Chapter 01

5 2 0
                                    


"MGA ate, mga kuya! Bili na kayo ng mga bulaklak na kasing ganda at kasing gwapo niyo!" sigaw ko sa mga dumadaang mga tao, baka kasi makuha sa ganda ko! Ay este ang bulaklak ko pala! Ay pucha! Parang iba naman yata 'yon.

Ang lala mo Tanch!

Mga bulaklak pala dapat 'yon!

May dumaang maganda, pero mas maganda parin ako, ahemm... "Ate!" Kaway ko sa kanya at lumingon naman sya... "Ang Ganda mo Ate! Kasing ganda ng mga bulaklak." Ayon! Ngumiti, makuha ka sa sales talk! Lumapit siya ng nakangiti... "Mas lalo kang gumanda sa ngiti mong 'yan ate, gaya ng mga bulaklak na namumukadkad."

Natawa nalang siya sa 'kin."Binibiro mo naman ako," sabi niya.

"Nakuuu po ate!... hindi ah, totoo kaya." Maganda naman siya kaya lang mas lamang talaga ako, 'yong maiiyak ka nalang sa ganda mo, pero aside from that... gusto ko lang maubos na agad to para hindi na mahirapan si mama, ako nalang ang hahanap ng paraan... kasi minsan pag hindi nauubos sa pagtitinda, nilalako niya ang mga ito eh kaya ako na ang gagawa ng paraan.

At ayon bumili nga nadala sa ganda ko, nagbayad siya ng 500 pesos, dalawa 'yong binili niya sa halagang 250 ang bawat bugkos ng napili niya pero depende parin sa klase nge mga bula ang presyo nito.

"Mais ate, ayaw mo?" Habol ko sa kanya. Nakalimutan kong may Mais pa pala, kawawa naman.

Umiling naman siya...

"Kahit isa lang?" Itinaas ko pa ang kamao ko at inilabas ang isang daliri... "At ng MAIS-ip mo kung gaano ka kablessing sa gandang mong yan."

Boom! Banat pa self! Okay sana kung lalaki ang kaharap ko at gwapo.

Pero hindi na talaga siya dahil kaya 'di ko na pinilit pa. Ayaw kong mamilit masasaktan lang ako.

I suddenly felt sad out of nowhere...














Umupo muna ako dahil wala pa namang dumadaan. Maya-maya pa dumating si mahal kong reyna.

"Ma!" Bigla akong napatayo ng makita ko siya... "Diba sabi ko sa niyo na magpahinga kayo." Habang kinakapa ko ang kanyang noo at leeg.

Hinawakan niya ang kamay ko ay ngumiti..."Okay na ako anak, wag huwag ka ng mag-alala," sabi niya.

"Eh, kahit na, Ma...sana hindi ka nalang pumunta dito."

Nakita ko ang bitbit niya at nakuha niya yata na magtatanong ako kaya inunahan na niya ako.

"Nakalimutan mo kasing dalhin to." Ng itaas ang ibang bulaklak, may naiwan pa pala sa bahay.

Kasalanan mo Tanch, kaya imbis na magpahinga ang mama mo, pero dahil may nakalimutan ka ayon... pumunta.

Inilapag niya ito sa gilid at kinuha ko agad ito upang idisplay. Inalis ko ang diyaryong na nakabalot dito.

Gagawa-gawa ng news paper pero na babasura lang sa huli, ginagamit sa iba't-ibang paraan. Tulad ngayon na ibinalot sa mga bulaklak.

Binuklat ko ng maayos ang dyaryo baka sakaling mapakinabangan pa.

Hmmm...

'ISANG BABAE ANG NATAGPUANG PATAY SA GUBAT AT DI UMANOY NI RAPE BAGO PINATAY'.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreams Between Nightmare (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon