Chapter 5 -- The Aftermath

84 6 1
                                    

Dance studio, before the recital...

''Oi!" naramdaman ko na sinusundot ni Faith yung pisngi ko.

Kaso, lutang na lutang pa rin ang isip ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan yung ginawa ni Aspen kahapon.

😶

Mama! Papa! Ang innocent lips ko, not so innocent na po ngayon! Grabe!

Kung alam niyo lang yung nangyare kahapon!

🙈

Oi! Wag kayong bastos. Hindi nangyari yung 'ano' samin kahapon.

Never!

Sa ngayon. Bulong ng malandi kong utak.

Gusto ko sa kasal na namin yung honeymoon.

''Hoy Olivia Naveen Eatherington! Nababaliw ka na ba? Kanina ka pang tulala diyan at akala mo eh kamatis yang mukha mo? Hoy! Earth to Via!" sigaw saken ni Faith.

Tumingin lang ako sa kanya.

May malapad na ngiting nakapaskil sa mukha ko.

😊

''Oh, ano na?" ayan na. Nakapamewang na ang luka-luka. She's not gonna let me off the hook lalo na't tinaasan pa niya ako ng kilay ngayon.

I sighed. Hay. Ano pa nga ba kundi ikwento ko sa mahiwaga kong best friend.

"Eh, kasi. Ganito...." tapos ibinulong ko sa kanya ang buong pangyayare kahapon.

"WHAT?!" Ang OA naman nito. Ang lakas maka-react. Kaya ayan! Center of attention kaming dalawa.

Sabay naman kaming nag-peace sign dun sa mga co-dancers namin na napalingon samin at napatigil sa pag-aayos sa kanilang mga sarili.

Bumalik na rin sila sa kanilang mga gawain.

''Tapos? Nung magulat ka dahil basta ka na lang niya ikiniss, anong ginawa mo? Tinulak mo ba? Tinadyakan mo? Kasi kung ginawa mo yun, ihuhulog kita sa bintana." sabi ni Faith.

Natawa naman ako sa kabaliwan nito.

"Ano ka ba? Bakit ko naman gagawin yun? Sa una, nagulat ako. Kaso nung maka-recover ako, eh... Well..." 😶

Ang hirap palang magkwento kahit sa best friend mo ng mga details ng first encounter mo sa kiss with the guy you like... Este, GAY pala.

''Well? Grabe, Uno! Wag kang mambitin." sabi niya tapis humila na ng upuan. Tutal 2 hours pa bago ang simula, andito kami at magkukwentuhan muna.

''Ganito yun..."

Flashback... Yesterday...

Grabe ah!! After nang bonggang hiphop, biglang bumagal yung sayaw.

"You tweaked it again." sabi ko, in an 'as-a-matter-of-factly-tone'

Tapos sinabi niyang masyado daw nakakapagod ang hiphop tsaka bagay naman daw.

''Why this song?" tanong ko sa kanya.

Syempre, baka may kakaibang meaning para sa kanya yung kanta.

Kasi sakin, meron.

He's my ONLY ONE.

Kaso ang sagot saken, 'just, because', daw. Tss.

Ito yung ayaw ko sa kanya eh. May mga bagay na 'basta' lang sa kanya. Nakaka-inis kaya yun. Hindi naman kasi pwedeng mangyari ang mga bagay-bagay at gawin mo ang isang bagay dahil lang sa wala. Lahat may rason.

The Only ONE [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon