Chapter 45

33.9K 741 40
                                    

        “I know it's been some time. But there's something on my mind…” kanta ni Tita Whitney Houston matapos ang instrumental intro nito mula sa cellphone ni Manaloto na nakapatong sa mesa. “You see, I haven't been the same since that cold November day...” Katapat ko ngayon si Manaloto na nakayuko at nakatitig sa cellphone niya. “We said we needed space. But all we found was an empty place…” Sa tabi niya ay si Veloso na naguguluhang pinapanood siya. “And the only thing I learned is that I need you desperately...” Pero hindi siya nag-iisa. Kasi tulad niya, pareparehas kami ng pinta ng mukha. Mag mula kay Veloso, papunta sa katabi niyang si Chai, na katapat niyang si Detective Suarez, at kay Trevor na pinapaggitnaan namin ni Fatima. “So here I am and can you please tell meee... oh…

        Napahawak si Manaloto sa bibig niya at napapikit. “Where do broken heaaarts gooo? Can they find theeeir waaay hooome?” sabay niya kay Whitney. “Back to the open arms of a love that's waiting theeere…” mukhasim niyang kanta. “And if somebody loooves you, won't they alwaaays love youuu…” Binilog niya ‘yung kamay niya sabay kagat sa kamao. “I look in your eeeyes, and I know that you still caaare, fooor meee,” puno ng hinanakit niyang kanta. “Hooooooh-oh-hoooh…”

        Dinilat na niya ang mata niya at naluluha na siya.

        “Okay ka lang ba?” mahina kong tanong sakanya.

        Tinignan niya ako sa mata suot ang mukhasim na naiiyak niyang mukha. “Does this face look okay to you?”

        I gave him apologetic smile then shook my head. “No. Your face doesn’t look okay since I met you.”

        Napasandal siya at ngawa.

        “Nag-away ba kayo ng kaibigan ko?”

        “Pinagpalit niya ako, Officer Yeo. Pinagpalit niya ako.”

        “Ha? Kanino?” gulat kong tanong.

        “Sa pizza!” galit niyang sigaw. “Pinagpalit niya ako sa pizza!”

        Pareparehas kaming napa-‘wtf’ reaction dito sa loob ng conference room. “Pizza?” tanong ko.

        “Pinapili ko siya. Kasi nagseselos na ako. Dahil tuwing dinadalaw ko siya, mas masaya pa siyang makita ‘yung dala kong pizza kaysa sa akin. Pagkabukas na pagkabukas pa lang niya ng pinto, sa kamay ko siya nakatingin, eh nasa mukha ‘yung mata ko. Tanong ko, anong pipiliin mo, boyfriend o pizza? At alam mo kung anong masakit? Ang sabi niya… ‘Syempre pizza.’” Hinampas hampas niya ‘yung dibdib niya. “Ang sakit sakit!” hinanakit niya with matching expand ng butas ng ilong.

        Seriously? Broken hearted ka na sa lagay na ‘yun? Napaayos ako ng upo. Teka ngaaa. “Kayo na?”

        Pinunasan niya ‘yung pisngi niya. Kahit wala naman talagang tumulong luha. Namumula lang ‘yung mata niya pero hindi tumulo ‘yung luha. “Hindi pa.”

        Napa-foreheadpalm ako. “Eh hindi pa naman pala eh! Makatanong ka ng boyfriend o pizza diyan.”

        “Ano ka ba, Officer Yeo, dapat palagi kang two steps ahead kung mag-isip. Parang nasa mission ka lang,” pangaral niya sa akin. “Hindi pa nga ako boyfriend pizza na pinili eh. Paano pa pag kami na? Mas masakit ‘yun! Mas maganda na din ‘yung mas maaga kong nalaman.”

        Napatango na lang ako. Ibang klase talaga ‘tong si Manaloto.

        Lahat kami napalingon sa dulo ng biglang bumukas ang pinto. Dirediretsong pumasok si Chief at lumapit sa dulo ng mesa. Pinatay naman ni Manaloto ‘yung music sa phone niya. Lahat kami ay napatayo. Pati si Trevor. Sabay sabay kaming sumaludo at binati siya.

Undercover QueenWhere stories live. Discover now