Love Team

725 18 3
                                    

Hi guys! Sorry super tagal kong hindi nagupdate. Tinamad kasi ako tsaka hindi ko na din nabubuksan tong account ko pero may bago naman na akong update. Sana magtuloy tuloy na update ko at wag na akong tamadin. Ang story na ito ay alternate universe. At sa story na ito ay madaming tao na sa Pilipinas ang open minded sa mga same-sex relationships. Maikli lang tong one shot na to. Sorry guys. So, enjoy na lang! Sana magustuhan nyo yung update.

----------------------------------------------
"Buntis ako... At ikaw ang ama." Sabi nya.

"Ano??? Anong ako? Pano mo naman nasabing ako nga ang ama nyan? Sigurado ka ba na ako---" Napatigil naman sa pagsasalita ang kausap nya ng nabigyan sya ng isang malakas na sampal. Maging ako ay napatigil din. Ang sakit nun pre. Lumagitik eh. Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. Feeling ko naramdaman ko din yung sampal nya. Haha.

"Ang kapal naman ng mukha mo!! Unang una hindi naman ako prosti na kung kani-kanino na lang pumapatol dyan sa kanto. Alam mong ikaw lang. Ikaw ang una ko diba? At alam mo din kung gano ka nahirapan makuha yun diba? Kaya wag mo akong pagsalitaan na akala mo naman lahat na lang ng lalake dito eh natikman na ako!!" Gigil na gigil na sabi ni ate.

"Pero... Di ko sya kayang panindigan. Alam mo naman na estudyante pa tayo diba?" Sagot ni guy na nasampal ng malakas.

"Pero Kief nagaaral din ako! Hindi ko naman pedeng ipalaglag tong batang to!" Naiiyak na sagot ni ate.

"Ye. I'm sorry okay? I'm sorry that I've made a stupid decision. But I really can't handle this kind of liability. We're too young. And I'm still on the peak of my college stardom." Sagot ni guy sabay alis.

Naiwan naman si girl na nakatulala at tumutulo ang luha. Napaluhod na nga sya eh sabay sapo ng kanyang mukha at tuluyan ng umiyak. Hays.

"Hey." Tapik ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin.

"Panyo oh." Sabay abot ko sa kanya nung panyong hawak ko. Inabot naman nya yun atsaka ipinampahid sa mga luha na tumutulo sa kanyang mukha.

Tinulungan ko na syang tumayo at inakay sya sa isang bench. "Well, it's obvious that you're not okay so would you mind if I ask you what happened awhile ago that lead you to this kind of situation?" Syempre kunwari di ko nakinig mga pinagusapan nila kasi baka ma-creep out si ate at sabihing iniistalk ko sya. Haha.

"My boyfriend dumped me just because he got me pregnant and is not yet ready to take the responsibility." Nagsimula na naman syang umiyak. Hinayaan ko na muna sya dahil sabi sakin ng professor ko, pag nakakita daw ako ng taong umiiyak at pinatahan ito ay mas lalo pa daw itong iiyak kaya mas mabuting hintayin na lang itong kumalma.

"Alam kong wala ako sa posisyong mangielam kasi unang una sa lahat ay di mo naman ako kilala at di ko naman alam ang buong storya ninyong dalawa pero di ko kasi maiwasang magbigay ng mga comments tungkol dito. Sa tingin ko, well... kung sa akin lang naman yan nangyari, hindi ko na dapat pa syang isipin kasi wala na rin naman syang maidudulot na maganda sakin. Iniwan nya ako sa ere para lang masalba nya ang kanyang kasikatan kaya siguro di ko na dapat sya pagaksayahan pa ng panahon kasi hindi rin naman sya magaaksaya pa ng panahon sa akin. Kaya ko namang palakihin yung bata ng ako lang mag-isa eh." Pageexplain ko.

Nang kumalma na sya, tiningnan ko sya at nginitian. "Tara punta tayong ice cream parlor, libre kita ng ice cream baka makatulong sayo." Tumayo ako at inilahad ang kamay sakanya. Tumingin muna sya sa akin bago ngumiti at inabot ang aking nakalahad na kamay. Tumayo na rin sya sumama sa akin.

"I'm Ara by the way..." Sabi ko sakanya. "Thank you Ara ha. I'm Ye nga pala." Sabi naman nya pagkatapos ay ngumiti sa akin.

~

Deaf-MuteWhere stories live. Discover now