Lost Memories

1.5K 31 3
                                    

Naaalala ko pa noon, kung paano sya mag-react pag nagkakaron ng issue about saming dalawa. Kung alam nyo lang na rant sya ng rant noon sa dorm dahil hindi daw nya maintindihan yung mga fans kung bakit shini-ship nyo ako at siya, eh mag-bestfriends LANG naman daw kami. Wala naman daw na something between samin pero binibigyan nyo daw ng other meaning lahat ng nangyayari between saming dalawa.

Sa reaction ko naman, well it's the same with hers pero I don't rant. Tahimik lang ako pero kasi syempre, mahal na mahal ko nun yung girlfriend ko at alam kong nasasaktan sya pag shini-ship ako sa iba tapos sa best friend ko pa kaya hindi din talaga ako nun natutuwa na pinepair up kaming dalawa.

Well that was before.

Before something happened.

And I'm pretty sure na parehas din naming ikinatuwa yung pangyayaring yun. Dahil dun, narealize namin na kami pala talaga yung para sa isa't-isa.

Flashback

Nasa dorm na kaming lahat dahil past curfew time na at may early training pa kami tomorrow dahil may game kami against Adamson the next next day. And as the captain of the team, syempre I have to check their rooms bago magtulugan kung may nakalimot ba na magpatay ng ilaw or kung may ipapakiusap yung iba kong team mates.

Nung pabalik nako sa room namin ni Mika, I can hear sobs. Ka-roommate din namin si Cams at Aduke pero dahil na-ospital sya at si Aduke naman ay nagbabantay sakanya ay kaming dalawa lang muna sa room. Kaya I'm pretty sure na si Mika yun at nakumpirma ko nga nung pumasok ako sa room namin.

Nakaupo sya sa lower deck ng kama at nakatungo. Halata mo sakanya na pinipigil nya yung inis, sakit at galit nya.

"Daks! Bakit ka umiiyak?" Patakbong yakap ko sa kanya habang nagtatanong. Alam kong kailangan nya ng yakap at kaibigan ngayon.

"Daks..." Tapos tumingin sya sakin. "Daks, iniwan na ako ni Kief. Daks iniwan na nya ako... Nang-iwan siya daks... Sabi nya di nya ako iiwan pero..." Kasabay nun ay ang pagtulo na naman ng luha sa kanyang pisngi.

"H-Ha??" Ano?? Di pa din ako makapinawala!! "Eh anong gusto mong gawin ngayon? Gusto mo bang umuwi muna sa inyo sa Recto? Pagsasabi na lang kita kay coach." Sabi ko sanya na may pagaalala sa mukha.

"Daks, magagalit sya. Diba sinabihan na naman tayo na wag dadalhin ang problema pag usapang volleyball na." Naiyak pa din nyang tugon sakin.

"Oo. Magagalit sya. Pero maiintindihan din nya yun. Alam kong di ka din makakapagtraining ng maayos kung ganyan ka ngayon. Kailangan mo munang umuwi. Kailangan mong makausap si tita at lalong lalo na si Kief." Sabi ko naman sakanya.

"Uhm, daks. Pede bang samahan mo ako pauwi. Di ko lang talaga kayang mag-isa ngayon. Wag ka magalala ipapahatid na lang kita kay papa pabalik dito. Ayoko lang talagang umuwing magisa ngayon. Natatakot ako. Natatakot ako na baka may magawa ako na pagsisisihan ko din sa huli." Nakayakap na sya sakin nang sabihin nya yun. Hay nako. Ganto talaga to pag may kailangan. Tsk. May problema na nanglalambing pa din.

"Oo na. Tsk. Umayos ka na nga dyan. Ayusin mo na yung mga dadalhin mo kung may dadalhin ka man. Intayin kita sa salas. Bilisan mo ha. Baka makulangan pa ako sa tulog neto. Haha. Smile ka na muna ngayon. Para mabawasan naman yung tensyon at yung lungkot sa paligid." Tumayo na ako at dumiretso sa salas.

Habang naghihintay ay tinext ko muna si Bang na ihahatid ko si Mika sa kanila dahil nagkaron ng problema. Hindi ko na sinabi kung ano dahil wala naman ako sa tamang posisyon para magsabi sakanya ng totoong dahilan. Pinaintindi ko na lang ang kalagayan ni Mika at sinabing kailangan lang talaga nya ng tulong at since ako naman ang captain, cargo ko to.

Deaf-MuteWhere stories live. Discover now