Chapter 4

1K 63 20
                                    

General

Nasa sasakyan pa lamang silang dalawa, sinasabayan ni Imee ang tugtugin na Every Woman In The World ng Air Supply. Hindi niya maipagkakaila na maganda ang boses nito.

"Kumakanta ka ba?" tanong niya kay Rodrigo. Umiling lang naman ito at nag drive na ulit.

"ikaw na lamang ang kumanta. I don't have a talent." Rodrigo.

Tinitigan nya ito at medyo lumapit.

"Yes you have! Alam ko naman na nahihiya ka lang na ipakita sakin yon. You sing, come on!" pag pipilit niya dito at hinihila pa ang braso nito.

Umiiling lang siya at nanatiling naka tingin sa daan.

"Hindi ako marunong. Huwag kang magulo, Josefa. Mababangga tayo!" napa preno siya agad ng may humarang mula sa kaliwa nila na sasakyan.

"I told you to stop doing that! Kapag nasagasan tayo, kasalanan ko pa! Baka may mangyaring masama sayo, hindi ko kaya Josefa!" sigaw ni Rodrigo sa kaniya.

Napa tahimik lamang siya at ngumiti ng tipid.

"sorry, sige tatahimik na ko. Sorry ulit." tumingin na lamang siya sa labas ng bintana at tinatap niya ng kaniyang kamay ang hita.

"Nabigla lang ako. Ayoko kasing nakaka kita ng dugo."Rodrigo.

Unti unti siyang napatingin kay Rodrigo habang nag d-drive na ulit ito. Pansin niya na naging seryoso ito at mahigpit na naka kapit sa manibela ng sasakyan.

"Rod, kumalma ka.." sabi niya sa mahinang boses.

Napa buntong hininga naman si Rodrigo at unti unting kumalma. Naging maayos na din ang kaniyang pag hinga.

Buong byahe wala silang napag uusapan. Paminsan minsan ay sumasabay pa rin si Imee sa mga kantahin na naririnig niya.

"Kamusta na kaya yung mama ko?" tanong ni Imee bigla sa kaniyang sarili.

Rodrigo took a glance on her, there's a sadness on her eyes. He can see it. Is she okay? O pareho sila ng nararamdaman ngayong araw?

"Gusto mo bang umuwi muna sa inyo?" Rodrigo.
Napaka sinsero ng pag kakasabi nito sa kaniya. Hindi naman sya ganito dati. Wala siyang pakialam sa mga tao. Basta ang gusto niya, nasa kaniya ang atensyon, but now he cares for someone. And it was her, for Josefa.

"Paano ka?" sagot ni Imee sa kaniya. Kumabog naman ang puso niya ng mabilis dahil sa tanong na yon.

"anong paano ako?" Rodrigo.

"I know na kailangan mo ng kasama ngayon, and I can't leave you. Hindi ba sabi ko sayo hindi kita iiwan? At isa pa, hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa bahay." Naka ngiti lang na sagot ni Imee sa kaniya.

"Masyadong seryoso ang usapan Rodrigo, Saan ba tayo pupunta? Masyado yatang malayo ha!" naka ngiti nitong sabi at umayos ng upo.

Hindi siya makapag salita dahil sa mga lumalabas sa bibig ni Imee. She can't leave him.

Huminto sila sa isang flowershop at bumili ng bulaklak si Rodrigo.

"Para kanino yan?" usisa niya pero hindi siya nito sinagot. Magagandang bulaklak ang mga binili nito. May bahid na lungkot siyang naramdaman, may special someone nga yata si Rodrigo.

"Tara na." pag aaya nito at lumabas na sila ng flowershop ng makapag bayad. Pagkasakay nya ng sasakyan, nanatili lamang siyang tahimik. Ano ba naman itong nararamdaman nya, bakit parang nalungkot siya.

"where do you want to eat?"Rodrigo Umiling lang siya at tumingin ulit sa labas.

"Bakit ba ako nagkafeelings sayo bat ba parang Ang sakit na magbibigay siya ng Bulaklak sa iba..... Sinama pa talaga ako ng Hambog na toh para bumili ng Bulaklak sa special someone niya" Sabi ni Imee sa kanyang isip

||Contra Todo Pronóstico||Donde viven las historias. Descúbrelo ahora