Chapter 12

196 18 0
                                    

Nakarating na kami sa Disney Land ang lawak lawak at maraming mga tao. merong magpamilya, magjowa, at magbabarkada. ang ganda ganda dito, meron ding mga mascot, ano kayang uunahin naming puntahan dito

"Do you like it?" tanong niya sabay pumulupot ang mga kamay niya sa bewang ko

"Yes!, sobrang ganda dito" masayang ani ko 

Napagpasyahan namin na sa viking muna kami sasakay, sa gitna kai umupo. hawak hawak ni Kurt ang mga kamay ko parang takot siyang bitawan ako dahil pag binitawan niya ako mawawala ako sa buhay niya, sana ngang totoong takot siyang mawala ako.. Nang magsimula nang umandar ang sinasakyan namin ang higpit nang hawak sakin ni Kurt. Nakakakaba na nakakaexcite. pa sway sway lang kami parang naiwan ang kaluluwa ko kada sway ng barkong to, pagtingin ko kay Kurt ang putla putla niya

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ko sakanya tumango lang siya nang alanganin, alam kong hindi siya okay kaya mas hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya napatingin naman siya sakin nginitian ko lang siya. nang matapos na ang ride namin bumaba agad kami, binilhan ko muna siya ng tubig ang putla niya parin kasi

"i swear, i will never ride that fucking viking anymore" natawa ako sa sinabi niya. kaya pala ang putla putla niya parang wala nang dugo

"Ang saya saya kaya" natatawang ani ko, sinamaan niya lang ako ng tingin kaya napahalakhak na talaga ako, ang sama nang tingin niya

"Don tayo sa mga kabayo" turo ko don sakanya

"Oh you mean carousel" pagtatama niya sa sinabi ko

"Ah oo yun nga yun" hinigit ko na siya papunta doon para wala na siyang kawala kasi parang ayaw niyang sumakay don eh

"That's only for the kids"ani niya

"Eh ano naman ngayon, sige na" paawa ko sakanya sa huli napilit ko din siyang sumakay sa carousel. bumili muna kami ng ticket at sumakay na pagtingin ko kay Kurt nakasimangot siya habang nakasakay sa carousel kaya kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato

Pinost ko ito sa facebook with a caption oh ' Kawawang bata' natatawa nlang ako habang pinapanood siya. kumain muna kami pagkatapos naming sumakay sa carousel

"Where do you want to go after this?" tanong niya nilunok ko muna ang pagkain na nasa bibig ko bago sumagot

"Dahil last day na natin ngayon.. bibili ako nang mga pasalubong" masayang sabi ko. unti unting nawala ang mga ngiti kong maalala kong last day na nga pala namin. ibig sabihin huling araw na rin namin na magkasama ngayon. sana hindi na matapos ang araw ngayon para makasama ko pa siya ng matagal

"Are you okay?" tanong niya hilaw akong ngumiti at alanganing tumango. tinapos na namin ang pagkain, habang papalabas kami may nakita akong parang nagtitinda ng mga merch, hinigit ko si Kurt papunta don

"Bili muna tayo nang mga merch, ang hilig hilig pa naman ni Hanna mangolekta ng mga ganito" sabi ko. namili na alko nang mga magagandang merch, habang namimili ako may nakita akong couple bracelet and pede mo siyang palagyan ng pangalan binili ko ito nilagyan ng pangalan ang isa na 'Kurt' at Selene' naman ang isa. kinuha ko ang kamay ni Kurt at sinuksuk sakanya ang bracelet 

"Para saan to?'" nakangiting sabi niya

"Remembrance para kahit wala na ako maalala mo parin ako dahil sa bracelet na yan" hilaw na ngiting sabi ko sakanya. unti unting nawala ang mga ngiti niya bago pa masira ang mood niya nilihis ko na ang usapan ayaw kong masira ang mood niya. pumunta kaming mall para mamili ng mga pasalubong kila Hanna. wala akong ginastos ni isang singko dahil gusto ni Kurt siya ang magbayad nang lahat 

Kahit ayaw ko wala na akong nagawa pa kaya hinayaan ko nalang. nang marami na ang napamili namin napagpasyahan naming ummuwi na. 

Nakauwi na kaming Pilipinas tahimik lang kami sa loob ng sasakyan niya papunta kaming bahay inihatid niya ako

"Thank you sa paghatid" sabi ko sakanya nang makababa na kami ng sasakayan. Hindi ko natiis, niyakap ko siya nang mahigpit bumuhos ang mga luhang akala ko ubos na

"Thank you dahil pinayagan mo akong makasama ka kahit sa konting pagkakataon lang, It means a lot to me.. T-tuparin mo ang mga pangarap natin sakanya.. mahalin mo siya ng sobra sobra sa pagmamahal mo sakin noon.. wag mo siyang saktan gaya ng ginawa mo sakin kasi.. ang sakit sakit. pero, pero kung siya talaga ang magpapasaya sayo, susuko na ako.. ang kasiyahan mo ay kasiyahan ko din, sana siya na talaga ang para sayo. pinapaubaya na kita sakanya, hindi ibig sabihin na sumuko na ako ay hindi na kita mahal pinapalaya kita kasi mahal na mahal kita.. hanggang sa muli, mahal ko" lumalabo na ang mga mata ko dahil sa luha sinikap ko paring tignan siya bago ngumiti at niyakap siya nang mahigpit sa huling pagkakataon bago maglakad patalikod sakanya

------------------------------------------------------------------------------------------------------


LadyUndeniable

Five DaysWhere stories live. Discover now