♪Chapter 6 - Aspen... Anong Nakain Mo? O.o?♫

122 6 1
                                    

''Anak, sigurado ka bang wala ka nang naiwan pa?" tanong saken ni Mommy.

''Yes, Ma.'' sabi ko, then kissed her cheek.

Then nilagay ko na yung bags ko sa compatment nung kotse ni Papa Vincent, Papa ni Aspen. Remember? Papa at Mama rin ang tawag ko sa parents nya, nakiki-anak. Hahaha. Pero soon, daughter in law.

Sa wakas! Ito na yung week na hinihintay ko! Honeymoon with my Babe in Jeju-do!! Wihihihih!

\(^Δ^)/

Natapos naman yung recital namen cum fundraising nang matiwasay at walang nagkamali. Naging maganda naman ang feedback ng mga nanuod kaya malaking donations ang nakalap namen. Aabot yata ng ilang taon ang donations na nakuha namen kahit pa madoble yung ngayon eh 225 na bata dun sa bahay ampunan.

Eh kasi naman, yung parents namen, dinala din yung mga business associates nila. Kaya ayun, parang may nanalo sa lotto na binigay lahat dun sa charity.

''Teh, sakay na~." narinig kong sabi ni Aspen na nakaupo na sa backseat at nagbabasa kung ano man sa iPad nya.

Sumakay na ko sa may tabihan nya, tutal may driver kami ngayon, at si Papa Vincent naman ang nakaupo sa unahan.

''Umma, I'll phone you na lang pag nasa airport na kami.'' sabi ko sa kanya.

Tas na 'ok' sign lang si Mommy. Aigoo!! Ang Mommy ko talaga, parang bata.

''Aspen, ingatan mo yang anak ko ah, baka ma-agaw ng iba sayo." sabi ni Mommy, tas tumawa ng konti.

Hala! Ang baliw talaga ng nanay ko!! Umma!! Andwae!!!

Kaso, napangiwi lang si Aspen sa sinabi ni Mommy.

''Naku, Tita... Ipapamigay ko pa itong inyong anakis." tas he gave me an evil grin.

*pak!*

''Aray, Uno! Masaket yun! Vaket mo naman akes binatukan?" ungot nya habang hawak nya ang ulo nya.

''Ano ko, laruan? Ipapamigay mo na lang basta?" tas hinampas ko naman sya sa braso nya. ''Oi! Limited edition ako, at hindi dapat ipinamimigay lang basta."

''Olivia!'' tawag saken ng nanay ko.

Naku! Lagot ako kay Mommy! Pag Olivia itinawag nyan saken, naku for sure may kasunod na pangangaral yan.

''Wag mo ngang inaaway yang si Aspen. Kaya hindi magkagusto sayo eh, lagi mong sinasaktan."sabi ni Mommy.

Napangiwi naman ako sa sinabi nya.

Mom naman eh. Kahit magpaka-Maria Clara pa ko sa harap ng baklang 'to, hindi pa rin nya ko papansinin. Lalo pa syang maiinis. Kasi nga, BADING sya! Aysus! Si Mommy, nagiging ulyanin na agad eh 46 pa lang. Para namang hindi nya alam na bading 'tong si Aspen. Tsk!

Pero hindi na ko nag-react ng ganun. Baka kung ano pang pagsasabihin ni Mommy.

''Sige ma, magpapakabait na ko." sabi ko then I lifted my self off the seat, placed my body through the car door window, tas I  hugged her at kiniss ko sya sa cheeks.

''Bye, Ma." I bid her goodbye.

''See you in a week." tas kinidatan ako ni Mommy.

''Bye, Tita.'' tas nag-flying kiss pa si Aspen kay Mommy.

Tapos si Mommy, ngumiti ng kakaiba. Alam mo yung may tingling feeling ka na parang may binabalak syang kakaiba?

The Only ONE [EDITING]Where stories live. Discover now