Chapter 12

187 8 0
                                    

BACHELORS SERIES 1: HAROLD KAZU HIRO SILVEXTRE

CHAPTER TWELVE

Dinala namin si Harold dito sa hospital at laking gulat naming lahat dahil sa kakaiba at espesyal na pagtrato ng mga nurse at doktor. Natataranta ang lahat na para bang isa siyang VIP guest.


"Ikaw ba ang asawa ni Mr. Fericos?" tanong ng isang doktor sa akin.


Fericos? Yun ba ang surname ng asawa ko- este kalandian ko pala.


Hindi man ako sigurado ay tumango na lamang ako at sinabing, "Opo, ako ang asawa niya. Kumusta po ang lagay niya ngayon?" nag-aalala ako.



Bakas sa mukha ng doctor ang pagtataka.


"Sigurado ka bang ikaw ang asawa, Miss?" hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.


"Ako nga po. Bakit wala po ba sa mukha?" konting-konti nalang ay maiinis na ako.


Huminga muna nang malalim ang doktor. "I'm sorry, Mrs. Fericos but before anything else, may tatanungin lang ako sa'yo,"


Ano ba 'yan may pa question and answer portion pa pala dito sa hospital na ito bago malaman ang kalagayan ng pasyente.


"May sakit ka ba sa puso?" tanong nito.


Mabilis naman akong sumagot, "Wala po."



"Your husband didn't make it, Mrs. Fericos. Time of his death, 8:51 am, my deepest condolences, Mrs. Fericos." tinapik nito ang balikat ko ngunit balewala lang sa akin 'yon dahil hindi pa lubos maproseso sa utak ko ang sinabi ng doktor.


"P-patay na s-siya?" nanginginig ang buong katawan ko't kapagkuwan ay malungkot na tumango ang doktor.


Oh, God no!


Nanghihina ang mga tuhod ko at kamuntikan na akong natumba, mabuti nalang at nasalo kaagad ako ni Doc.


"H-hindi totoo 'yan, Doc. Tell me y-you're lying. Where is he? I need to see him," I pleaded. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at kusa itong bumagsak.


Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang hindi naman yata makatarungan ang pagkamatay niya. Hindi ako naniniwalang patay na siya hanggat hindi ko siya nakikita.


"This way, Mrs. Fericos," nauna nang naglakad ang doktor at tulala lamang akong sumusunod sa kanya.


No... this can't be real.


Pumasok kami sa isang pribadong emergency room, hinawi ng doktor ang isang kurtina at doon ko nasilayan ang kailanma'y hindi ko inaasahan na makikita. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko't hindi ko magawang lumapit sakanya.


"Maiwan na muna kita, Mrs. Fericos."


Hindi ko na pinagtuonan pa ng pansin ang doktor at nakatuon na lamang ang atensyon ko kay Harold na kinumotan na ng isang puting tela. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nanginginig pa ang mga kamay kong inabot ang katawan nito. Nang makalapit na ako kay Harold ay doon ko na nilabas ang sakit na nararamdaman ko.


"A-ang daya mo namang tarantado ka... nakakainis ka! Bakit ka naman namatay agad? H-hindi ko pa nga nasasabi sa'yo ang totoong nararamdaman ko..." niyakap ko ang walang malay na katawan nito.


Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga iilang tao rito sa loob pero wala akong pakialam. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap kay Harold at ang mga luha ko'y tila isang talon na tuloy-tuloy lamang sa pag-agos.


"Gumising ka, Harold ano ba?!" niyugyog ko pa ang katawan nito.

"Mukha ka namang tanga, Mojojojo. Anong ilalagay sa lapida mo... cause of death humawak ng dede na may pinagpatong-patong na sampung bra sa loob?" iyak parin ako nang iyak.


Oo, nagsuot ako ng sampung bra kanina para hindi na niya tawaging malnourished ang mga alaga ko.


"Ano ba, H-harold... gising na please? H-hindi ko pa nga nasasabi sa'yo na-"


"Anak?"


Parang kilala ko ang boses na 'yon ah. Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali, nasa likuran ko sina Mama, Papa at ang kapatid kong si Jaybee na may hawak ulit na cellphone.


"Anak, bakit anong ginagawa mo riyan?" tanong ni Mama.


Napalabi ako, "Ma... Pa, patay na po si Harold. M-ma..." pinilit kong lumapit kay Mama kahit na nanghihina ang katawan ko.


Mama just gave me a weird look. "Anak mukha kang tanga," saad ni Mama.


Ano raw?


"Mama, nakakamatay pala ang malnourished na boobs ko..." ayon nanaman ang mga luha ko, tumulo nanaman.


Binatukan ako ni Papa.


"Anak, saan ba kami nagkulang ng Mama mo? Pinalaki ka naman namin ng maayos ah. Ba't ka gan'yan?" madramang saad ni Papa.


"Hon, anak ba talaga natin 'to?" tumingin si Papa kay Mama habang tinuturo ako.


"Isa ka pa! Manang-mana sa'yo 'yang anak mo!"


Ha? Anong nangyayari? Bakit hindi sila namomroblema eh namatayan kami.


"What the fuck is going on here?"


BOSES 'YON NI HAROLD!


Tumakbo ako kay Mama at saka siya niyakap, "Mama, narinig mo 'yon? Boses 'yon ni Harold, minumulto na niya tayo-" kinurot ako ni Mama kaya naman napa aray ako.


"Ang shunga mo, anak. Promise!" saad ni Mama.


"Agree ako kay Mama, Ate. Ano ba kasing iniiyak-iyak mo riyan?" sabat naman ng kapatid ko't sinamaan ko lang siya nang tingin.


"B-baby?"


SI HAROLD ULIT 'YON.


Halos lumuwa ang mga mata ko dahil muli kong narinig ang boses ni Harold.


"Damn, ba't ka ba takot na takot? I'm here, Jezleen Megan," may diin ang bawat salitang binitawan nito.


Nilinga ko ang aking paningin at nakita kong nakatayo si Harold sa likod.



"Hindi ka patay?"


"I didn't know na nakakahimatay pala 'yang mga dibdib mo pero hindi naman sila deadly, baby," lumapit ito sa akin at niyakap ako.


"Ilang bra nga ulit 'yon? Sampu?" saad nito.


NAKAKAHIYA!


Luminga ako sa paligid at pinagtitinginan ako ng mga tao, "A-akala ko Fericos ang surname mo-"


"Fericos?" he chuckled. "Baby, hindi bagay sa'yo ang Fericos. Silvextre suits you better," he kissed my forehead.


Silvextre?


"Sorry, I still haven't introduce myself properly," he leaned closer to me at ang isang braso nito ay nakaalalay sa baywang ko.


Jusmio marimar ang hininga niya!


"I'm Harold Kazu Hiro Silvextre, your future husband." bulong nito


To be continued


Her Majesty Writes | Work of Fiction
PLAGIARISM IS A CRIME

|| Visit my timeline for more stories ||

Bachelors Series 1: Harold Kazu Hiro SilvextreWhere stories live. Discover now