Kabanata 1

43 4 0
                                    

Kabanata 1

One fourth

I really have this attitude na kapag pasukan ay gwapong kaklase agad ang hinahanap ng mga mata ko. I feel like I do better when inspired. 

Nakapangalumbaba ako habang inaabangan ang aming adviser. Isa-isa namang pumasok ang mga kaklase ko. Kanya kanya silang grupo, pero ako pinagtitinginan lang. Saglit na tatapon sa akin ang mata at aalisin na para batiin ang kakilala nila. 

Halos bakante ang upuang nasa lapit ko. 

I'm a transfer student from manila. Hindi ko ba alam kung anong pumasok sa pag-iisip ni Daddy dahil kung kailan grade 7 ay saka pa nila ako pinalipat. Kung kailan mas exciting mag-aral sa Manila. 

I want to explore things there but I can't anymore. I heard Dad and Mom talking about our stay here in Coastal Sierra. They are planning for me to finish my junior and senior high school here for some business-related reasons. Ang dami nilang investment na gagawin dito sa bayang ito. 

To be precise, my parents were also one of those shareholders in this Coast Sierraville High School. That's why they are too determined to finish my high school here, especially since this school prepares students for their college. 

Dad wants me to pursue business kahit wala naman ito sa mga balak ko. But I have no choice, 'pag si Dad ang naglapag ng salita o kahit utos, wala sa pamilyang makakabuwag noon. 

Pagdating sa akin, ang higpit ni Dad because he got traumatized to my sister. He let Maliya pursue things she wanted but ended up losing herself. Dahil iyon sa lalaki. 

Masyado siyang nagpadala sa damdamin kaya ngayon hindi namin siya kasama. She chose to stay in Manila and pursue criminology together with her boyfriend. Dad is against her plan. Criminology might sound cool but for us family of businessmen, criminology is quite far. 

As much as possible Dad doesn't want us to be weaned with that. Katwiran niyang kami naman ang makikinabang ng lahat balang araw and his decisions will benefits us in the near future. 

"Pwede palapit?" Nag-angat ako ng tingin sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Nakaturo siya sa tabi ng upuan ko. 

Nagtaas baba ang ulo ko. "Sure, go ahead," ani ko bago umayos ng upo. 

Pinagmasdan ko lang ang maalon niyang buhok at ang kulay purple niyang headband. Hindi siya morena pero hindi rin siya maputi. Katamtaman lang ang kulay ng balat niya.  Ngumiti siya sa akin at gano'n din ako sa kanya. 

"I'm Clarisse," nakangiti niyang pakilala. Inayos niya pa ang bag. "Bago ka rito?" Nanliit ang mata niya. 

Tumango ako. I won't lose this chance of getting someone to know. Sa dami ng classmates ko ay siya lang ang naglakas loob na kausapin ako. She even sits beside me. 

Nagkwentuhan kami about our previous school. We laugh and smile. However, hindi niya tinanong ang pangalan ko kaya hindi ko ito sinabi. First day of school pero may mga classmates pa rin ako na hindi pa pumapasok. Though next week pa naman ang official start ng class. 

Nilibot namin ni Clarisse ang buong school nang nag-lunch break. Nakakamangha ang buildings na bumubuo ng rectangular na posisyon. May sarili ring gymnasium ang CSHS. 

"May balak kang salihang sports ngayon?" Tanong ni Riss habang nakaupo kami sa bleacher seat ng Gym. 

Napaisip ako, "Wala e, I'm a sportless person," natatawa kong utas. 

Tiningnan namin ang ilang mga estudyanteng nakaupo rin sa bleacher seat at ang iba naman ay naglalakad.

"Ikaw ba may sasalihan ka? I'll support you," ani ko na agad naman niyang inilingan. 

Never Gone (On-going)Where stories live. Discover now