Chapter 6

2.4K 56 59
                                    

I've staring at the picture for almost 30 minutes, making sure if that was me. I just confirmed it when i saw my phone on the dash board. Thankfully, my face wasn't visible.

I check the comments, a lot of them asking who i am.

Mr. Monreal, is that your new girl?
No! I replied mentally.

Omg! Gov is she your new girlfriend?
No!

Who's that girl?
Me!

And so on.

Then, i saw the new comment of my sister.

Syrene Venir

Is that your friend? Or little sister?
Maybe we can hangout sometimes.
Huh?

Hanggang sa nakatulugan ko ang pagbabasa ng comments.

Kinabukasan ay gano'n ulit ang nangyari pero mas nakakapagod ngayon.

Bukas ay checking na lang kasabay ang result.

Gusto ko nang matulog at magpahinga pero may kailangan pa akong ipasang powerpoint sa Principal. Kailangan na raw bukas pero ngayon lang sinabi. Biglaan na naman daw kasi.

Kasama ko si Owel dito sa SSG Office, mayroon din siyang ipapasa sa Principal.

" Kainis naman, bakit biglaan. " Reklamo ni Owel habang nagtatype ng kung ano sa laptop niya. " Kakatapos lang ng exam, may powerpoint na agad."

" No choice " kibit balikat kong sagot.

" Ay Pres, nakita ko yung post ni Gov kahapon sa ig. Ikaw yun no?" bigla niyang sabi na parang sigurado siya.

Kinabahan ako kahit hindi naman dapat.

" Hindi ah" pinilit kong hindi mautal dahil baka mahalata ako.

" Ikaw yun, kita ko yung case ng phone mo e" aniya pa.

Dahan-dahan kong kinuha yung phone ko sa bulsa saka pinakita sa kaniya. " Ito ba?"

"H-hindi 'yan, kulay black 'yon. Nagpalit ka ng case no?"

" I've been using this for three months." medyo kalmado ko nang sagot.

" Hindi, hindi 'yan."

" Kasi hindi nga ako 'yon."

" Ikaw 'yon Pres, sigurado ako. Lagi kaya kayong magkasama dito. " pilit niya.

" Huwag kang chismoso, hindi ako 'yon" sabi ko saka nagpatuloy sa ginagawa.

Kalalaking tao, chismoso.

" Sabagay, kilalang babaero si Gov." aniya saka nagpatuloy din sa ginagawa niya.

Napalingon naman ako sa kanya. Hindi ko alam pero nainis ako sa narinig ko. Babaero huh. Nilaro ko ang dila ko sa bagang ko saka seryosong humarap sa laptop ko saka tinuloy na lang ang ginagawa. Gusto ko nang umuwi at magpahinga.

Dumidilim na nang matapos kami. Nagpasalamat sa'min ang Principal dahil sa ganitong bagay daw ay naasahan niya kami.

" May sundo ka ba?" tanong ni Owel nang makalabas kami ng gate.

The Governor's Obssession Where stories live. Discover now