Kabanata 3

5 4 0
                                    

Kabanata 3

Stan

This is indeed paradise.

Sobrang sariwa ng hangin at malayang nakakalipad sa himpapawid ang mga ibon. They are so free. So wonderful. So mesmerizing.

He stop his big bike in front of a public school. A public collage school, precisely. Bumaba ako sa kaniyang motor at inalis ang helmet na nakasuot sa ulo ko.

"Andito na ba tayo?"tanong ko at nilahad sa harap niya ang kaniyang helmet.

"Yup."simple niya sagot at bumaba na rin matapos i-park ang motor.

Maraming mga estudyante ang nakatingin sa akin at hindi ko maiwasan ang mailang. Bakit ganyan sila makatingin sa akin? Para namang ngayon lang sila nakakita ng maganda. Inaya na ako ni Stan na pumasok sa loob.

Habang naglalakad kami sa hallway ng eskwelahan ay marami kaming nadadaanang mga classroom na bakante. Siguro walang pasok? Ewan ko lang. The school are clean. Kahit medyo luma o may sira sira na ay pinapanatili paring malinis at maganda ang paligid.

May dalawang puno ng narra bago ka pumasok sa gate sa field naman nila ay napapalibutan ng puno ng mahogany.

Inilibot ko rin ang paningin ko sa buong eskwelahan. Hindi man ito ang kinagisnan kong paaralan ay para bang namangha ako sa pagiging simple at payak ng paaralan.

This is just beautiful.

"Halika dito tayo..."anyaya ni Stan sa akin at dumiretso ako kami sa isa pang hallway patungo naman sa itaas.

It was a four-story building at masasabi ko na matibay rin. "Sino ba ang pinunta natin dito?"himig ng kuryosidad kong wika sa kaniya.

"Si Nanay Gregoria"simple niyang sagot at luminga linga sa mga bakanteng classroom.

"Ano ba ang trabaho ng nanay mo?"tanong ko habang lumilinga linga rin sa mga classroom.

"Isa siyang janitress dito sa eskwelahan."aniya hindi nakatingin sa kanin.

"Uh ganun ba?"tumango tango ako at nagpatuloy naman si Stan sa paghahanap kay Nanay Gregoria.

Hindi ko alam pero parang may kung anong humaplos sa puso ko nang ipagtapat niya ang trabaho ng kaniyang ina. Mostly kasi sa school namin talamak ang mga FR, Feeling rich at mga SC, social climber. Sila yung mga estudyante na akala mo kung sino. Pero kung tatanungin kung anong trabaho ng mga magulang ang isasagot may-ari ng isang kumpanya yun pala nagbebenta ng pagkain sa kumpanya. Hindi may ari ng kumpanya.

"Nay!"sigaw ng baritanong boses ni Stan at agad na dinaluhan sa loob ng isang bakanteng classroom ang nasa sengkwentang babae.

"Anak, Stan."bati ng kaniyang ina at binitawan ang bitbit niyang mga dustpan at walis."Ba't ka andito?"kuryosong tanong ng kaniyang ina.

"Wala lang, nay, wala naman kasi akong ginagawa sa bahay so pinili ko na lang na dalawin at tsaka gusto kong ipakilala sayo si Ranne Gozon."aniya at binalingan ako ng nakangiti.

Nanalaki naman ang mata ng kaniyang ina at hindi ko maintindihan kung bakit agad na nag-iba ang masaya niyang modo kanina. May masama ba sa itsura ko? May nasabi bang mali di Stan?

"Isa kang Gozon?"diretso ang tingin niyang wika at para bang may takot at galit sa kaniyang boses.

"O-opo."nag-aalangan kong sagot.

Marahil ay ngayon niya lang ako nakita kaya ganyan ang reaksyon niya ngunit ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit May bahid ng galit ang kaniyang mga boses gayung wala naman akong nagawang masama sa kaniya.

Lie's Of The Past (Island Of The South Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora