Huminga ako ng malalim. Sa huling pagkakataon ay inayos ko ang aking suot na dress. I'm wearing a puff sleeve dress that I buy for last week. Kinulot ko din ang dulo ng aking buhok at nilagyan ng light color ng lipstick ang labi ko at kaunting blush on sa aking pisngi. Sinuot ko na din ang aking 3-inches heels na kulay cream upang bumagay sa kulay ng suot kung damit. Mukha namang ayos na kaya naman kinuha ko na ang aking sling bag at lumabas na sa kwarto.
"Napakaganda naman ng apo kung 'yan.. mas lalong mai-inlove sa'yo si Aaron niyan," nakangiting bungad sa akin ni Lola habang nakaupo sa sala. Nakaayos din ngayon si Lola dahil kasama din namin siyang aalis ngayon.
Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. "Si Lola talaga, syempre po mana ako sa'yo e..."
"Dalaga na ang apo ko... Gusto ko ay lagi kang maging masaya, okay? At syempre lagi niyong tatandaan ang limitasyon niyo, ayos ba 'yon?" tumango naman ako. "Oo naman La, hindi naman po kami nagmamadali ni Aaron... pareho pa kaming makapagtatapos."
"Mabuti naman.. O siya, tara na dahil mukhang kararating lang ni Aaron..." mukha nga dahil may tumigil na kotse tapat ng bahay namin. Tumango naman ako at inalalayan si Lola palabas sa bahay namin.
Pagkalabas ko ay kasabay din ng paglabas niya sa kaniyang kotse. At kahit kailan naman talag ay walang kupas ang kagwapuhan ng isang 'to. He is wearing almost the same color as mine. Ang cute tuloy!
Nakita ko ang pagtigil niya sa paglalakad palapit sa amin dahil nakatitig lang siya sa akin. Bakit? May mali ba sa akin?
"Bakit? May mali ba? May dumi ba ako sa mukha?" nagtataka kung tanong. Anong meron?
"You're... s-so gorgeous, baby," naa-amazed niyang sagot sa akin at lumapit sa amin para magmano kay Lola at halikan ang pisngi ko.
Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Gosh, hindi pa ako nasanay! "Tha-ank you..."
Napahagikgik naman si Lola sa tabi ko. "Sabi ko naman sa'yo, apo e. Kapag nakita ka ni Aaron na ganyan ay mas lalong mahuhulog 'yan sa'yo..."
"Oo naman po, La. Pero kahit ano naman ang ayos at suot ni Claire ay sobrang nakaka-inlove..." mayabang na sabi niya. Nakangiti siyang tumingin sa akin at kumindat.
"Pinagtutulungan niyo na akong dalawa... tara na nga at baka hinihintay na tayo ng mga magulang ni Aaron," sumang-ayon naman siya at pumasok sa kotse.
Nagsimula na ding umandar ang kotse, at habang nasa byahe kami ay abot langit ang kaba ko. We are having a Sunday date with my Lola and his family. After 6 months of being together, this will be the first time that I'm going to meet his family.
Matagal nang pinaalam ni Aaron na may relasyon kami sa magulang niya kaso nga lang ay may mahalaga silang inaasikaso kaya hindi nakauwi kaagad. Kaya ngayon ko lang sila makikita. Magugustuhan kaya nila ako? Maayos lang ba ang lagay ko ngayon? Ano bang mga gusto nila para kay Aaron?
YOU ARE READING
Rhythm of Love
RomanceClaire Joy Marquez, a very simple girl who wants to have good job and life for herself and for her Lola. Ayaw niya sa lalaking mayabang, hambog, etc. But Aaron Daze Alejandro came to her life, the best example of the personality of man that she hate...