Prologue: Umpisa

25 9 15
                                    

Kathang-isip
Ben&Ben series #1
_raconteurs_

** **
Prologue: Umpisa

Nakatanaw ako sa kalsada habang tahimik na naghihintay na sasakyang jeep na hindi pa puno. The rain is pouring hard, crying in agony while the wind is blowing my hair. I sighed as I silently prayed that I wouldn't be that late for our family dinner. I sat down on the waiting shed's chair while staring at the fastly paced vehicles.

It's already 7:35 in the evening, and I'm still here at the downtown. Bumili kase ako ng pangregalo para sa pamilya ko.

Desperas na ng pasko at ngayon lang ako nagkaroon ng time na bumili. Masyado kase akong busy noong mga nakaraang araw. Our finals is coming near. Next year pa naman, sa first week ng January, pero hindi ata balak ng mga professors namin na bigyan kami ng christmas break.

“Malas naman oh,” 'Dinig 'kong bulong ng katabi ko. Napalingon ako sa kanya nang malalim siyang bumuntong hininga.

She tried fixing her wet hair, while mumbling something. Basang-basa na siya at mahinang nanginginig dahil sa ulan. Problemado siyang umiling habang tinitingnan ang cellophane na nasa kaliwang niyang kamay.

Umiwas na ako ng tingin at itinuon ang pansin sa mga patak ng ulan. I can feel the cold air hugging my skin, even though I am using my varsity's jacket.

“Ang lamig, grrr,” Giniginaw na bulong niya.

I can hear her silently praying, “Lord, patigilin niyo naman po 'yung ulan.” Galit na bumuhos pa lalo ang ulan.

Bahagya akong natawa bago itinikom ang bibig. I can see her looking at me in my peripheral vision. Patay malisya naman akong nanatiling nakatingin sa mga sasakyang dumadaan.

“Pinagtatawanan mo ba ako?” Aniya. Dahan-dahan akong lumingon bago itinuro ang sarili.

“Ako?” She nodded.

“Hala hindi ah,” deny ko with matching actions pa.

Nanatili namang nakataas ang kilay niya habang nanliit ang matang nakatingin sa akin. I also raised a brow at her.

I noticed her black underwear is  being visible under her white shirt. Ngumiwi ako bago iniwas ang paningin. Nanlaki ang mga mata niya bago eksahiradong suminghap.

“Oh my God, manyak!” Singhal niya bago tinakpan ang kaniyang dibdib. Gulat naman akong napatingin sakanya.

“Pinagsasabi mo?”

“Type mo ba ako?” Nanliit ang matang tanong niya.

“Eh?” Kunot noong tugon ko.

Madrama naman siyang umiling habang may naawang matang tumingin sa akin. Mas lalo ko pang itinaas ang kilay. “I'm really sorry, but you're not my type po kuya eh,” madramang aniya.

Hindi ko na lamang siya pinansin at tinuon na lang mata sa cellphone kong umiilaw. A notification popped up and I saw a message from my mom, asking where I am.


Me
Otw na Mi.
Sent 7:45 pm

Mami
May payong ka ba, anak?
The rain is pouring hard.
Sent 7:46 pm

Me
Wala po eh.
Sent 7:46 pm

Seen.


Mami
Sunduin ka na lang ba ni
manong diyan?
Sent 7:47 pm

Seen.

Kathang-isipWhere stories live. Discover now