Chapter 3

411 19 8
                                    


BACHELORS SERIES 1: HAROLD KAZU HIRO SILVEXTRE

CHAPTER THREE


Jezleen's POV

Nangangatog man ang mga binti ko'y naglakas loob pa rin akong tanungin kung sino siya na kaagad ko ring pinagsisihan dahil halata ang panginginig ng boses ko.

"S-sino kang tarantado ka, b-bakit may dala kang mangga?"

God knows I tried my very best not to stutter but I failed. Pwede na talaga akong lamunin ng lupa.

Ibinaba nito ang basket at laking pagkadismaya ko nang hindi ko masiyadong makita ang mukha nito dahil sa street light na eksaktong tumama sa kanyang likod. He's like the true definition of perfect silhouette. Sa dilim ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngisi niya and I could swear on every living things on Earth, ang pogi niya!

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" he then asked.

Inirapan ko ito para maitago ko ang kabang nararamdaman saka mataray akong humalukipkip, "Sorry, we don't allow strangers in our house kaya chupi kana. Shooo, shooo!" umakto akong parang tinataboy ko ito.

"What nonsense are you talking about? Did pregnancy really hit your head hard?" he asked annoyingly.

Instead of feeling irritated with his tone, I felt those butterflies flying around on my stomach.

Holy freakin' blue berry cheesecakes even his annoyed voice sounds so good!

"Anong strangers? Babe, we're not strangers to each other. I am the father of that little pea growing on your womb, h'wag kang shunga." Walang paliguy-ligoy na saad nito.

Nanlaki ang mga mata ko sa huling sinabi nito sa'kin. Ako? Shunga? Aba't tarantado talaga ang unggoy na 'to ah!

"P'wede na ba akong pumasok? Nilalamok na ako dito sa labas, baby." nagmamakaawa ang mga mata nito at siyempre naman, dahil dakila akong marupok niluwagan ko ang pinto ng kaunti.

Dahil sadyang pinagpala ang lalaking kaharap ko ngayon at medyo malaki ang pangangatawan nito ay hindi ito nagkasiya.

"Baby naman..." pagrereklamo nito. "Is this some kind of pregnancy thing?"

Anak ng siomai, ang sarap sa ears!

He then pouted to my flat belly. "Baby oh, ayaw akong papasukin ni Mommy mo, sana h'wag kang gagaya sa kanya paglaki mo ha, kasi my saltik itong nanay mo. Kinulang 'ata sa vitamins noong bata siya." saad nito habang nakatingin sa tiyan ko.

"Excuse me?" naiirita ako sa presensiya ng lalaking ito. "Anong pinagsasabi mong kinulang ako sa vitamins? FYI, Mister na malaki ang pangangatawan, kompleto ako sa bitamina at bakuna noong bata ako. I even have two boosters of vaccines. Baka ikaw itong kinulang sa vitamin kaya sobrang laki ng pangangatawan mo." Mahabang litanya ko.

He grinned and came closer while still holding the basket of mangoes. "You really think malaki ang pangangatawan ko, no? You said it two times. Pinahirapan mo pa ang sarili mo. You could've just said I'm handsome or good looking, baby." He winked playfully.

My blood boiled automatically. This man is full of himself. "Tumigil ka nga! Hindi porke malaking ang katawan mo, guwapo ka na. Maganda lang ang pangangatawan pero hindi ka gwapo. Tandaan mo 'yan. Umalis ka na nga!" I tried pushing him away but he caught my hand.

Gosh, ang lambot ng kamay niya!

"Why are you making me leave? Okay, fine I'm sorry, Misis. Huwag ka ng magalit baka lumabas ng nakasimangot si baby."

Pinandilatan ko siya ng mata. "Shut up, Mister alam mo namang hindi ako totoong buntis kaya lumayas kana."

"Problema ba 'yon? Eh di totohanin nalang natin!"

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang dinaanan ito ng ilang libong kabayo.

"Jezleen? Sino 'yang kausap mo riyan?" dinig kong tanong ni Mama mula sa kusina.

"Ah Ma, wal-"

Nagulat ako nang bigla niya akong hinila palabas ng bahay at nagtago kami sa isang malaking halaman ni Mama. He was still holding my hand and I gasped when he placed his other hand on my mouth.

Ang bango ng kamay niya!

Bakit ba kami nagtatago? Nakita kong lumabas si Mama at luminga-linga ito sa paligid at sa hindi malamang kadahilanan, nag-aalala akong baka makita niya kami at mahuli sa hindi kaaya-ayang posisyon. Hindi ako makapagsalita dahil nga may takip parin ang bibig ko. Saka lang niya tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko nang pumasok na si Mama sa loob ng bahay.

I turned to him with my deadliest stare. "Nasisiraan ka na bang unggoy ka? Bakit mo ginawa 'yon? Takot ka ba sa Mama ko? Bakla ka ba –"

HE KISSED ME.

Jusmio marimar hanggang kailan niya kaya ako balak tantanan na pakiligin ang lalaking ito. Any normal girl will feel hate towards this action but bacuse I am not just a normal girl, I kind of enjoyed the kiss.My heart skipped a bit as soon as he started moving his lips to mine. Minutes later, he was still kissing me and I just stood there like the statue of liberty. He then stop and grin wickedly.

"Sorry, not really sorry." He said in his husky voice.

Napalunok ako. What did I get myself into?

"Inaakit ako ng labi mo. You don't even know how to kiss, paano mo nasabing nabuntis kita?"

Hindi ako makasagot dahil sa pagkabigla. Gone the playful aura.

"Oh well, that won't be a problem. Tuturuan kita at sisiguraduhin kong mabubuntis talaga kita. Pranking me was your most beautiful mistake ever, baby and I do not intend of letting you go now. Panagutan mo ako."

Before I could say anything else, I felt his lips pressed against mine - again. And for the second time, I closed my eyes and let myself feel how magical the kiss we're sharing. Nasa ganoon kaming posisyon nang may marinig kaming kaluskos at pareho naming hindi pinagtuunan ng pansin 'yon.

"BOLAGAAAAA!!!"

Halos isumpa ko na ang lahat ng langgam at lamok na kumakagat sa akin ngayon dahil sa biglaang pagsulpot ng kapatid kong si Jaybee.

Paglingon ko'y isang maliwanag na bagay ang bumungad sa amin. He have a freaking flashlight for Pete's sake and he's recording us – kissing!

"Ma, Pa andito si ate naghahalikan sila ng asawa niya!" sigaw ng kapatid ko.

Ang sarap sabunutan nitong bunso kong kapatid pero bago ko pa nagawa 'yon ay bigla nalang dumating si Papa na may dalang palayok.

"Hoy, lalake panagutan mo ang anak ko!"

Patay na talaga! Akala ko itutulak o idedeny ako ng lalaking nasa tabi ko pero nagulat ako sa ginawa niya. Taimtim akong nagdasal na ssana ideny na lang niya ang lahat pero may iba yatang plano ang kapalaran sa amin.

He held my waist and pulled me closer. "Right away, Sir!" nakangiting sagot nito sa aking ama.

Oh no. No no no my single life. My freedom.

Someone please do remind me why did I ever thought of this prank! Huling prank ko na talaga ito sa buhay.

-To be continued 



Bachelors Series 1: Harold Kazu Hiro SilvextreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon