Chapter 2

346 24 1
                                    

"Kamusta ang date niyo kagabi?" Tanong agad sakin ni Hanna nang maupo na ako sa tabi niya nandoon si ninang sa kusina nagluluto pa yata

"Good morning din Hanna, okay lang naman nagdate kami kagabi tapos hinatid na niya ako" kuwento ko sakanya dahil pag hindi ko ito kinuwento sakanya hindi ako nito titigilan palibhasa kasi walang jowa kaya nakikisosyo siya sa buhay may jowa ko. Ayaw pa kasi siyang payagan nila Ninong na nagboyfriend

"Good morning kids" bati samin ni Ninang na may dalang mga pagkain

"Good morning too Ninang/Mom" sabay na bati namin ni Hanna. Kumuha na kami ng fried rice at sunny side up egg tapos nag simulang kumain na

"So, how was your date yesterday  with kurt, Selene?" Ninang

"Gaya pa rin po nang dati, kumain labg kami at umuwi na" kibit balikat na sabi ko. Kurt David was my first boyfriend kaya inosente pa ako sa mga date date na yan, and this is our first date na kumain kami sa labas. Noon kasi sa loob nang school lang kami nag dedate.

Okay lang naman sakin para iwas gastos na rin may pinag iiponan kasi ako para sa mahalagang bagay. Pagkatapos naming kumain hinatid na kami nang driver nila Hanna sa University. Hindi nagtagal nakarating na kami ng school hindi naman masyadong malayo ang school sa bahay parang kabilang kanto lang.

Bumaba na kami ni Hanna classmate kami ni Hanna pareho kaming nursing student. Sumama lang naman sakin ang gagang yan sabi niya kasi noon kung anong kukunin ko yun nalang din ang sakanya

"Selene, diba si Kurt yun" sabi ni Hanna. Tinignan ko naman ang tinuro niya si Kurt nga pero hindi lang siya nag iisa dahil meron siyang kasamang babae. Mestisa, matangkad, makinis, halatang galing sa mayamang pamilya ang babae. lahat naman nang estudyante sa paaralang ito mayaman maliban lang sakanya dahil nakapasok lang naman siya dahil scholar siya

"Kurt!" Sigaw ni Hanna kaya napabaling samin si Kurt kumaway siya samin kaya kumaway din kami pabalik papunta sila dito kasama si girl mas maganda ang babae sa malapitan

"Hey, love" bati niya sakin at hinalikan ako sa pisngi ngumiti lang ako sakanya

"By the way, this is Patricia my school mate, transferee siya, Pat this is Hanna, and my one and only love, Selene!" Pakilala niya samin. Patricia pala name niya bagay sakanya

"Hi Hanna and Selene i hope we can be friends" nakangiting sabi niya at nakipag shake hands samin. Lalo siyang gumaganda kapag nakangiti tapos ang bait pa niya swerte magiging jowa nito, maganda na nga mabait pa all in one

"We're go ahead  love bye, bye din Hanna take care the both of you" paalam niya kumaway lang si Patricia at umalis na sila patungong building nang mga lawyer

"I have a bad feeling sa Patricia na yon" sabi ni Hanna kaya napabaling ako sakanya

"Okay naman siya ah, ang bait nga nya  eh"

"Basta masama talaga kutom ko sa babaeng yun, angel in disguise  nga ika nila" napailing iling nalang ako sa mga sinasabi ni Hanna ganon talaga siya ka vocal pagdating sa nararamdaman niya

"Bahala ka sa kung anong sasabihin mo. Punta na tayong room baka ma late pa tayo lagot na naman tayo non" sabi ko sakanya

"Palibhasa kasi matandang dalaga" natawa nalang ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi na matandang dalaga yung teacher namin na yun kaya ang sungit sungit kaya lalong tumatanda eh. Ay ang bad ko naman sorry, pero totoo yung sinasabi ko walang halong biro mamatay man aso niyo

_______________________________________

^_^

@LadyUndeniable

Five DaysWhere stories live. Discover now