001

19 1 0
                                    

Trailer


Winter's Pov:


*riiiinnngggg*

*riiiinnngggg*


"Aish! sino ba tong natawag ang aga aga" sambit ko ng marinig kong magring ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nakita na si Karina ang tumatawag sakin.

"Ano?" sagot ko ng nakapikit ang aking mga mata

"Gagi! Tulog ka padin?!" sigaw nito 

"Bakit ba?" sagot ko naman habang nakapikit padin ang aking mga mata

"Tanga ka! Late ka na! First day natin ngayon" nang marinig ko iyon ay agad akong napatingin sa oras at nakita na malapit na mag 8:30

"Shit ka!! bakit di mo ko ginising?!!" sigaw ko sa kanya at bilis bilisang naligo at nagbihis


"Ayan na ang prinsesa" rinig kong sambit ni Ryujin kahit na malayo pa ako sa kanila. Kita ko naman na may kausap na namang babae si Heejin, kahit kailan talaga tong babaeng toh

"Kamusta ang tulog?" bungad sakin ni Jungwon at inabutan ako ng iced coffee

"Nasan si Karina?" tanong ko naman at nginuso ni Ryujin si Karina na kasama si Jake. Matagal ng nililigawan ni Jake si Karina pero di padin siya sinasagot ni Karina.

"Uy Winter! Nandito ka na pala" sabi ni Heejin sabay kuha ng coffee ko

"Kanina pa ko nandito. Sino na naman yung sunod mong biktima?" tanong ko pero ngumiti lang siya at pumunta na sa classroom niya. Iba-iba kami ng kinuhang course. Karina and I took Civil Engineering, Ryujin took Theater & Performing Arts, while Heejin and Jungwon took Business Administration.


"Oh my god! SIno yun"

"Siya ba yung bagong student?"

"Grabe totoo nga ang chismis"

"Ang swerte naman ng Archi, tatlo na gwapo sa kanila tapos nadagdan pa"


Napatingin kami ni Karina sa mga studyante na nagsisigawan sa building ng Archi. Malapit lang ang building namin sa kanila kaya rinig namin ang sigawan nila. Tinignan naman namin yung tatlong lalaki na naglalakad papasok ng classroom.


"Si Jake at Ren yun diba?" tanong ko kay Karina dahil di ko masyadong makita ang mga mukha nila dahil sa mga nakapalibot na babae sa kanila. Tumango lang sakin si Karina at pumasok na ng classroom, sumunod na din ako sa kanya dahil nakita ko na ang teacher namin na papunta na sa classroom.


'Ugh! hindi maka-keep up yung utak ko sa lesson. Aish! Focus Winter, kailangan mo mag-aral, kailangan mong maging engineer. You don't want to be a disappointment forever.'


After 5000 years, charot, 1 hour 30 minutes lang naman yung subject but it feels like forever for me. Pumunta kami ni Karina sa tambayan namin at nakita na natutulog doon si Heejin. Binatuhan ni Karina si Heejin ng tsinelas dahilan ng pagkagising nito


"Di ka na naman napasok?" tanong ni Karina kay Heejin na humihikab pa

"Why would I go? Wala naman magagawa ang teachers kahit di ako pumasok" sagot nito at bumalik sa pagtulog. Family ni Heejin ang may-ari ng school kaya di makapagreklamo ang mga teachers sa magulang ni Heejin. Bigla namang bumangon si Heejin at tumingin kay Karina

"Sino si Heeseung Garcia?" Heeseung? sino yun? tumingin na lang ako kay Karina na nahuli ko na nakatingin at sa akin pero umiwas agad siya ng tingin.

"He's a no one" sagot nito at iniwan ako na kasama si Heejin. Tumingin naman ako kay Heejin na nakangisi sakin.

"What?" tanong ko habang nakataas ang aking isang kilay.

"Lambingin mo yun. Mukhang badtrip girlfrie- este bestfriend mo" sabi nito na may halong pagbibiro

"Bat ako? Ikaw nangbadtrip dun eh" sabi ko at kumuha na lang ng tubig sa ref at tumingin sa labas kung saang nakita ko na nakaupo si Karina sa semento.


Papunta na sana ako sa next class ko ng maalala ko na naiwan ko ang libro ko sa locker kaya nagpaalam ako kay Karina na kukunin ko muna iyon at dali-dalian akong pumunta sa locker ko. Pabalik na ko ng classroom ng mabangga ako ng isang lalaki na naging dahilan ng paghulog ng mga libro ko.


"I'm sorry. Are you okay?" tanong nito at inabot sakin ang libro ko

"Yes, I'm okay" sagot ko ng hindi natingin sa kanya at bumalik na ng classroom.


Right Person, Wrong Universe || Slow UpdateWhere stories live. Discover now