Chapter 5

23.5K 796 684
                                    


Chapter 5

"Ayoko nga." Iritadong sagot ko kay Heirron.

Ilang beses niya akong niyayang makipag dinner date pero agad ko siyang tinatanggihan.

"Kahit ngayong gabi lang." He said seriously.

Isang buwan na rin ang lumipas matapos niyang sabihin na gusto niyang manligaw.

Kahit na nirereject ko siya nang paulit ulit ay hindi pa rin siya nadala, talagang ginagawa niya ang lahat upang mapapayag lang ako na manligaw siya, patuloy ang pangungulit niya sa akin.

"Bakit hindi 'yong mga babaeng nagkakagusto sa 'yo ang yayain mo?" Hinilot ko ang aking sentido.

Last week ay may nagpuntang babae dito sa office niya, may dala siyang regalo para kay Heirron ngunit hindi na siya nagkaroon ng tyansa na maibigay ito kay Zantlorez dahil pagbukas niya pa lang ng pinto at nakita siya ni Zantlorez ay pinaalis agad siya nito.

Asshole.

"And hey, bakit gusto mo ba akong ligawan?"

He didn't answer so I raised my eyebrow, naghahamon.

Gusto niyang manligaw at makipagdate ako sa kanya ngunit hindi niya naman masabi ang rason kung bakit gusto niyang gawin ito.

Hindi niya nga masabi na gusto niya ako! Wait, gusto niya ba talaga ako? Well, maybe nang tritrip lang siya?

I don't know and I don't fvcking care.

Ayoko talaga na may nangungulit sa akin lalo na kapag lalaki. Mabilis akong mainis sa kanila that's the reason why wala pa rin akong boyfriend or never akong nagkaroon ng boyfriend.

Mabubuhay naman ako kahit wala akong boyfriend o maging asawa, ang mahalaga ay humihinga ako.

I rolled my eyes. "Umalis ka na nga sa harapan ko, Zantlorez. Naaalibadbaran ako sa 'yo."

He took a deep breath. "Te-"

I cut him off. "Ten? Ten inches na naman?"

"No." He shook his head. "10 million, have a dinner date with me."

"10 million for a date? Are you insane?"

"I don't know." He licked his lower lip. "Well, maybe." He chuckled sexily. "Ano, deal?"

Ngumiti ako nang matamis sa kanya. "Ikaw pa bigyan ko ng 10 million basta lumayas ka lang sa harapan ko. Ayaw kitang makita."

Sandali siyang natigilan, napansin ko ang bahagyang pag igting ng panga niya.

"Wait, gawin ko na ngang 20 million." Nakakalokong ngumiti ako. "20 million, get out of my sight."

Naaasiwa ako sa kanya, hindi ako makapagtrabaho nang maayos dahil nasa harapan ko siya at nakasalo pa sa mesa ang kalahati ng puwitan niya, parang patagilid na nakaupo siya sa table ko.

He glared at me. "50 million, let's have a one week vacation. I'll pay for all of the expenses."

Ngumisi ako, kinuha ko ang tseke sa bag ko. Sinulatan ko ito at pumirma. "100 million, leave me alone and go back to your work." Inabot ko ito kay Heirron pero hindi niya tinanggap.

"What the fvck? I'm the boss here!"

"Walang may paki." Umirap ako. "Oh, kunin mo na ito at lubayan ako." Sabi ko, pilit na ibinibigay ko sa kanya ang tseke pero hindi niya ito pinansin man lang. "Why? Gusto mo pa ng dagdag ba?"

Marami akong pera 'no, hindi nila ako madadaan sa pera kaya kung sakaling magkaroon ako ng boyfriend at hindi ako gusto ng magulang niya, aalukin ko sila ng malaking halaga para layuan nila kami ng anak nila.

Kidnapping Miss SecretaryWhere stories live. Discover now