ALatA5A #26

161 12 0
                                    

Ieedit ko pa to. Paki intindi n muna 🤣🤣🤣

**"""***

Jake's POV

Sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon para kay Sunato. Nag-aalala na rin ako. Kumusta na kaya siya doon? Pinahihirapan ba siya? Sana hindi naman. Shit! Sana nsa maayos lang siyng kalagayan.

Sino kaya ang may kagagawan nito? Bakit sa dinami-rami ng pwedeng dukutin si Sunato pa? Anong meron sa babaeng yon? Eh, hindi naman yon mayaman. Walang maibibigay yon kung hihingian ng ransom yon. Jusko! Pati mga kidnaper ngayon mga tatanga-tanga!

Ugh! Subukan lang nilang saktan ang taong mahal ko, ako mismo ang maglilibing sakanila ng buhay.

Oo na. Mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na siya. Hindi ko naman siguro hahalikan yung tao kung wala di ba. Ayoko lang kasing aminin kasi nahihiya ako. Ang dami kong sinabing hindi maganda kay Sunato non. Ang dami kong pinintas. Kaya nahihiya akong aminin sa lahat iyon.

Hindi ko minahal si Sunato dahil lang nagbago na ito itsura ngayon. Minahal ko yon kasi iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko. May tighiyawat pa siya nun sa mukha.

Sa araw-araw na nakakasama ko siya sa tuwing nagpapabili ako ng lollipop sa kanya. Nakilala ko siya ng lubos. Nakilala ko talaga kung sino siya. Kung anong pag-uugali at pagsusumikap ang meron siya. Doon ako humanga sa kanya. Doon ako nahulog ng lubos sa kanya.

Natigil lang ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Isang unknown number ang tumatawag. Sinagot ko naman ito agad.

" Hello? "

" Kumusta Jake Smith? " Kumunot ang noo ko nang hindi ko mabosesan ang nagsalita sa kabilang linya.

" Sino to? "

" Ang bilis mo naman yatang makilomot, Jake Smith. Hindi mo na ba ako maalala? " Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon pero hindi na ako nagsalita " Someones want to talk to you, Mr Smith " ilang minuto ang namutawing katahimikan sa kabilang linya. Napailing ko. Walang magawa sa buhay ang isang to. May problema ako na ngayon ay dapat inaasikaso ko at hindi ang----

" J-jake... " Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ito maari.

" Cleo! "  nakuha ko naman ang attention nang lahat. Lumapit saken si Ate Vio kaya ini loud speaker ko nag cellphone ko " Cleo ayos ka lang? Hindi ka ba nila sinasaktan? "

" I am... Hurting her " narinig kong sumigaw sa sakit si Cleo na ikinagalit ko ng husto.

" Walanghiya ka! Huwag mo siyang sasaktan! Magkano ba gusto mo ha? Sabihin mo at ibibigay ko sayo! Put***na mo! "

" Hindi pera ang gusto ko, kundi ikaw Mr Smith. Buhay mo ang gusto ko at hindi ang pera mo pati ng mga kaibigan mong pakialamero " nagkatinginan kaming magkakaibigan. Nagtatanungan gamit ang mga mata.

" I think I know him. Dester Beltran the Gang leader of Eskenita Gang "

" Kuha mo. Naaalala niyo pa pala ako. Hahahahaha " kumuyom ng mahigpit ang kamay ko. Hindi nga nagkamali si Sarhento. Babalikan at babalikan nga kami nang ugok na yon. Pero bakit si Cleo ang kinuha niya at hindi nalang ako! Sakin siya may galit kaya dapat ako yung kinuha niya at sinasaktan niya hindi si Cleo!

" Nasaan ka? Ako ang kailangan mo hindi ba? Kaya ako ang saktan mo! Ako ang kunin mo at hindi si Cleo! "

" Jake, huwag! Aaahh! "

" Huwag mo siyang sasaktan!! " Hindi ko na mapigilang maluha dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko.

" Ang ingay eh. Pero don't worry, hindi ko naman siya papatayin... Bubugbogin ko lang siya. Hahahaha "

ABatA5G#3 : Ang Lovely at Ang 5 Astig ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon