ALatA5A#3

1.9K 73 15
                                    

Vince Sheldon >>> MEDIA >>>


ALatA5A#3

JAKE'S POV

" Psst ! Oras na ! " bulong saken ni Radaine nang matapos ang last subject namin sa hapon bago ang P.E . Tumingin naman ako sa relo ko at oo , oras na . Lagpas alas tres na . Binigyan ko naman siya ng anong gagawin naten look " Tatakas tayo mamaya "


" Huh ? hibang ka ba ? . Alam mo naman ang consequences kapag tumakas tayo sa kanya hindi ba ? "


" Ano bang mas mahalaga sa'yo ? " napakamot naman ako ng ulo .


" Siyempre yung mga babae , pero makakapagbabae naman tayo dito hindi ba ? "


" Sinong gusto mo si Cleopatra ? " napangiwi naman ako doon at nandiri din at the same time . Sa lahat yata ng babaeng nakilala kong Nerd ay si Cleopatra ang pinakapangit sa lahat ... Grrr ! Yuck ! " Mga campus princess ang makakasama naten mamaya Pre , kaya tara na ! " para kaming tangang dalawa dito habang nagbubulungan .


" Sige , nasabi mo na ba sa iba ? " tumango siya


" Oo , ikaw nalang nga hindi ko nasasabihan e " tumango nalang din ako , nakita ko nga ang mga kaibigan ko na pasimpleng tumitingin saming dalawa ni Radaine . Sinenyasan naman ni Radaine si Vince , para kaya saan iyon ? .


Kinalabit nito si Ate Violet " Uy purple ! P.E class na , punta na kaming locker room ha ? " napangisi naman ako ng maintindihan ko na ang ibig sabihin ng paalam niyang iyon .


" Sige , bilisan niyo lang ha ? ang hindi bumalik , alam niyo na mangyayare sa inyo " bigla naman akong napalunok ng laway doon , ay hindi lang pala ako , maging ang mga kaibigan ko . Shit !


" Opo , Ate " - Vince


" Ge , hintayin ko kayo sa feild " sabay tayo nito at nauna ng lumabas ng room , nakahinga naman akmi ng maluwag at isa-isang nagsitanguan , nag okay sign naman si Radaine . Yess !


" Tara na sa billiaran , naghihintay na sa'ten ang mga chikababes doon " masayang sabi ni Radaine at nauna ng lumabas ng classroom .


" Yown ! Haha , lika na Kenn ! " wala namang nagawa si Kennedie kundi sumama nalang din , dahil wala naman siyang choice ! Pumayag man siya o hindi , wala parin siyang chice kundi sumama sa kalokohan naming apat .

-

" Lalalalalalala~ " pakanta kanta naming sabi habang magkakaakbay pa , kaming apat lang natural , kelan pa ba nakisali samen si Kennedie sa kalokohang gaya nito ? .


" Sandali " sabi niya habang nakatingin sa isang eskenita , tumigil din naman kami sa paglalakad at mabilis na nakisilip sa tinitignan niya . Napa ' Woah! ' naman kaming apat ng makitang isang street fight iyon ! Grabe , iba na talaga ang mga kabataan ngayon .


" Is that Gomez ? " sabi nitong muli habang hindi inaalis ang tingin sa nag-aaway .


ABatA5G#3 : Ang Lovely at Ang 5 Astig ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon