Chapter 1

960 44 0
                                    

"Happy Anniversary  love" masayang bati ko sakanya. Today is our 1st anniversary hindi ko nga akalain na magtatagal kami nang ganito, dahil gaya ng ibang couple palagi din kaming nag-aaway, may tampohang nangyayari pero lahat naman na lampasan namin dahil mahal namon ang isa't isa

"Happy Anniversary  too love" he said and hug me tight

"Saan mo gusto pumunta love?" Tanong niya sakin. Wala naman akong gustong puntahan basta kasama ko siya wala na akong gustong makuha pa

"Kahit saan, kung saan gusto ng love ko" ani ko sakanya habang nakangiti pa im really really thankful kasi binigay siya sakin ni God, wala man akong pamilya atleast meron namang lalaking mahal na mahal ako at mahal na mahal ko rin.

My parents left me when i was 10 years old, may kanyang kanayang pamilya na sila iniwan nila ako at first galit ako sakanila paano nila nagawa sakin ito.

Paano nila nagagawang tumawa habang ako hindi manlang kayang ngumit. Paano sila nakakatulog nang mahimbing na hindi inaalala ang kanilang anak na iniwan lang nila.

Buti nalang kinupkop ako nila ninang Joyce. May anak silang babae si Hanna kasing edad ko lang siya, kaya naging matalik na magkaibigan kami. Friendly siya at mabait kaya marami siyang kaibigan

Hindi tulad ko na siya lang at si Kurt na Boyfriend ko ang meron ako. Maraming may galit sakin kasi poor, pangit, at malandi daw ako hindi ko nalang sila pinapansin dahil ayaw ko nang gulo

"Kain muna tayo, hindi pa ako nakakakain kanina e" sagot niya tumango lang ako sakanya. Pinagbuksan niya ako ng pinto para makapasok na ako sa frontseat ng kotse niya. isa ito sa mga nagustuhan ko sakanya ang gentleman niya kahit kanino kaya maraming na iinlove sakanya. Nag drive na siya papuntang malapit na restaurant

"What's your order , love?" Tanong niya sakin pagkaupo namin

"Anything will do love" sagot ko. Hindi naman ako mapili pagdating sa pagkain isa iyon sa tinuro ni mama sakin na kung ano ang nandiyan yun ang kainin wag nang maghanap pa ng iba dahil hindi ka naman hinahanap noon.

"Waiter!" Tawag niya don sa waiter. Tapos nag order na siya ng pagkain namin. Pagdating ng pagkain kumain na kami

"How was your school?" I ask him. His taking lawyer and nursing naman ang kinuha ko. Pangarap ko na maging nurse bata pa lang ako because of some reasons i cant tell right now, hindi pa ako handa

"Okay lang naman maraming babasahin lang pero kaya naman. Kasi nakita ko na ngayon ang inspirasyon ko" sabi niya sabay titig hindi lang tingin kundi titig talaga. Kinikilig ako. Palagi naman akong kinikilig pag kasama ko siya. Nagmumukha na nga akong kamatis sa sobrang pula ko.

"Kaya mo yan attoeney!" Cheer ko sakanya at tumawa. Natawa naman siya. pagkatapos naming kumain hinatid na niya ako pauwi kila ninang Joyce

"Thanks sa pag hatid love"

"Your always welcome love"

"Bye, goodnight thank you for today" paalam ko sakanya at hinalikan siya sa pisngi at bumaba na. Hinintay ko muna na umalis siya bago ako pumasok sa loob

_______________________________________

@LadyUndeniable

Five DaysTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang