Part 37

1.7K 63 92
                                    

Napukaw si Gregor mula sa pagbabasa ng report nang tumunog ang kanyang telepono. Isang tawag mula sa kanyang ina. Kunot ang noo na sinagot niya iyon.

"Yes, Ma?"

"Gregor, pupunta ka ba rito?"

Mas lalong kumunot ang noo niya. "What for?"

"Sa makalawa, pupunta si Rei rito. May ipapakilala raw siya sa akin. I definitely hear bells ringing, anak."

Ipapakilala? Hindi na talaga nag-aksaya ng panahon si Rei. It was only a week ago when his 'fantasy' ended.

"I'll check my schedule, Ma."

"Oh, don't be like that to your brother. Importanteng araw ito para sa kanya, show him your support and of course your blessings bilang nag-iisang kapatid."

I cannot.

"I will see, Ma."

"Ikaw talaga, napaka-busy mo na sa trabaho mo."

"How can you say that? Palagi naman akong pumupunta d'yan. I'm just...not sure about this time. And dont worry, kung hindi man ako makakapunta, I'll call Rei. I'm sure he'll understand."

"Alright, alright. Just make sure to try, okay?"

"Yeah, yeah sure."

Patamad niyang pinatay ang telepono basta na lang initsa sa ibabaw ng mesa. Inihilamos ang mga kamay sa mukha bago tumayo. He needs a smoke, a pack maybe. Nang sa ganoon ay malunod siya at maging manhid sa pighating dinaramdam--kung posible man iyon. Gusto niyang pagsisihan ang pagpakawala kay Ruki sa pangalawang pagkakataon pero hindi maaari. Wala siya sa posisyon para akuin ang isang taong wala siyang karapatan. Ruki is not 'his'. It breaks his heart thinking about that.

Gaya ng orihinal niyang plano, hindi siya nagpunta sa bahay ng kanyang ina nang araw na ipinakilala ni Rei si Ruki dito. His mom is a kind person. Kahit nakikita na niya ang magiging pagkabigla nito sa malaking rebelasyon ng bunsong anak, alam niyang may malawak na pang-unawa at malaking puso ang kanyang ina para unawain si Rei. Wala siyang dapat ipag-alala ngunit hindi pa rin siya mapakali na hindi malaman kung ano ang kinahantungan ng pag-uusap. His mom will surely call him about it. Maghihintay na lamang siya. At kung ano man ang reaksiyon ng kanilang ina, alam na niya kung ano ang isasagot.

He literally waited for a call and the night of the same day, just as he expected, his mom called. With a heavy voice, she said everything.

"Rei is an adult now, Mom. I'm sure he knows what he is doing and if he is happy with it, then there is no reason for me to complain. He is still my brother. Nothing's changed," ang kanyang sagot. Plain and simple. More of a scripted answer.

He'll make sure he won't be the hindrance. He will keep his distance as long as it takes. He will be the farthest star.

***

6 months later

"I saw it," saad ni Timber sa kanya isang gabi habang nasa isang tahimik sila na bar.

"The what?"

"The wedding. Well, the photos."

Isinuklay niya ang isang kamay sa sariling buhok. "Paano mo naman nakita?"

"We have common friends. Hindi ka nagpunta."

"Were you really expecting me to attend and be the miserable brother in law?" he scoffed.

COMPLETED His Manly Bride: The Forbidden Series 3Where stories live. Discover now