CHAPTER 24

8.6K 124 0
                                    

"Alright then lets get back to business.  What is this proposal that you wish to discuss with me.  It sounded very serious during our conversation per telephone." tanong ni Paul sa kaibigan at pinagsalikop pa ang mga kamay.  Bigla naman naging seryoso ang pagmumukha ni Aldrin.

Ng matapos ang kanilang pag-uusap ay tumayo na si Paul. 

"Now that we have finished discussing your business proposal and since we have reached consensus I suggest we go for a drink after work.  What do you say?

"Why not.  Absolutely.  Let's do it. Pero before that tara muna sa canteen." yaya niya sa kaibigan. 

Paul crunched his face in disapproval.
"Milyonaryo ka na kuripot ka pa rin, sa canteen mo lang ako pamemeryendahin." angal ni Paul sa kaibigan.

"Aba huwag mong ilalang ang canteen namin dito they served good cakes and also they served good coffee as well." sabi ni Aldrin sa kaibigan. 

"Ok sabi mo eh!"

Sabay na silang lumabas ng opisina. Ng makarating sa canteen ay lahat ng mata ay nakatuon sa kanilang dalawa.

"Feeling ko nasa school canteen lang tayo...takaw tingin ka talaga lalo na sa mga kababaihan..iba na pag may kasamang pogi." natatawang biro pa ni Paul.

"Ako ba o baka ikaw? Kasasabi mo lang kanina naalala ko pa nong nag-aaral tayo, may bigla na lang nagpropose sayo." ganting biro niya dito.  "Kaya huwag ka ng magulat kung makakuha ka ulit ng marriage proposal dito."  Siniko pa niya ang kaibigan. 

"Pare sana di naman mentally ill." Malakas na napatawa ang dalawa ng maalala ang nakaraan.  Paano kasi yong babaeng nagpropose kay Paul noon sa school canteen nila eh isang baliw lang naman na  tumakas sa isang Mental Institution.

Samantala si Monique naman ay di mapakali paano ba naman agad niyang napansin ang magkaibigan na noo'y papasok na rin ng canteen.  Lalo pa bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ang dating asawa na nakikipagbiruan sa kaibigan.  Walang pakialam ang mga ito sa mga taong nakatingin sa kanila. Napansin naman siya ni Mabel.

"Oh, bakit anong nangyari at parang di ka maihi diyan."  Hindi niya pinansin ang sinabi nito napasimangot siya ng maalala yong pag-uusap nila kagabi ng dating asawa.  "Wow simangutan ba ako ng maganda kung kaibigan, sige lang." nakalabing sabi ulit nito.  Bigla naman siyang natauhan.

"Sorry bel, baka pwede balik na lang tayo sa taas feeling ko busog pa ako eh."  sabi na lang niya sa kaibigan.  Na akmang tatalikod na.  Mabilis naman siyang napigilan ng kaibigan.

"Hep..hep.." Tiningnan siya ng maigi nito.  Sinalat pa ang noo niya.  "Are you sure,  okey ka lang,  ikaw kaya ang nagyaya na bumaba tayo haler pinilit mo pa kaya ako." nakataas ang kilay na sabi nito sa kanya.  Tama naman kasi ito ayaw naman sana nito bumaba mas gusto nito eh makasama ang nobyo sa taas.  Nagsisi tuloy siya kung bakit pinilit pa niya itong pumunta ng canteen.

"Hindi ba pwe......" hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang nagsalita si Mabel

"Wow! talaga bang suwerte ang araw na ito." Nakasalikop pa ang mga kamay na sabi nito.  "Nik dalian mo doon tayo uupo sa tabi ni boss bilis...." excited na sabi nito sabay hila sa kanya na ang mga mata ay sa dalawang lalaki na masayang nag-uusap.

"Umayos ka nga Maribel...sumbong kita kay Rodel makita mo." kunwaring galit na sita niya dito.  Kaya nga gusto niyang bumalik na lang sa taas kasi ayaw niyang mskita ang magkaibigan pagkatapos ito naman gustong maupo kasama ng mga ito.  Hindi nito pinansin ang kanyang sinabi bagkus ay lumabi pa ito sa kanya.

"Order mo na lang ako."  Hindi na niya nakuhang magsalita dahil mabilis na itong tumalikod patungo sa mesa kung nasaan nakaupo sina Aldrin at Paul. Hindi niya mapigilang mainis sa kaibigan pero tumalima din siya.  Walang magawa na umorder na siya ng pagkain nila.  Habang dala-dala ang tray ay sumigaw pa si Mabel.

"Nik dito.!"  tawag nito sa kanya.  Prenteng nakaupo na ito kasama ang dalawang lalaki. Tinaasan niya ito ng kilay pero ang Mabel ay deadma lang. Habang papalapit sa mga ito ay may narinig pa siyang bulungan.  

" Sus, ang suwerte naman ni Mabel inalok pa ni Sir na umupo samantala tayo di man lang natapunan kahit sulyap." mababakas ang inggit sa boses na bulong ng isa.

"Palagay mo sino kaya type ni sir kina Monique, di ba narinig mo yong usap usapan last week yong tagpo sa karenderya?" tanong naman ng isa.

"Di ba may nobyo na si Mabel at si Monique naman di ba may anak na siya...." hininaan pa nito ang boses ng sikuhin ito ng isa at tinuro siya na noo'y papadaan sa mesa ng mga ito.

Mabilis na tinungo niya ang kinaroroonan ng kaibigan.  Ayaw na niyang marinig pa ang mga bulong-bulongan.  Ng makalapit siya sa mga ito ay mabilis na tumayo si Paul at pinaghila siya ng upuan.  Nahihiyang nagpasalamat siya dito.  Samantala si Aldrin ay matamang nakatingin sa kanya.  Kinakabahan man ay tinapunan niya ito ng masamang tingin.  Hindi niya maarok kung ano ang iniisip nito.  Napansin naman ni Paul ang dalawa.  Bumaling ito kay Mabel.

"So ilang taon ka ng nagwowork dito?" tanong ni Paul sa dalaga.

"Hmmm....mahigit tatlong taon na."  kiming sagot ni Mabel dito.  Gusto niyang  batukan ang kaibigan may pakimi-kimi pa ito eh kanina lang eh halos masubsub na ito sa pagmamadali upang makarating at makaupo dito.  Kung makaarte talaga ay wagas. Dahil sa inis ay tinusok tusok niya ang cake na inorder pagkatapos ay walang pakundangang  sinubo iyon.  Halos mabilaukan pa siya.  Natatawa naman si Paul.

"May problema ba nik? parang ang laki ng kasalanan ng cheese cake natin ah." biro ni Paul sa kanya.  Takang lumingon si Mabel sa kaibigan ipinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanya at kay Paul.  Hindi niya pinansin ang nagtatanong na tingin ni Mabel.

"Gutom lang." aniya kay Paul at pinatuloy na ang pagkain. 

"Hinay-hinay lang baka bigla kang tumaba niyan." biglang sabat naman ni Aldrin na noo'y matamang nakatingin sa kanya.  Hindi niya alam kung nagbibiro ito or ano, seryoso kasi ang guwapong mukha nito.  Inirapan niya ito.

"Wala naman akong balak makipagkumpetensiya sa isang model no." huli na para bawiin ang sinabi.  Bigla niyang itinakip ang kamay sa bibig.  "Ah...a-ano ibig kung sabihin okey lang na tumaba wala naman akong balak magmodelo." natatarantang paliwanag niya.  Pero si Paul ang bilis makaamoy.  May naramdaman siyang iba sa dalawa.

"Don't worry nik kahit tumaba ka maganda ka pa rin, di ba pare?" At tumingin pa kay Aldrin. 

"Ay, sus huwag kayong mag-alala kay Monique kahit anong kain ang gawin niyan eh hindi tumataba sexy pa rin." natatawang sabad naman ni Mabel. 

Para siyang nabunutan ng tinik ng tumunog ang bell.  Save by the bell nga sabi nila.  Tumayo na siya at walang paalam na iniwan ang mga ito, hindi na siya lumingon pa.  Hindi tuloy niya nakita ng sundan siya ng tingin ni Paul. Nagulat man sa inasta ng kaibigan ay mabilis na nagpaalam si Mabel sa dalawang lalaki.

"Paano mga sir,  thank you po."  Narinig pa niyang sabi ni Mabel.  At nagmamadali na itong humabol sa kanya.

"Ano yon?"  sita pa ni Mabel ng maabutan siya.

"Ang ano?" maang-maangan din na tanong niya dito.  Tiningnan siya nito.  Pero walang salita na lumabas sa bibig nito.  Nasa mukha ang pagkalito.  Pero hindi na nagtanong.  Tumahimik na rin siya.  Ng paakyat na sila ng hagdanan ay bigla itong nagsalita.

"Haaay....ang babait talaga at ang gwapo nila.  Kung hindi ko lang mahal ang honey ko eh aakitin ko na yong Paul na iyon." Lumingon siya dito.

"Akala ko ba eh si boss ang crush mo, anong nangyari?" takang tanong niya sa kaibigan.  Tiningnan siya nito.

"Hmmm.....wala akong pag-asa eh kung makatingin sayo para kang kakainin."

"Maribel!"  nanlalaki ang matang sigaw niya sa kaibigan.  Pero mabilis na itong nakaakyat sa taas. 

Itutuloy

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now