Chapter 14

2K 54 4
                                    

Almost 10 minutes na akong nandito sa SSG office. Iniisip ko kung paano ko haharapin si Gov matapos nang nangyari kanina. Sobrang nahihiya ako!

Ang sabi niya ay susunduin niya ako pagkatapos ng klase ko, may pupuntahan daw kami. Dahil makulit siyang tao, hindi niya ako tinigilan hanggang sa pumayag ako. Sobrang late tuloy ako sa first subject ko, kasalanan ni Gov!

I took a deep breath before leaving the office. I think I have no choice.

I stopped walking when I saw Governor Achlys leaning on his red Bugatti. Is he a fan of Bugatti?

Hindi ko alam kung lalabas na ako or hihintayin kong mawala ang mga taong nakapaligid sa kaniya. Maraming tao ang nasa paligid ng gobernador para bumati at makipag usap. Nakikipag usap naman ang gobernador pero seryoso ang kaniyang mukha.

May mga babaeng dalaga rin ang nakapaligid sa kaniya at nagpipicture. Gwapo kasi ng dating! He's wearing maroon longsleeve polo and black slacks paired with a leather shoes. He looks so good as always!

Tutuloy ba ako? Paniguradong may makakakita sa'kin kung tutuloy ako, ayaw ko ng issue.

Natigil ako sa pag iisip nang magawi ang paningin ni Gov sa'kin. Nagulat pa ako nang umayos siya ng tayo saka unti-unting naglakad papalapit sa'kin. Hindi ko alam kung babalik ako papasok o sasalubungin siya.

In the end, hindi ako gumalaw. Hinintay ko lang siyang makarating habang ang mga taong nakapaligid sa kaniya kanina ay tinitignan din kung saan siya papunta.

Hindi ko napansin na nalutang na naman pala ang utak ko. Napansin ko na lang, prente na nasa loob na ako ng kotse niya.

"Are you crazy? You even showed to the people that you were there to picked me up. Nag iisip ka ba?" inis kong sabi sa kaniya nang matauhan ako.

"What? I didn't show it, they just saw."

"It's just the same!" inis na sabi ko saha himapas siya sa braso.

"Bob, wait. I didn't mean it, okay? Hindi ko kasalanang gwapo ako."

"Kapal mo! " singhal ko sa kaniya saka pabagsak na umupo sa upuan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Bigla kong naalala....

"Where we are going? Naka uniform pa ako" sabi ko nang hindi humaharap sa kaniya.

Ramdam ko ang paglingon ni Gov.

"At my house, so you can get dressed."

Pinagtaasan ko siya ng kilay kahit hindi niya nakikita. As if may damit ako doon!

Walang nagsalita sa amin hanggang sa tumigil ang kotse pero ramdam ko sa tuwing nilingon niya ako. Napatingin ako sa malaking bahay kung saan kami tumigil. I didn't expect na babalik pa ako dito.

Narinig ko na ang pagbaba niya pero nanatili ang paningin ko sa mansiyon niya. Nakapunta na ako dito pero kinakabahan pa rin ako sa hindi malamang dahilan.

"Let's go."

Napatingin ako kay Gov na hindi ko namalayang nabuksan na pala ang pinto. Nakalahad ang kamay niya na parang hinihintay na abutin ko. I sighed before accepting his hand. Nanginig pa ng kaunti ang kamay ko nang magdikit ang palad namin. Shit! What was that?

Nagpatianod lang ako papasok. Binati kami ng dalawang guard pero walang sumagot sa amin. Pagpasok namin ng mansiyon niya ay sumalubong sa'min ang mga kasambahay na parang naghihintay.

"Let's go upstairs?"

Kahit nagtataka ay tahimik akong tumango sa kaniya. Hawak niya pa rin ang kamay ko habang paakyat kami sa mahaba niyang hagdan. Nakakangalay!

The Governor's Obssession Where stories live. Discover now