TPOTFK - 11

149 11 2
                                    

Julian's PoV

"Hi Tita, kamusta na po kayo? Long time no see po ah" Saad ni Mary pagkakita niya kay Mom

"Oh, Mary. Kasama ka? Mabuti na lang para may kasama ang princess ko" Saad ni Mama

"Opo tita. Pinilit po ako ni Julian na sumama" Sagot ni Mary kaya tinignan ko siya ng masama

Sa totoo kasi niyan, hindi ko siya pinilit, siya ang nagpumilit sumama

Wala naman akong magawa na dahil nagfile na rin siya ng leave, hanggang Tuesday pa nga ang kanya para daw may pahinga siya after

Nandito kami ngayon sa sala kanina pa nga ako naghihintay sa kanila. Napaaga kasi ako ng gising kaya maaga rin ako nagayos

"Anyway, nagluto na rin ako ng pagkain niyo mamaya incase na magutom kayo, iyon na lang ang kainin niyo" Saad ni Mom

"Opo tita. Miss ko na nga po luto niyo. Ang tagal ko na rin hindi nakakain ng masarap. Buti na lang po talaga" pambobola ni Mary

"Bolera ka talaga" saad ni mom
"Oh. Ayan na pala mga kasama niyo eh" kaya sabay kaming napalingon ni Mary sa pinto. Doon namin nakita si Carson at Kean na naguunaan sa pagpasok habang bawat isa ay may dalang bulaklak

"Hi Julian, for you" saad ng hinihingal na si Carson

"Hi pretty, for you" Sabat ng hinihingal na si Kean

"Good morning po tita. Parang mas gumanda po kayo today" puri ni Kean kay mom

"Araw araw maganda si Tita. Kanino pa ba magmamana si Julian?" Sabat ni  Carson

Natawa naman si Mama

"So sinasabi mong panget ako?" Sabat ni Dad na ngayon ay kalalabas ng kwarto

"A-Ah. H-Hindi po sa ganoon tito. Gwapo rin po kayo" kinakabahang saad ni Carson

"Boom sabog" pabulong na asar ni Kean pero sapat na para marinig ko

Lumapit si Mary sakin at bumulong

"Gaga ka. Ang gwapo parehas ah. Isa lang naman ang pipiliin mo sa kanila di ba? Pwede bang akin na lang ung isa?" Suggestion niya na kinailing ko kaya nahampas ko siya ng bulaklak pero mahina lang

"Aray naman Julian. May tinik kaya yan" reklamo niya

"Landi mo kasi" sabat ko

"Ay ang pure mo ha" sagot ko

"Paalis na ba kayo?" Tanong ni dad nh makalapit samin

"Yes dad" sagot ko sabay halik sa pisngi niya

"O siya sige ingat kayo." Saad ni dad sabay tingin sa dalawang lalaki

"Kapag umuwi ang anak ko na may konting galos o kaya ay kagat ng lamok, magtago tago na kayo dahil huhuntingin ko kayo kahit saan kayo magtago. Ingatan niyo to" pananakot niya sa dalawa at mukhang tumalab naman dahil parehas silang napalunok, sabay na sabay pa

"Y-Yes tito" sabay na sagot nang dalawa

"Daddy, wag mo naman takutin ang mga bata. Sige na, umalis na kayo, baka maabutan pa kayo ng traffic" saad ni mom

"Ok mom. Bye. Ill miss you" saad ko sabay halik kay mom

"Ill miss you too sweetie. Behave ka don" sagot ni mom sabay yakap sakin ng mahigpit

Bumitaw na siya sa yakap sa akin

"Go na. Hindi na namin kayo ihahatid palabas, may pasok pa dad mo. Aasikasuhin ko muna siya" saad ni mom

"Ok mom. Love you!. Bye" paalam ko

"Bye po tita. Anong gusto niyo pong pasalubong?" Sabat ni kean

Despicable Men - The Poison Of The Fuckboi's KissWhere stories live. Discover now