Chapter 38

25.1K 649 173
                                    

"Quel est ton nom?" What is your name? Tanong pa ni Haven kay Chino.

Napabuntong-hininga naman si Chino sabay kamot sa ulo niya. "Inom? Gusto mo uminom?" May tinuro pa si Chino bago muling magsalita. "Doon iyong ref, daming tubig na maiinom."

Umiling naman si Haven kay Chino. "Non. Non. J'ai dit, comment t'appelles-tu?" No. No. I said, what's your name?

Napabusangot na si Chino sa pag-uusap nila ni Haven. "Bakit ganyan ka magsalita? Para kang alien. Hindi ko maintindihan."

Lumapit na ako sa dalawa dahil pareho na silang nahihirapan sa language barrier. Nginitian ko sila pareho at hinaplos ang mga likod nila.

"Chino Alonso ang name niya. Pero pwede mo rin siyang tawaging Chino." Pagpapaliwanag ko kay Haven. Nakakaintindi naman siya ng tagalog pero hindi lang siya nakakapagsalita.

Ngumiti si Haven sabay tango. Tinignan niya ulit si Chino. "Hello, I'm Haven." Sambit niya sa English para maintindihan ni Chino.

Ngumiti naman si Chino sa kanya. "Hello, Ate Haven! My kuya is Kuya Primo. He's...sleep? Asleep? Sleeping?" Sabay kamot-ulo ni Chino. "Ikaw na lang pumili. Basta natutulog na siya."

Natawa naman ako kay Chino. Natutulog na kasi si
Primo. Nandoon siya sa tabi ng wowo niya. Itong dalawa ay gising pa.

"Kaya matulog na rin kayong dalawa, okay?" Sambit
ko sa kanila kaya tumango sila. Hinawakan ko na ang dalawang kamay nila para umakyat na sa hagdan. Dinala ko sila sa kwarto ni Jillian, dito muna kasi natutulog si Haven at si Chino.

Pinagtabi ko ang dalawa at agad namang yumakap
si Chino sa ate niya. "Good night, ate."

"Bonne nuit, Chino." Good night, Chino. Sagot naman ni Haven.

Napangiti ako sa kanila. Kahit paano naibsan ang bigat sa puso ko. Mabilis silang nagpalagayan ng loob na magkakapatid.

Hinaplos ko pang ang mga likod nila para makatulog agad sila. Ilang saglit pa ay pareho na silang nakatulog kaya inayos ko na ang kumot nila. Humalik pa ako sa mga pisngi nila bago umalis.

Lumabas na ako ng kwarto at bumalik sa kwarto ni Julian. Nabenta na pala ni Julian ang condo simula nang manirahan sila ni Haven sa France. Kaya andito kami ngayon sa mansion pansamantala. Plano naman ni Julian na bumili ng bahay agad.

Pumasok naman si Julian sa kwarto na naka-shorts lang habang basa ang buhok dahil bagong ligo. Naupo siya sa tabi ko kaya hinarap ko siya.

"Kumusta? Tulog na ba ang mga bata?" Tanong ni Julian.

"Medyo nahihirapan sila sa communication dahil sa language na kinagisnan nila pero kakayanin naman." Sagot ko kay Julian.

Ngumiti naman siya at pinisil ang ilong ko. "And'yan ka naman para turuan sila, Teacher Kiana. Saka, matututo rin 'yan si Haven mag-tagalog."

Tumango naman ako sa kanya. Sana nga para hindi sila mahirapan mag-bonding na magkakapatid.

Kinuha ko naman ang suklay para suklayin ang buhok niya. Sinuklay ko 'yon ng pabagsak. "Chino..." Sambit ko sabay suklay ulit ng buhok niya pagilid. "Primo..." Napabuntong-hininga na lang ako. "Kahit saang anggulo, kamukha mo talaga sila. Babayagan talaga kita kung sakaling itanggi mo sila."

Natawa naman si Julian sabay hawak sa bewang ko. Gumalaw naman doon ang hinlalaki niya. "Noong una kong nakita si Primo, hindi na ako nagtaka pa, lalo na nang malaman ko na ikaw ang nanay niya. Saka pwede naman ulit akong mag-design ng kamukha mo. Sabi ko kasi sa'yo noon, nag-design ako para sa kamukha ko."

Autumn Of AbodesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon