TPOTFK - 12

186 17 2
                                    

Julian's PoV

"Wow! Ganda talaga dito sa Baguio. Malamig nga lang. Grrrr. lamig!" Bungad ni Mary pagkababa namin ng sasakyan

Alas otso na nang gabi ng kami ay makarating dito

Nasa harap namin ang isang bahay na nasa medyo mataas na lugar kaya kita namin ang medyo kalawakan ng Baguio

"Julian, nilalamig ka ba? Heto Jacket ko!" Offer ni Carson ng Jacket sakin

Mag-ooffer na sana rin si Kean ng biglang isuot sakin ni Vincent ang Jacket niya

"Para hindi na mag away ang dalawang asungot. Iyan na lang suotin mo. Nakakarindi na rin kasi ang ingay nila" Saad ni Vincent

"Tsk. Pabida" Sabay na saad ni Kean at Carson

"Iba talaga ang ganda ng beshie ko. Kahit ang tanawin ng Baguio, taob sa ganda mo besh. Ikaw na! Saan ka bang pinaglihi?" Natatawang saad ni Mary

"Let's go Julian. Ituro ko sayo ang kwarto mo" Saad ni Kean sabay kuha sa gamit ko at umuna papasok ng bahay nila

Ito ung bahay na lagi niyang nasasabi na siya ang nagpundar gamit ang ipon niya sa mga allowance niya

Ang ganda ng bahay na ito grabe.

Parang kasya ang dalawang pamilya. I wonder magkano ang allowance ng isang ito

Pagpasok namin sa loob ay mas lalong bumungad sa amin ang ganda ng interior ng bahay

"Not bad. May taste ka rin pala sa mga gamit" Puna ni Carson habang minamatyagan ang paligid

"Parang gusto ko na dito tumira. Ganda ng bahay ah" dugtong ni Mary

Maganda ang bahay na ito

Walang second floor pero malaki ang spaces

Pagpasok pa lamang namin ay bumungad samin ang magandang pagkakaayos ng sala sa kanan na bahagi ay ang kitchen at ang dining area

Sa kaliwang bahagi ay ang mga kwartoapat lamang ito ay magkakatapatan.

"Anyway, nakalimutan ko, apat lang ung rooms dito, so kami ni Julian sa isang room. Tapos bahala na kayong tatlo sa room na gusto niyo. Saka may sari sariling Cr ang bawat kwarto" Saad ni Kean

"Anong kayo ang magkasama?! Sa akin sasama si Julian. Kami ang magkasama sa room!" Reklamo ni Carson

"Asa ka! Bahay mo?!" Pambabara ni Kean

"Wala akong pakialam. Basta sa akin siya sasama" Saad ni Carson

"Sakin na lang para hindi na kayo magtalo" Suggestion ni Vincent na kinagulat ko

'Bakit ako sasama sayo?' Saad ko sa isip ko

"HINDI" sabay na reaction ni Kean at Carson

Vincent just Shrugged

"Just suggesting" maiksing sagot ni Vincent at nagtungo sa isang kwarto

Nagpatuloy sa bangayan si Carson at Kean

"Para walang gulo, sakin sasama sj Julian. Sanay na naman kami magsama sa isang kwarto" Pag-aawat ni Mary
"Kung hindi kayo papayag, uuwi na kami ni Julian" Pananakot pa niya

"Tsk" sabay na reaction ng dalawa

"Tara na Julian, doon tayo sa unang Kwarto at kayong dalawa naman, kunin niyo ung pagkain sa sasakyan na niluto ni tita, iyon na lang ang kakainin natin for dinner, hindi pa naman siguro sira iyon" utos pa niya

Walang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod sa sinabi ni Mary

Ngunit bago nila gawin iyon ay dinala muna nila ang mga gamit nila sa kwarto

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Despicable Men - The Poison Of The Fuckboi's KissWhere stories live. Discover now