Chapter 01: Phone

29 6 18
                                    

#1

“You okay?”

Nagtataka siyang nakatingin sa'kin habang nakakunot ang noo, tila ba nagtatanong 'kung ano ang ginagawa ko. Ipinatong ko ang jacket na hawak sa balikat niya at walang pagdadalawang-isip niya naman itong isinuot, pagkatapos ay inirapan ako. The cold wind embraced my bare skin as the rain poured harder in agony.

“Mukha ba akong okay, ha? Tanginamo, bulag ka ba?” Nanghihina pero masungit pa rin na tugon nito. Ngumiwi na lang ako bago siya inalok na sumabay na lang kako sa amin. She looked away before sighing; contemplating.

“Ano? Carps?” I asked. Nagpabaling-baling naman sa iba't-ibang direksyon kaniyang mata. I can sense that she's not comfortable about it kaya ipinaalam ko na nandoon naman sila Ate Micah at Mina.

I looked back to the direction of my car and I saw my younger sibling is watching us while munching her french fries. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanila, inilabas niya sa nakabukas na bintana ang kaliwang kamay at kumaway habang may hawak na french fries ang mga daliri. Ngumisi ako bago lumingon pabalik sa babaeng kausap ko. She also glanced at my car's direction before looking away.

“Type mo ba ako?” diretsahan niyang tanong habang seryosong nakatitig sa'kin. Nanlaki ang mga mata ko bago bahagyang tumawa.

“Nah, I like someone else.” Naiiling na sagot ko bago inilipat sa kaliwang kamay ang handle ng transparent na payong. I extended my hand so that I can help her stand up.

“Good.” Tanging sagot niya lang bago tinanggap ang nakalagay kong kamay.

I carefully opened the front seat and helped her get in. Tahimik lang siya habang bumabiyahe kami papuntang Las terrazas.

“Hello po,” masayang bati ni Mina na ngayo'y kumakain ng burger.

“Hi,” Mahinhing bati niya pabalik.

From tiger into a kitten, huh?

I silently chuckled before maneuvering the car towards the highway. The ride went well, tahimik lang naman si Ate Micah. Gano'n naman talaga siya kapag hindi niya ka-close yung kasama niya.

Ate Micah is the serious and silent one in our family. Ewan ko ba, pero nagkakasundo lang sila ng pinsan 'kong si Isha. Halos namana niya nga lahat ng katangian ng Mommy eh. From her hazel eyes, pointed nose, lips, face shape and her straight hair. Like a carbon copy.

Ako naman 'daw ay namana 'yung mukha ng daddy. Wala eh, ipinaglihi ata ako kay Daddy habang si Ate ay sa salamin.

Joke. Corny ko, grabe.

“Ate pretty, what's your name po?” Mina asked the silent her.

Curiousness flashed on Mina's adorable set of eyes. Kahit sa murang edad, sopistikado na ang galawan ni Mina. Even though she has a jolly personality, her voice and her actions seems calculated and elegant. Sabi nila, pinaghalong Mommy at Daddy daw kako si Mina, and we can't help but to agree.

Namana niya 'yung face shape, lips and soft features sa Mommy, habang yung buhok, mata at ilong ay 'kay Daddy.

I saw the girl opened her mouth to speak but halt for a few seconds, unsure if it's safe to give her name but later on smiled.

“I'm Ate Anele, and you are?” Aniya sa mahinang boses.

“I'm Minaka Esguerra Lopez, po.”

“Oh? Nice name.” Anele commented with a kind smile. Nang magtama ang mga mata namin sa salamin bigla na lang nawala ang ngiti niya at napalitan ng simangot. Nginisihan ko na lang siya bago ibinaling ang paningin sa daan.

Kathang-isipWhere stories live. Discover now