Chapter 17

20.4K 550 99
                                    

"Kiana," Tawag sa akin ni Sir Julian kaya napatingin ako sa kanya. Nasa dining table siya at nag-aalmusal na. Kinagat niya agad ang babang labi niya para pigilan ang pagtawa. "Paki-timplahan nga ako ng gulaman..."

Bagsak ang balikat ko. Ilang araw na ang lumipas simula noong gabing malasing ako pero hindi pa siya nakaka-move on! Talagang bumili pa siya ng pang-timpla ng gulaman para lang asarin ako!

"Masama po ang gulaman sa umaga." Sagot ko naman. "Dapat mag-kape po kayo para magising kayo at ganahan mag-trabaho."

Ngumisi naman siya sabay pangalumbaba. "For your information, sweets can keep me awake just like coffee, Babaeng Gulaman."

Ang ganda ng branding ng pagkatao ko, isa akong gulaman!

Gustong-gusto ko ng magsabi ng masasamang words pero amo ko pa rin 'to kaya pigilan mo ang sarili mo Kiana. Kailangan mo ng bahay para kay Have at kailangan mo ng trabaho. Saka kasalanan mo rin naman kung bakit mo in-out ang sarili mo kay Sir Julian!

Ang traydor ng mga alak na lasang juice!

"Okay." Ang tanging naisagot ko kay Sir Julian sabay talikod ko para pagtimplahan siya ng gulaman. Kung pwede lang duraan 'tong gulaman na 'to pero hindi naman ako dugyot.

Nang makapag-timpla na ako ay ini-abot ko ito sa kanya. "Konting arnibal lang po ang linagay ko d'yan para hindi po kayo magka-diabetes po Sir." Sarkastik kong sambit sa kanya.

Natawa naman siya sabay tango. "Thank you, Miss Gulaman." Uminom muna siya rito bago ako muling tignan. "So Kiana, sinuong mo talaga ang senior high bldg. para lang sulyapan ako lagi? Kayo ng kaibigan mo?"

Nakatingin lang ako sa mapang-asar niyang mga mata. Feel na feel naman niya masyado ang pagkaka-crush ko sa kanya. "Mas masarap lang po talaga ang pagkain sa senior high bldg. kesa sa junior high kaya h'wag kang feeling d'yan."

Tumango-tango naman siya habang nagpipigil pa rin ng ngiti. Magkapatid nga sila ni Iro. Pareho silang malakas mang-asar! Minsan nakakapagod din silang ka-bonding.

"Sabagay, masarap talaga kumain kapag nakikita mo ang crush mo sa 'di kalayuan 'no?" Pang-aasar pa niyang sagot sa akin.

Siningkitan ko siya ng mata. Huminga ako nang malalim para kumalma. "Bakit 'di ka maka-move on sa isyu na 'yan? Ngayon lang po ba may nagka-crush sa inyo? For sure naman marami na ang nagsabing humahanga sila sa'yo!"

Natawa naman siya sabay inom sa gulaman. Letse! Kailan pa naging pang-agahan ang gulaman?! "Dahil ngayon ko lang naintindihan kung bakit may mga junior high na kumakain sa bldg. namin. Flattered to know na ako pala ang dahilan mo." Sabay hawak niya sa dibdib niya.

"Ang dami mong satsat kala mo naman gugustuhin mo rin ako pabalik." Halos pabulong kong sambit sabay irap ko sa kanya.

Matagal niya akong tinitigan habang nakangiti siya sa akin kaya medyo nailang ako. "May boyfriend ka?"

Umiling naman ako.

"Nagka-boyfriend?" Tanong niya ulit sa akin.

Dahan-dahan naman akong tumango. Dahan-dahan din siyang tumango sabay ayos ng pagkakasandal sa upuan at naghalukipkip.

"You're still young, Kiana. If you want me to be your inspiration then so be it. I want you to reach your dreams and become the person you want yourself to be in five years from now."

Rejection is more painful in second time around. Arouch. 💔

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya at pilit na ngumiti. "Dahil ba...hindi ako bagay sa'yo kasi kasambahay lang ako?"

'Di kaagad nakasagot si Sir Julian kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti pa rin siya sa akin. "It's never an issue, Kiana. Kung gugustuhin kita ngayon ay gugustuhin kita. Masyado mong dina-down ang sarili mo. Lagi kang nagse-settle sa less kasi feeling mo ay 'yon lang ang deserve mo. Hindi ko alam kung ano ang nagho-hold back sa'yo not to do the best things for your life. I want to be the person to pull you up but for me to do this, I need you to trust yourself din. Kasi at the end of the day, it's still your choice and decision if you will take risks or not..."

Autumn Of AbodesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora