Chapter 21

60 9 3
                                    

Chapter 21

Pagod ako nang makarating sa condo na tinutuluyan. Sinaluhan ko pa si Sabella sa pagkain para lang may kasabay na kumain.

Napapangiti nalang talaga ako sa pag-iisip na tuwing umuuwi si Silas ay si Sabella naman ang nakakasama ko.

Tuwing kasama ko si Silas ay parang nariyan din si Sabella. Kapag naman si Sabella ay ganoon din.

Hindi na pumasok si Silas sa loob dahil halata namang ilag siya kay Sabella. Kahit mukhang wala lang naman sa huli kung nandito ang lalaki. Alam pa nga nito na galing kay Silas ang fast food eh.

Maaga akong nagising kinabukasan. Pero ganoon pa man, walang makakatalo sa unemployed kong kasama dito sa bahay.

Sanay na rin ako na tuwing umaga ay tahimik lang siyang nakaupo sa carpet, nakasandal sa sofa at nagbabasa ng libro habang may marahang tugtog.

Pagkatapos niyan ay siya ang maglilinis ng buong unit. Malas lang na pareho kaming hindi maaasahan sa pagluluto ng pagkain. Kaya madalas na take out ang pagkain namin.

Tahimik nalang akong lumabas ng unit. Mamaya lang ay may susundo diyan kay Isabella. Magpapaalam naman iyan kung meron nga.

I went inside my car. Wala pa si Silas, hindi rin naman kami magsasabay kaya may dala akong sasakyan ngayon.

"Good morning, Architect." Bati ni Marina.

"Morning, Marina." Tugon ko bago pumasok sa loob.

Malinis ang buong opisina ko. Hindi tulad ng ibang mesa, ang akin ay walang kahit na anong dekorasyon tulad ng mga picture frame. Puro mga papel lang ang nakapatong pati ang laptop ko. Kahit na may desktop naman sa kabilang area.

Mayroon din akong malaking bintana, kita ang tulay kung saan may mga dumadaang sasakyan. May sofa rin sa gilid para sa mga casual meetings.

Abala na ako sa pagpa-finalized ng designs nang pumasok si Marina dala ang request kong tsaa. Pati na rin ang schedule ko para sa araw na ito.

Madami pala akong gagawin. Sa umagang ito ay puro meetings na ang bungad, hanggang alas dos. Pagdating ng alas tres ay libre na ako, pero inilaan ko iyon para sa AS meeting. Dadalo sina Engr. Apollo, Engr. Isidro pati si Silas.

The meeting will be held in the nearest coffee shop.

Buong umaga akong labas masok, hindi nagtatagal sa opisina dahil doon.

Dinadala nalang din ni Marina ang pagkain ko, lalo na ang lunch. Wala rin naman akong makakasabay kaya ayos lang.

I heard a knock.

"Architect, nandoon na raw po sina Engineer Valenciano." Maaga pa ah?

"Susunod ako, salamat." She nodded.

Nag-ayos lang ako ng ilang gamit bago tumayo para mag-ayos naman ng sarili. Bigla naman akong na-conscious sa suot kong damit. Dapat pala ay nagdala ako ng pamalit. Naka casual suit lang ako. White top na pinatungan lang ng blazer, then pointed four-inch heels.

Napapikit ako nang kumatok na si Marina. Pinagmasdan niya pa ako nang makalabas. Pero wala rin namang sinabi.

Since may dalang sasakyan si Marina ay sumunod nalang siya saakin. Malapit lang naman pero ay balak ko na rin kasing diretso na umuwi pagkayari ng meeting na ito.

Naunang pumasok si Marina para mag-ayos dahil nagpaalam pa akong tutungo sa banyo.

Really, Ray?

Napansin kong lahat sila ay nandoon na. Kausap ni Silas si Engr. Apollo at minsan ay nasasali rin si Juan Miguel.

Tumayo si Marina nang makita ako, ganoon din ang ginawa ng lahat para bumati.

If I Was Gone Where stories live. Discover now