Princess and I -Epilogue of the Epilogue

5K 131 33
                                    

So hindi pa rin ako magka get over sa PAI kaya gumawa ako ng Epilogue of the epilogue, astig diba? Kaya sa mga magbabasa, maraming salamat po.

The I's POV

 

Pababa ako ngayon galing sa Templo sa tuktok ng bundok, tapos na ang araw araw kong gawain, ang ipagdasal ang kapayapaan at kasaganahan ng Yangdon. 7 taon na din ang nakararaan ng matapos ang pananakop ng Silangan sa Yangdon, ang bilis ng panahon, akala ko tuluyan na akong masasakop ng galit at kasamaan pero may mga bagay talaga na makapagliligtas sayo at maibabalik ka sa dati mong pagkatao, ang pagmamahal ko sa Yangdon at sa Prinsesa ang dahilan kung bakit ako buhay ngayon ng mapayapa. Masaya ako dahil nahanap ko ang sarili ko, ang itinakda para sa akin ng bathala. Ang maging gabay ng Yangdon.

Malapit na ako sa kapatagan ng makita ko ang mga tao na nagmamadali papunta sa palasyo, may pagdiriwang ba ngayon at halos lahat ata ng tao ay papunta dun? Pumasok ako sa templo dito sa kapatagan para magtanong sa iba pang mga monghe kung anong nangyayari, natagpuan ko naman ang pinuno naming monghe na naghahanda na ding umalis.

"Mukhang may pupuntahan kayo, may pagdiriwang ba sa palasyo at lahat ng nakikita ko ay tungo doon?" Tanong ko sa pinuno.

 

"Hindi ko din alam Jao, pero may mahalaga daw anunsyo ang Hari pati na din ang Prinsesa at Prinsepe sa buong Yangdon. Kailangan ay nandoon tayo, ang anunsyo daw na ito ay isang malaking pagbabago sa Yangdon." Sagot sakin ng pinuno.

Isang malaking pagbabago? Bababa na ba si Gino at Mikay sa trono at uuwi na ng Pilipinas? Marami ng bulong bulungan na ganoon, pero hindi naman ako naniniwala dahil nakikita ko namang masaya sila dito sa Yangdon, mahal nila ito, at nais nila ang malaking pagbabago para sa bansa. Ano kayang problema ng maharlikang pamilya?

 "Sasama ka ba Jao?" Tanong sakin.

"Oho, tara na ho, hindi natin ito kailangan palagpasin." Tugon ko. Hindi naman naging mahaba ang biyahe namin dahil gumamit kami ng sasakyan, mahirap nga lang makapasok dahil sa dami ng tao, buti na lang ay may pribilehiyo ang mga monghe at pinapasok kami agad ng mga kawal. Pagkapasok namin ay madami na agad tao, tumingin ako sa taas kung saan laging naroroon sila Gino tuwing may pagpupulong, nakita ko si Haring Anand na nagiisang nakaupo sa kanyang trono, asan si Gino at Mikay? Tumunog na ang Gong, senyales na magsisimula ng magsalita ang Hari, lumabas na din si Gino at Mikay, malaki ang ngiti nila, masayang masaya. Napangiti din ako, tatlong taon na silang kasal, saksi ako sa lapad ng mga ngiti nila habang sila'y ikinakasal, malayong malayo sa lungkot na dala ng kasal namin, tamang itinigil ko ang kasal. Tama ang lahat ng nangyayari ngayon.

Ibinalik ko ang pansin ko sa Royal Family, hawak-hawak ni Gino ang kamay ni MIkay, protektadong-protektado, nakangiti naman si Mikay at kinakawayan ang lahat, parang may nagbago sa kanya, hindi ko lang alam kung ano. Nagsasalita na si Haring Anand pero ako nakatingin pa rin kay Mikay at Gino, inoobserbahan ko kung anong nagbago. Pinagmasdan ko uli si Mikay, nakatingin lang siya kay Gino at may malapad na ngiti, si Gino naman ay nakatingin sa mga tao at kumakaway, pagkatapos nun ay tumingin siya kay Mikay... at sabay tingin sa tiyan nito at lalong lumapad ang ngiti. Doon ko napagtanto, sabay kami ni Haring Anand, isinigaw ko sa isip ko kung ano ang nagbago sa Prinses at si Haring Anand namin ay nagmamalaking isinigaw sa buong Yangdon.

Princess and I -Epilogue of the EpilogueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon