chapter 12

152 17 0
                                    

📍Mysterious Women and the Destroyer:

••••***••••

Chandlier PoV:

Fuck! ang saya ko sobra. Naamin ko na sa taong mahal ko ang nararamdaman ko. Hindi lang yun pumayag pa syang ligawan ko.

Pinilit ko pala hehe.

Pero alam ko naman na hindi ako matitiis ni Louisse. Kaya nga mahal na mahal ko yun eh.

"Brad ano itong usapan na may nililigawan ka daw sa Bronze Sec." Biglang singit ni Cyrus. Epal talaga ito kahit kailan panira ng mood.

Tsk ang bilis ng balita. Sabagay gumawa ako ng eksena sa Hallway ng Bronze Sec. Kaya sino naman ang hindi malalaman ang ginawa ko.

"Kaya nga at gumawa ka pa ng scene. So who's that lucky girl? Hmm" nakangiting tanong ni Talia. Kala ko patahimik-himik lang itong babaeng toh chismosa din pala tss.

"Wala na kayo dun." Nasabi ko nalang dahil wala akong balak pang sabihin sa kanila. Tutal malalaman din naman nila.

Nandito nga pala kami sa Diamond House ewan ko ba dahil kanina ako lang naman ang nandito sa sala pero ngayon, andito na silang lahat . Para maka chismis.

Lumabas nalang ako para magpahangin. Kailangan kong paghandaan ang panliligaaw ko kay Louisse.

Akin kalang Louisse. Akin lang.

Louisse PoV:

Gabi na ng magising ako sa pag kakatulog ko kanina pag-uwi namin ni Zoey sa Bronze House. Siguro napagod ako sa mga nangyari. Diko parin ma-process sa utak ko , yung ginawang pag coconfess sakin ni Chandlier. May gusto rin pala siya sakin. Pero kahit na ganun pakiramdam ko may kulang parin. Ewan hindi ko alam.

Pumasok muna ako sa banyo para maghilamos at maglinis narin ng katawan. Agad kasi akong nakatulog kanina pag kauwi ko. Pagkatapos ko ng mga ginagawa ko ay lumabas na ako para mag palit ng damit.

Dadaan na dapat ako sa Salamin ko malapit sa may closet , ng mapansin kong parang iba ang replekyon ko sa salamin. Agad akong bumalik at wala naman akong nakitang kakaiba. Nang-aalis na ako ay biglang may nag litaw na babae sa salamin , kaya agad akong nag handa. Mamaya patayin pa ako neto diba.

"Sino ka?" Saad ko ng nag pakita siya ng malinaw sakin , pero wala siyang mukha. Bakit kaya?.

"Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko ulit ng hindi ko siya kumikibo manlang. Ano bang pakay ng babaeng ito? Naka dress siyang purong white at- weyt? What if may multo din sa mundo na ito? Erase erase 'di dapat ako matakot.

"My child, kailangan mo ng maghanda. Nalalapit na ang iyong tunay na pagsubok. Nalalapit na ang iyong pagsilang muli. Sa iyong ika-18 kaarawan mo magiging ganap ka ng isang manlilikha. Mag ingat ka wag kang mag titiwala ng basta-basta." Saad ng babae at biglang nag laho.

Napatanga nalang ako. Dumagdag pa yung sinabi ng babaeng yun sakin. At ano daw?

Child?

Manlilikha?

Anong ibig nyang sabihin?

"My child, kailangan mo ng maghanda. Nalalapit na ang iyong tunay na pagsubok. Nalalapit na ang iyong pagsilang muli. Sa iyong ika-18 kaarawan mo magiging ganap ka ng isang manlilikha. Mag ingat ka wag kang mag titiwala ng basta-basta."

Yahhhh!!! Umuulit na naman siya sa utak koo kainis. Malapit na nga ang 18 birthday ko. Mag-iingat na nga lang siguro ako.

Tinapos ko na ang dapat kong gawin ,at nagtungo sa sala para hintayin si Zoey, dahil sabay kami mag Didinner.

"Hi beshyy!! Kanina kapaba jan?" Bungad ng babaitang itooo. Kaloka.

"Kararating ko lng din. At kararating mo lang din parang nakalunok kana agad ng megaphone kaloka ka besh." Sambit ko sa kanya.

"Hayaan mo na besh , tara nalang sa cafeteria gutom na ako." Sabay hila sa kamay ko.

Pagkadating na pagkadating namin sa Cafeteria ay pumunta na agad si Zoey sa Counter. Gutom na talaga siya. Humanap naman ako ng mauupuan hanggang sa madako ang tingin ko sa mga Royalties. Kinawayan ako ni Chandlier pero diko mo na siya pinansin ,hanggang sa may bumangga sakin.

"Oppss- sorry akala ko basura" teka? Ito nanamng bruhang ito ang nandito. Kaurat mga besh ha! Lagi nalang siya. Pero teka?

Destroyer?

Anong hilig sabihin ng destr- teka kung may creator may destroyer. Now i know kung bakit ganito nalang kasama ang budhi neto.

Heide Remington? Diba apelyido yun ng Goddess? Ang dami ko namang tanong kainis. Diko kasi mabasa ung Bio date nya kaurat.

"Hey! Huwag ka ngang humarang, bingi na nga pangit pa!" Natigilan ako sa aking pag-iisip at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Ako ba sinasabihan mo , babaeng payaso.!" Pagtataray ko sa kanya. Nakakainis kaya pangit namn. Ginawa pa akong salamin, duhhh.

"Abat hindi ako payaso , palibhasa mahina na tatanga- tanga pa." Konek? Wala na ba siyang masabing maganda.

"Hindi na ako mag tataka kung bakit masama ang ugali mo."sabay lapit sa kanya , at bumulong ako ng "destroyer" sabay atras. Ngumisi naman ako ng napaatras siya at napanganga. Bakit kaya big deal sa kanya. Haha kasi nalaman ko totoong siya? Tsk.

"Pa-p-aanong na-" Hindi ko na siya pinatapos ng nilagay ko yung gitnang daliri ko sa bibig nya.

"Shhh no need to explain." Nag smirk ako sa kanya sabay alis papunta kela chandlier. Tutal wala naman akong mahanap na ibang upuan.

Pagkarating ko sakanila nakita ko silang parang nag-iiwas ng tingin. Pero itong lalaking laging nakaiwas saakin ay titig na titig tsss.

Napalingon naman ako sa katabi nya ng makitang lumalamon na ang babaeng palaging gutom. Teka ang bilis naman nya, o napatagal lang talaga ung bangayan namin ng babaeng payasong yun.

"Makikiupo" sabay sikbay kay chandlier at nag-iiwas parin sila ng tingin. Tumikhim naman ako sakanila.

"Ehem problema nyo.?" Agad na tanong ko, ang akward kaya.

"Ang galingggg moo Louisse. Idol na kita." Si Azure habang may pa kilig epek pa amp.

"Bakit naman?." Takang tanong ko kunwari di ko alam ang tinutukoy nila noh.

"Eh ikaw palang ang nakakasagor ng ganyan sa kanya. Bukod sa May lahi siyang dyosa e habog payan." Now it make sense kung bakit Remington ang apelyido nya.

"Ano nga pala yung sinabi mong destroyer?" Tanong ni Zoey habang ngumunguya pa. Weyt bakit nya narinig yun? Dikaya-

"May hearing ability kasi ako hehe. Forget mo nalng." Natahimik naman sila at parang may iniisip.

Destroyer? Sabay sabay nilang bulong. Huh?

Anong meron?

___F.G

Child Of First Goddess: The CreatorWhere stories live. Discover now