesto. 

Tumaas ang kilay niya. "You're my business, that's why I mind you." Sarkastika niyang utas. 

"Maliya kakauwi ko lang please let me rest!" Sumimangot ako.

Humalukipkip siya. "What's your plan now?" Tanong niya bago ko naramdaman ang paglubog ng kama sa tabi ko. 

I shrugged. "I don't know. Malaman pa." 

Never Gone (On-going)Onde histórias criam vida. Descubra agora