RTADP Chapter - 36

904 38 3
                                    

RTADP Chapter - 36

(Min's POV)






Minsan nakakapagod mag alaga ng bata pero di ko akalaing mas nakakapagod pang kasama ang matanda.

Alam nyo yung kanina ang sweet nya tas bigla nalang mangaasar siya tapos ngayon di sya namamansin.

Ganto ba ang date?

Kung ganito nga- ayoko nang ulitin to.



Padabog akong bumaba sa sasakyan nya nung itinigil niya.

Simula pa kanina di nya ako pinapansin. Kaya mas lalo akong naiinis.

Nagsimula akong maglakad palayo.

Palayo sa bakulaw na to.

Akala ko pa naman masaya ang date di naman pala.

Saka ano to? Ilang oras kaming nasa byahe tas sa isang open area na puro damo lang nya pala ako dadalhin. ASAR -.-



"Hoy uhugin san ka pupunta?"

Sa pakealam mo! Gusto kong sanang sigawan sya ng ganyan pero magsasayang lang ako ng lakas kaya di ko nalang sya pinansin at dirediretso lang ako.



"Hoy ! San ka pupunta? Antayin mo nga ako wag kang pupunta dyan at-"

Bigla syang natigilan, at maging ako napahinto sa paglalakad nang may isang higanteng bagay ang halos isang pulgada yung pagitan mula sa ulo ko ang lumipad sa taas.

"Diba sabi ko antayin mo ako" sa sobrang pagkamangha ko di ko namalayang nasa likod ko na pala yung bakulaw nato.

Bigla nalang nyang hinawakan yung kamay ko at hinila ako kung saan.

Sa bandang gitna ng lugar nato, mas lalo akong namangha.

Mas marami pang mga higanteng bagay na lumilipad ang nakita ko.



" Mr. Smith buti naman ho at nakarating na kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay"

" Naabala lang kami sa daan. Is everything ready? Okay na ba si neko?"

"Yes sir, ready na sya. Kayo na nga lang ang hinihintay. We conducted the trial. Pinalipad na po kanina yung sample at successful naman po ito. Okay na po ang lahat so please"



Inilahad nung lalaking kausap ng bakulaw nato yung kamay niya na parang itinuturo kung saan dapat kami pumunta.

Agad naman akong sumunod kay bakulaw.

Anong meron dito? Teka? Bat andaming tao? Saka sino si neko?

Naguguluhan ako pero tuloy parin ako sa paglalakad.

Hanggang umakyat kami sa isang parang maliit na stage at dahil doon napunta ang atensyon ng mga tao sakin. SAMIN O_O






"Goodafternoon ladies and gentlemen, may i present to you our chairman for this event Mr. Ivan Smith"

-Malakas at rinig na rinig ko ang palakpakan ng mga tao nung ipakilala si bakulaw nung taong kausap nya kanina.






"Thank you. Alam ko naman na kanina nyo pa kami hinihintay so please accept my apology for being late for today's event may mga maliit na problema on the way. Kaya naman wag na nating patagalin ito. "

"Sir Smith? May bago po ata kayong piloto ah" sabi nung isang middle age man sa may bandang kanan namin.

Saka sya tumingin at ngumiti sakin.

Revenge To a Dota PlayerWhere stories live. Discover now